tl_1jn_text_ulb/04/04.txt

1 line
464 B
Plaintext
Raw Normal View History

\v 4 Kayo ay sa Diyos, mga anak, at napagtagumpayan sila, dahil ang siyang sumasainyo ay mas dakila kaysa siyang nasa mundo. \v 5 Sila ay mula sa mundo; kaya't ang sinasabi nila ay mula sa mundo, at ang mundo ay nakikinig sa kanila. \v 6 Tayo ay mula sa Diyos. Sinuman ang nakakakilala sa Diyos ay nakikinig sa atin. Sinumang hindi nasa Diyos ay hindi nakikinig sa atin. Sa pamamagitan nito ay nalalaman natin ang espiritu ng katotohan at ang espiritu ng kamalian.