tl_1jn_text_ulb/03/16.txt

1 line
469 B
Plaintext

\v 16 Sa pamamagitan nito alam natin ang pag-ibig, sapagkat inialay ni Cristo ang kanyang buhay para sa atin. Nararapat ding ialay natin ang ating mga buhay para sa mga kapatid. \v 17 Ngunit ang sinumang may pag-aari ng sanlibutan, nakitang nangangailangan ang kaniyang kapatid, at isinara ang kanyang maawaing puso sa kanya, papaano mananatili ang pag-ibig ng Diyos sa kaniya? \v 18 Mga anak, huwag tayong umibig sa salita o sa dila, ngunit sa mga gawa at katotohanan.