Wed Jan 19 2022 13:53:31 GMT+0800 (Philippine Standard Time)

This commit is contained in:
Lala 2022-01-19 13:53:32 +08:00
commit d8db9d7314
181 changed files with 247 additions and 0 deletions

1
01/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Mula kay Pablo, na tinawag upang maging isang apostol ni Cristo Jesus ayon sa kalooban ng Diyos, at kay Sostenes na ating kapatid, \v 2 sa iglesia ng Diyos sa Corinto, na mga naihandog kay Cristo Jesus, silang tinawag na maging mga taong banal. Sumusulat din kami sa lahat nang dako sa mga tumatawag sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang kanilang Panginoon at sa atin. \v 3 Nawa ay sumainyo ang biyaya at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo.

1
01/04.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 4 Lagi akong nagpapasalamat sa aking Diyos sa inyo, dahil sa biyaya ng Diyos na ibinigay ng Panginoong Cristo Jesus sa inyo. \v 5 Ginawa niya kayong mayaman sa lahat ng paraan, sa lahat ng pananalita at sa lahat ng kaalaman. \v 6 Ginawa niya kayong mayaman, gaya ng patotoo tungkol kay Cristo na napatunayang totoo nga sa inyo.

1
01/07.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 7 Samakatuwid kayo nga ay hindi nagkukulang sa kaloob ng Espiritu, habang sabik kayong naghihintay sa kapahayagan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. \v 8 Kayo din ay kaniyang palalakasin hanggang sa huli, upang kayo ay walang bahid sa araw ng ating Panginoong Jesu-Cristo. \v 9 Tapat ang Diyos na siyang tumawag sa inyo sa pakikipagtipon sa kaniyang Anak na si Jesu-Cristo na ating Panginoon.

1
01/10.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 10 Ngayon, hinihikayat ko kayo, mga kapatid, sa pamamagitan ng pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na magkakasundo kayong lahat, at walang pagkakahati-hati sa inyo. Pinapakiusap ko sa inyo na kayo ay magkaisa sa kaisipan at maging sa layunin. \v 11 Sapagkat ibinalita sa akin ng mga tauhan ni Cloe na may namumuong mga alitan sa inyo.

1
01/12.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 12 Ang ibig kong sabihin: Ang bawat isa sa inyo ay nagsasabi, "Kay Pablo ako," o "Kay Apolos ako," o "Kay Cefas ako," o "Kay Cristo ako." \v 13 Si Cristo ba ay nahahati? Si Pablo ba ay napako para sa inyo? Kayo ba ay binautismuhan sa pangalan ni Pablo?

1
01/14.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 14 Ako ay nagpapasalamat sa Diyos na wala akong binautismuhan sa inyo, maliban kay Crispo at Gayo. \v 15 Ito ay upang walang isa man sa inyo na magsasabing binautismuhan ko kayo sa aking pangalan. \v 16 (Binautismuhan ko din ang sambahayan ni Stefanas. Sa kabila nito, hindi ko na alam kung may nabautismuhan pa akong iba.)

1
01/17.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 17 Sapagkat hindi ako isinugo ni Cristo upang magbautismo kundi mangaral ng ebanghelyo. Hindi niya ako isinugo upang mangaral sa salita na may karunungan ng tao, upang ang krus ni Cristo ay hindi mawawalan ng kapangyarihan.

1
01/18.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 18 Sapagkat ang mensahe tungkol sa krus ay kamangmangan sa mga mamamatay. Ngunit para sa mga inililigtas ng Diyos, ito ay ang kapangyarihan ng Diyos. \v 19 Sapagkat nasusulat, "Sisirain ko ang karunungan ng marurunong. Bibiguin ko ang pang-unawa ng mga matatalino."

1
01/20.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 20 Nasaan ang taong marunong? Nasaan ang dalubhasa? Nasaan ang debatista ng mundong ito? Hindi ba't pinalitan ng Diyos ang karunungan ng mundong ito ng kamangmangan? \v 21 Dahil ang mundo sa sarili nitong karunungan ay hindi kinilala ang Diyos, nalugod ang Diyos sa pamamagitan ng kamangmangan ng pangangaral na iligtas ang sinumang sumasampalataya.

1
01/22.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 22 Sapagkat humihiling ang mga Judio ng mga tanda ng himala at naghahangad ng karunungan ang mga Griyego. \v 23 Ngunit ipinapangaral namin si Cristo na napako, isang ikinatitisod ng mga Judio at kamangmangan sa mga Griyego.

1
01/24.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 24 Ngunit sa lahat ng mga tinawag ng Diyos, maging Judio at Griyego, ipinapangaral namin na si Cristo ang kapangyarihan at ang karunungan ng Diyos. \v 25 Sapagkat ang kamangmangan ng Diyos ay mas higit sa karunungan ng tao, at ang kahinaan ng Diyos ay higit sa kalakasan ng tao.

1
01/26.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 26 Tumingin kayo sa pagkatawag ng Diyos sa inyo, mga kapatid. Iilan lamang ang marurunong sa inyo sa pamamagitan ng pamantayan ng tao. Iilan lamang ang makapangyarihan sa inyo. Iilan lamang ang may maharlikang kapanganakan sa inyo. \v 27 Ngunit pinili ng Diyos ang mga bagay na mangmang sa mundo upang hiyain ang mga marurunong. Pinili ng Diyos kung anong mahihina sa mundo upang hiyain ang malakas.

1
01/28.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 28 Pinili ng Diyos kung ano ang mabababa at hinamak sa mundo. Pinili nga niya ang mga bagay na itinuring na walang kabuluhan, upang mawalang kabuluhan ang mga bagay na pinanghahawakang mahalaga. \v 29 Ginawa niya ito upang walang sinuman ang may dahilan upang magyabang sa harapan niya.

1
01/30.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 30 Dahil sa ginawa ng Diyos, kayo ngayon ay na kay Cristo Jesus na naging karunungan natin na mula sa Diyos. Siya ang ating naging katuwiran, kabanalan, at katubusan. \v 31 Kaya nga, gaya ng sinabi ng kasulatan, "Kung ang isa man ay magmamalaki, ipagmalaki niya ang Panginoon,"

1
02/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Nang pumunta ako sa inyo, mga kapatid, hindi ako pumariyan na may kahusayan ng pananalita o karunungan nang aking ipinahayag ang mga lihim na katotohanan tungkol sa Diyos. \v 2 Sapagkat nagpasya akong walang kilalanin nang ako ay nasa inyo maliban kay Jesu-Cristo na siyang ipinako sa krus.

1
02/03.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 3 At nakasama ninyo ako sa kahinaan, at pagkatakot, at sa matinding panginginig. \v 4 At ang aking mensahe at pagpapahayag ay hindi sa mapang-akit na pananalita ng karunungan. Sa halip, kasama ng mga ito ang pagpapakita ng Espiritu at ng kapangyarihan, \v 5 upang ang inyong pananampalataya ay hindi sa karunungan ng mga tao, kundi sa kapangyarihan ng Diyos.

1
02/06.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 6 Ngayon nagsasalita kami ng karunungan sa mga ganap, ngunit hindi ang karunungan ng mundong ito, o ng mga namumuno sa kapanahunang ito, na lumilipas. \v 7 Sa halip nagsasalita kami ng karunungan ng Diyos sa lihim na katotohanan, ang lihim na karunungang itinalaga ng Diyos bago pa ang mga panahon para sa ating kaluwalhatian.

1
02/08.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 8 Wala sa mga namumuno sa panahong ito ang nakakaalam ng ganitong karunungan, sapagkat kung naunawaan lang sana nila ito sa panahong iyon, hindi na sana nila ipinako sa krus ang Panginoon ng kaluwalhatian. \v 9 Ngunit gaya ng nasusulat, "Mga bagay na hindi nakita ng mata, na hindi narinig ng tainga, na hindi sumagi sa isipan, ang mga bagay na inihanda ng Diyos para sa mga umiibig sa kaniya."

1
02/10.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 10 Ito ang mga bagay na inihayag ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng Espiritu. Sapagkat sinasaliksik ng Espiritu ang lahat, kahit ang mga lihim ng Diyos. \v 11 Sapagkat sino ang nakakaalam sa iniisip ng tao, maliban ang espiritung nasa kaniya? Ganoon din, walang nakakaalam sa mga lihim ng Diyos maliban ang Espiritu ng Diyos.

1
02/12.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 12 Ngunit hindi natin tinanggap ang espiritu ng mundo, kundi ang Espiritu na siyang nagmula sa Diyos, upang maaari nating malaman ang mga bagay na kusang ibinigay sa atin ng Diyos. \v 13 Sinasabi namin ang tungkol sa mga bagay na ito sa pamamagitan ng salita na hindi kayang ituro sa pamamagitan ng karunungan ng tao, ngunit itinuro ng Espiritu sa amin. Ipinapaliwanag ng Espiritu ang mga espiritwal na mga salita sa espiritwal na karunungan.

1
02/14.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 14 Hindi makakatanggap ng mga bagay na nabibilang sa Espiritu ng Diyos ang hindi espiritwal na tao, sapagkat kahangalan ang mga ito sa kaniya. Hindi niya nakikilala ang mga ito dahil ang mga ito ay nakikilala sa pamamagitan ng espiritu. \v 15 Hahatulan ng isang espiritwal ang lahat ng bagay, ngunit hindi siya sakop sa paghahatol ng iba. \v 16 "Sapagkat sino ang nakakaalam sa isip ng Panginoon upang siya ay turuan?" Ngunit nasa atin ang pag-iisip ni Cristo.

1
03/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 At ako, mga kapatid, hindi ko kayo nakakausap na tulad ng mga taong espiritual, sa halip bilang mga taong makalaman, bilang mga sanggol kay Cristo. \v 2 Pinaiinom ko kayo ng gatas at hindi ko kayo pinapakain ng karne, sapagkat hindi pa kayo handa sa karne. At hanggang ngayon ay hindi pa rin kayo handa.

1
03/03.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 3 Sapagkat nananatili kayong makalaman. Dahil kung may paninibugho at pagtatalo na umiiral pa sa inyo, hindi ba namumuhay pa kayo sa laman at hindi ba kayo lumalakad sa pamantayan ng tao? \v 4 Sapagkat kapag may isang nagsabi, "Ako ay sumusunod kay Pablo," at sinasabi naman ng isa, "Ako ay sumusunod kay Apolos," hindi ba namumuhay pa kayo bilang isang tao? \v 5 Sino ba si Apolos? At sino ba si Pablo? Mga lingkod na dahil sa kanila kayo ay sumampalataya, na bawat isa sa kanila ay nabigyan ng Panginoon ng mga tungkulin.

1
03/06.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 6 Ako ang nagtanim, si Apolos ang nagdilig, ngunit ang Diyos ang nagpapalago. \v 7 Kung magkagayon, hindi mahalaga kung sino ang nagtatanim, ni ang nagdidlilig. Ngunit ang Dios ang siyang nagpapalago.

1
03/08.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 8 Ngayon ang nagtatanim at nagdidilig ay iisa, at ang bawat isa ay tatanggap ng kaniyang sahod ayon sa kaniyang sariling trabaho. \v 9 Sapagkat kami ay kapwa mga manggagawa ng Diyos. Kayo ang hardin ng Diyos, gusali ng Diyos.

1
03/10.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 10 Ayon sa biyayang ibinigay sa akin ng Diyos bilang isang mahusay na punong tagapagtayo, ako ang naglagay ng pundasyon at may ibang nagtatayo sa ibabaw nito. Subalit mag-ingat ang bawat tao kung paano siya magtatayo sa ibabaw nito. \v 11 Sapagkat walang sinuman ang makapaglalagay ng ibang pundasyon maliban sa isa na naitayo na, na si Jesu-Cristo.

1
03/12.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 12 Ngayon kung sinumang nagtatayo sa ibabaw ng pundasyon sa ginto, pilak, mga mahahalagang bato, kahoy, dayami, o pinaggapasan, \v 13 ang kaniyang gawa ay maihahayag, dahil ang liwanag ng araw ang magsisiwalat nito. Sapagkat ito ay ihahayag ng apoy. Ang apoy ang susubok sa uri at halaga ng anumang gawa ng bawat isa.

1
03/14.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 14 Kung mananatili ang anumang bagay na tinayo ng tao, siya ay tatanggap ng gantimpala. \v 15 Nguni't kung masunog ang ginawa ng sinuman, siya ay mawawalan. Nguni't siya mismo ay ligtas, na gaya ng naligtas mula sa mga apoy.

1
03/16.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 16 Hindi ba ninyo alam na kayo ang templo ng Diyos at ang Espiritu ng Diyos ay naninirahan sa inyo? \v 17 Kung sinuman ang wawasak sa templo ng Diyos, sisirain din ng Diyos ang taong iyon. Sapagkat ang templo ng Diyos ay banal at maging kayo.

1
03/18.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 18 Huwag ninyong dayain ang inyong mga sarili. Kung ang sinuman sa inyo ay nag-iisip na siya ay marunong sa panahong ito, hayaan siyang maging "mangmang" upang magtamo siya ng karunungan. \v 19 Sapagkat ang karunungan sa mundong ito ay kamangmangan sa Diyos. Sapagkat nasusulat, "Hinuhuli niya ang marunong sa kaniyang katusuhan". \v 20 At gayun din, "Alam ng Panginoon na ang mga pangangatuwiran ng marunong ay walang saysay."

1
03/21.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 21 Kaya wala ng magyayabang sa mga tao! Sapagkat lahat ng mga bagay ay sa inyo, \v 22 kahit na si Pablo, o si Apolos, o si Cefas, o ang sanlibutan, o ang buhay, o ang kamatayan, o mga bagay sa kasalukuyan, o mga bagay na darating. Lahat ng mga bagay ay sa inyo, \v 23 at kayo ay kay Cristo, at si Cristo ay sa Diyos.

1
04/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Ganito dapat ang ipalagay ng tao sa amin, bilang mga lingkod ni Cristo at mga katiwala ng mga lihim na katotohanan ng Diyos. \v 2 Sa kaugnayan nito, kinakailangang mapagkakatiwalaan ang mga katiwala.

1
04/03.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 3 Ngunit para sa akin, ito ay napakaliit lamang na bagay para mahatulan ninyo ako o nang anumang hukuman ng tao. Sapagkat hindi ko nga hinahatulan ang aking sarili. \v 4 Wala akong nalalaman na anumang sakdal laban sa akin ngunit hindi nangangahulugang ako ay walang sala. Ang Panginoon ang siyang hahatol sa akin.

1
04/05.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 5 Kaya, huwag kayong humatol tungkol sa anumang bagay bago ang panahon, bago dumating ang Panginoon. Dadalhin niya sa liwanag ang mga lihim na bagay ng kadiliman at ihahayag ang mga layunin ng puso. At makatatanggap ang bawat isa ng kaniyang papuri mula sa Diyos.

1
04/06.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 6 Ngayon, mga kapatid, ginawa ko ang mga prinsipyong ito sa aking sarili at ni Apolos para sa inyong kapakanan upang mula sa amin ay inyong matutunan ang kahulugan ng kasabihan na, "Huwag ninyong hihigitan kung ano ang nasusulat." Ito ay upang wala sa inyo ang maging mayabang sa pagtatangi ng isa laban sa iba. \v 7 Sapagkat sino ang nakakakita ng pagkakaiba ninyo sa iba? Anong mayroon kayo na hindi ninyo tinanggap ng walang bayad? Kung natanggap ninyo ito ng walang bayad, bakit kayo nagyayabang na parang hindi ninyo nagawa?

1
04/08.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 8 Nasa inyo na lahat ng maaari ninyong gustuhin! Naging mayaman na kayo! Nagsimula na kayong maghari- at nang bukod sa amin! Tunay nga, nais kong maghari kayo upang makapaghari kami na kasama ninyo. \v 9 Sapagkat iniisip kong kaming mga apostol ay inilagay ng Diyos sa kahuli-hulihan ng hanay na pinapanood at gaya ng mga taong nahatulan ng kamatayan. Kami ay naging isang palabas sa mundo, sa mga anghel at sa mga tao.

1
04/10.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 10 Kami ay mga hangal alang-alang kay Cristo, ngunit kayo ay marunong kay Cristo. Kami ay mahina, ngunit kayo ay malakas. Kayo ay kinilala sa karangalan, ngunit kami ay kinilala sa kahihiyan. \v 11 Hanggang sa mga oras na ito, kami ay nagugutom at nauuhaw, kami ay nagkukulang sa kasuotan, kami ay pinalo nang may kalupitan, at kami ay walang matuluyan.

1
04/12.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 12 Nagpakahirap kami sa paggawa, gumagawa sa sarili naming mga kamay. Nang kami ay nilait, nagpapala kami. Nang kami ay inusig, nagtiis kami. \v 13 Noong kami ay siniraan, nagsalita kami ng may kabaitan. Kami ay naging, at maituturing pa rin na inaayawan ng mundo at ang pinakamarumi sa lahat ng mga bagay.

1
04/14.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 14 Hindi ko isinulat ang mga bagay na ito upang hiyain kayo, ngunit upang itama kayo bilang aking mga minamahal na anak. \v 15 Sapagkat kahit mayroon kayong sampung libo na tagabantay kay Cristo, wala kayong maraming ama. Sapagkat naging ama ninyo ako kay Cristo Jesus sa pamamagitan ng ebanghelyo. \v 16 Kaya hinihikayat ko kayo na tularan ninyo ako.

1
04/17.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 17 Ito ang dahilan kung bakit ko pinapunta sa inyo si Timoteo, ang aking minamahal at tapat na anak sa Panginoon. Siya ang magpapaalala sa inyo ng aking mga kaparaanan kay Cristo, gaya ng pagtuturo ko sa kanila sa lahat ng dako at sa bawat iglesya. \v 18 Ngayon, ang iba sa inyo ay lubhang mayabang, kumikilos na parang hindi ako darating sa inyo.

1
04/19.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 19 Ngunit malapit na akong pumunta sa inyo, kung kalooban ng Panginoon. At hindi ko lamang malalaman ang salita ng mga mayayabang na ito, ngunit makikita ko ang kanilang kapangyarihan. \v 20 Sapagkat ang kaharian ng Diyos ay hindi naglalaman ng usapin kundi ng kapangyarihan. \v 21 Ano ba ang gusto ninyo? Kailangan ko bang pumunta sa inyo na may pamalo o nang may pag-ibig at sa espiritu ng kahinahunan?

1
05/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Narinig namin ang ulat na may nangyayaring sekswal na imoralidad sa inyo, ang uri ng imoralidad na hindi nga pinahihintulutan kahit sa mga Gentil. Ang ulat ay ganito, may isa sa inyo na nakikipagtalik sa asawa ng kaniyang ama. \v 2 At masyado kayong mayabang. Sa halip, hindi ba dapat na magluksa kayo? Dapat maalis sa inyo ang gumawa nito.

1
05/03.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 3 Sapagkat, kahit na wala ako sa katawan ngunit kasama pa rin ninyo ako sa espiritu, at hinatulan ko na ang siyang gumawa nito, na parang nariyan ako. \v 4 Kung magtitipun-tipon kayo sa ngalan ng ating Panginoong Jesus, at nariyan din ang aking espiritu sa kapangyarihan ng ating Panginoong Jesus, hinatulan ko na ang taong iyan. \v 5 Ginawa ko ito upang maipasakamay ang taong ito kay Satanas para sa pagkawasak ng laman, upang maaaring maligtas ang kaniyang espiritu sa araw ng Panginoon.

1
05/06.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 6 Hindi mabuti ang inyong pagmamalaki. Hindi ba ninyo alam na mapapaalsa ang buong tinapay sa kaunting lebadura? \v 7 Linisin ninyo ang inyong sarili sa lumang lebadura upang kayo ay maging bagong masa, at upang kayo ay maging tinapay na walang lebadura. Sapagkat si Cristo, na ating kordero ng Paskua, ay inihandog na. \v 8 Kaya atin nang ipagdiwang ang pista, hindi sa lumang lebadura, na siyang lebadura ng masamang pag-uugali at kasamaan. Kundi, ipagdiwang natin ang tinapay na walang lebadura ng katapatan at katotohanan.

1
05/09.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 9 Sumulat ako sa inyo sa aking liham upang kayo ay huwag makisama sa mga taong mahahalay. \v 10 Hindi ko ibig sabihin na sa mga imoral na tao sa mundong ito, o sa mga sakim, o sa mga mandaraya, o sa mga taong sumasamba sa diyus-diyosan, sapagkat sa paglayo mula sa kanila ay kakailanganin ninyong umalis sa mundo.

1
05/11.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 11 Ngunit ngayon sumusulat ako sa inyo upang huwag kayong makisama sa sinumang tinawag na kapatid kay Cristo ngunit siya ay namumuhay sa sekswal na imoralidad, o sakim, o sumasamba sa mga diyus-diyosan, o mapang-abuso sa pananalita, o lasinggero, o mandaraya. Ni makikisalo sa pagkain sa ganiyang tao. \v 12 Sapagkat paanong ako ay nasasangkot sa paghahatol sa mga tao sa labas ng iglesiya? Sa halip, hindi ba't dapat ninyong hatulan ang mga nasa loob ng iglesiya? \v 13 Ngunit ang Diyos ang siyang hahatol sa mga nasa labas. "Alisin ang masamang tao mula sa inyo."

1
06/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Kung mayroong alitan ang isa sa inyo sa iba, maglalakas-loob ba siya na pupunta sa korteng pambayan sa harapan ng hindi mananampalatayang hukom, sa halip na sa harapan ng mga mananampalataya? \v 2 Hindi ba ninyo alam na ang mga mananampalataya ang hahatol sa mundo? At kung hahatulan ninyo ang mundo, wala ba kayong kakayahan na ayusin ang mga hindi mahahalagang bagay? \v 3 Hindi ba ninyo alam na tayo ang hahatol sa mga anghel? Gaano pa kaya na hatulan natin ang mga bagay ng buhay na ito?

1
06/04.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 4 Kung gayun nga na kailangan ninyong gumawa ng mga hatol ukol sa pang-araw araw na buhay, bakit ninyo idinudulog ang mga ganitong kaso sa harapan ng mga walang katayuan sa iglesiya? \v 5 Sinasabi ko ito upang kayo ay hiyain. Wala bang kahit isa sa inyo ang may sapat na karunungan upang ayusin ang mga alitan sa pagitan ng mga kapatid? \v 6 Ngunit ang nagyayari ay, ang isang mananampalataya ay pumupunta sa korte laban sa isa pang mananampalataya, at ang kasong iyon ay nakalagay sa harapan ng isang hukom na hindi mananampalataya!

1
06/07.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 7 Ang katunayan na may mga anumang alitan sa pagitan ng mga Kristiyano ay pagkatalo na para sa inyo. Bakit hindi nalang pagdusahan ang mali? Bakit hindi nalang hayaan na kayo ay dayain? \v 8 Ngunit ginawan ninyo ng mali at dinaya ang iba, at sila ay inyong mga sariling kapatid!

1
06/09.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 9 Hindi ba ninyo alam na hindi mamanahin ng mga hindi matuwid ang kaharian ng Diyos? Huwag kayong maniwala sa mga kasinungalingan. Ang mga mahahalay, mga sumasamba sa mga diyus-diyosan, mga nangangalunya, mga lalaking nagbebenta ng aliw, silang mga nakikipagtalik sa kapwa lalaki, \v 10 mga magnanakaw, mga sakim, mga lasinggero, mga mapanirang-puri, mga mandaraya---wala sa kanila ang magmamana sa kaharian ng Diyos. \v 11 At ganyan ang ilan sa inyo. Ngunit nilinis na kayo, at inihandog na kayo sa Diyos, at kayo ay ginawa nang matuwid sa Diyos sa ngalan ng Panginoong Jesu-Cristo at sa pamamagitan ng Espiritu ng ating Diyos.

1
06/12.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 12 "Para sa sakin ang lahat ay pinapahintulutan ng batas, ngunit hindi lahat ng bagay ay kapaki-pakinabang para sa akin. "Para sa sakin ang lahat ay pinapahintulutan ng batas," ngunit hindi ako magpapaalipin alinman sa mga ito. \v 13 "Para sa tiyan ang pagkain, at ang tiyan ay para sa pagkain," ngunit kapwa wawasakin ng Diyos ang mga ito. Hindi ginawa ang katawan para sa gawaing mahahalay. Sa halip, ang katawan ay para sa Diyos, at ang Panginoon ang magkakaloob para sa katawan.

1
06/14.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 14 Binuhay ng Diyos ang Panginoon at siya din ang bubuhay sa atin sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan. \v 15 Hindi ba ninyo alam na ang inyong mga katawan ay mga bahagi ni Cristo? Maaari ko bang kunin ang mga bahagi ni Cristo at isama sa mga nagbebenta ng aliw? Hindi ito maaari!

1
06/16.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 16 Hindi ba ninyo alam na ang sinumang nakipag-isa sa mga nagbebenta ng aliw ay magiging isang laman kasama siya? Gaya ng sinasabi ng kasulatan, "Ang dalawa ay magiging isang laman." \v 17 Ngunit ang sinumang nakipag-isa sa Panginoon ay nakikipag-isa sa kaniya sa espiritu.

1
06/18.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 18 Lumayo sa sekswal na imoralidad! "Ang ibang kasalanan na nagagawa ng tao ay labas sa katawan," ngunit ang mahalay na tao ay nagkakasala laban sa kaniyang sariling katawan.

1
06/19.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 19 Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Banal na Espiritu, na siyang namumuhay sa inyo, na inyong tinanggap mula sa Diyos? Hindi ba ninyo alam na hindi na ninyo pag-aari ang inyong sarili? \v 20 Sapagkat binili na kayo sa isang halaga. Kaya, luwalhatiin ninyo ang Diyos sa pamamagitan ng inyong katawan.

1
07/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Ngayon tungkol sa mga bagay na isinulat ninyo sa akin: May mga panahon na nakakabuti sa isang lalaki na huwag sumiping sa babae. \v 2 Ngunit dahil sa mga tukso ng mga mahalay na gawain, bawat lalaki ay dapat magkaroon ng sariling asawang babae at ang bawat babae ay dapat magkaroon din ng sariling asawang lalaki.

1
07/03.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 3 Dapat ibigay ng asawang lalaki sa kaniyang asawa ang pang mag-asawang karapatan at ganoon din ang asawang babae sa kaniyang asawang lalaki. \v 4 Hindi ang babae ang may kapamahalaan sa kaniyang sariling katawan, kundi ang kaniyang asawang lalaki. At ganoon din, ang lalake hindi siya ang may kapamahalaan sa kaniyang sariling katawan, kundi ang kaniyang asawang babae.

1
07/05.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 5 Huwag ninyong ipagkait sa isa't- isa ang pagsisiping, maliban sa napagkasunduan at sa isang takdang panahon. Gawin ninyo ito upang maitatalaga ang inyong mga sarili sa pananalangin. Pagkatapos magsama kayong muli upang hindi kayo matukso ni Satanas dahil sa kawalang pagtitimpi. \v 6 Ngunit sinasabi ko sa inyo ang mga bagay na ito bilang pagsusumamo at hindi bilang isang utos. \v 7 Nais ko sanang ang bawat isa ay katulad ko. Kaya lang may kaloob ang bawat isa na galing sa Diyos. Ang isa ay may ganitong uri ng kaloob at ang iba ay may ibang kaloob.

1
07/08.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 8 Sa mga hindi pa nag-aasawa at sa mga babaeng balo sinasabi ko na mas mabuti pa sa kanila na manatiling walang asawa, katulad ko. \v 9 Ngunit kung hindi na nila kayang pigilan ang kanilang mga sarili, sila ay dapat ng mag- asawa. Dahil mas mabuti na sila ay mag-asawa kaysa mag-alab sa pita ng damdamin.

1
07/10.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 10 Ngayon sa mga may asawa ibinibigay ko ang utos na ito--hindi ako, kundi ang Panginoon: "Ang babae ay hindi dapat humiwalay sa kaniyang asawa". \v 11 Ngunit kung siya ay hihiwalay sa kaniyang asawa, dapat na manatili siyang walang asawa o kaya ay makipagkasundo sa kaniya. At "ang lalaki ay hindi dapat hiwalayan ang kaniyang asawa."

1
07/12.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 12 Ngunit sa iba ay sinasabi ko--ako, at hindi ang Panginoon--na kung may kapatid na lalaki na may asawang hindi mananampalataya, at kung ang babae ay kuntento naman sa pakikisama sa kaniya, huwag niya itong hihiwalayan. \v 13 Kung ang babae ay may asawang hindi mananampalataya at kung ang lalake ay kuntento naman sa pakikisama sa kaniya, huwag niya itong hihiwalayan. \v 14 Sapagkat ang asawang lalaki na hindi mananampalataya ay naibukod na dahil sa kaniyang mananampalatayang asawa, at ang babae na hindi mananampalataya ay naibukod na rin dahil sa kaniyang asawang mananampalataya. Kung hindi, ang inyong mga anak ay hindi malilinis, ngunit sa katotohanan sila ay naibukod na.

1
07/15.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 15 Ngunit kung ang hindi Kristiyanong asawa ay humiwalay, hayaan siyang umalis. Sa ganyang mga kalagayan, ang mga kapatid na lalaki at babae ay hindi nakatali sa kanilang mga sumpaan. Tinawag tayo ng Diyos na mamuhay na mapayapa. \v 16 Sapagkat babae, paano mo nalalaman kung maililigtas mo ang iyong asawa? O lalaki, paano mo nalalaman kung maliligtas mo ang iyong asawa?

1
07/17.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 17 Hayaan na lamang na ang bawat isa ay mamuhay sa buhay na itinalaga ng Panginoon sa kanila, gaya ng pagkatawag ng Diyos sa bawat isa. Ito ang aking panuntunan sa lahat ng iglesia. \v 18 Mayroon bang natuli ng siya ay tawagin upang sumampalataya? hindi niya dapat alisin ang mga tanda ng kaniyang pagkakatuli. Mayroon bang hindi natuli ng siya ay tawagin sa pananampalataya? Hindi siya dapat magpatuli. \v 19 Sapagkat hindi ang tuli o ang hindi tuli ang mahalaga. Ang mahalaga ay ang pagsunod sa mga kautusan ng Diyos.

1
07/20.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 20 Dapat manatili ang bawat isa sa pagkakatawag kung ano siya noon ng tawagin siya ng Diyos upang sumampalataya. \v 21 Kayo ba ay alipin ng tawagin ng Diyos? Huwag ng alalahanin ang tungkol dito. Ngunit kung ikaw ay maaaring maging malaya, gawin mo ito. \v 22 Sapagkat sinumang tinawag ng Panginoon bilang isang alipin ay malayang tao ng Panginoon. Gayundin sa bawat isa na malaya nang tawagin siya ng Panginoon upang sumampalataya ay alipin ni Cristo. \v 23 Kayo ay nabili ng may halaga kaya huwag na kayong magpa-alipin sa mga tao. \v 24 Mga kapatid, anumang buhay ng bawat isa sa atin nang tayo ay tinawag upang sumampalataya ay manatili tayo sa ganyang buhay.

1
07/25.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 25 Ngayon tungkol sa mga hindi nag-aasawa, ako ay walang kautusan galing sa Panginoon. Ngunit ako ay may iminumungkahi sa inyo bilang mapagkatiwalaan ng dahil sa awa ng Panginoon. \v 26 Dahil dito, naisip ko na dahil sa kagipitan sa kasalukuyan, mas mabuti pa sa isang lalaki na manatili sa kalagayan niya.

1
07/27.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 27 Ikaw ba ay naipagkasundo na sa isang babae sa sumpaan ng pag-aasawa? Huwag mo ng hanapin pang makalaya mula dito. Ikaw ba ay malaya na walang asawa o wala ka pang asawa? Huwag ka ng maghanap pa ng mapapangasawang babae. \v 28 Nguni't kung ikaw ay mag-aasawa, hindi ka nagkakasala. At kung ang isang babae na wala pang asawa ay mag-aasawa, hindi siya nagkakasala. At sa kanila na mga nagsisipag-asawa maraming mga pagsubok na iba't ibang nararanasan habang nabubuhay at gusto kong maligtas kayo mula sa mga ito.

1
07/29.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 29 Ngunit ito ang aking sinasabi mga kapatid na lalaki at babae: Maiksi na ang panahon. Mula ngayon, ang sinumang may asawang babae ay mamuhay na parang walang asawa. \v 30 At sa mga tumatangis ay dapat kumilos na parang hindi tumatangis at sa nagsasaya na parang hindi nagsasaya at sa mga namimili ng anumang bagay ay parang walang pag-aari. \v 31 At sa mga nakikisama sa mundong ito ay dapat silang kumilos na parang walang pakikisama sa mundong ito, sapagkat ang pamamalakad ng mundong ito ay magtatapos na.

1
07/32.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 32 Gusto ko na kayo ay maging malaya sa mga alalahanin. Ang mga lalaking walang asawa ay alalahanin ang mga tungkol sa Panginoon, kung paano Siya paluguran. \v 33 Ngunit ang may asawang lalaki ay inaalala niya ang mga bagay ng mundo upang mapasaya ang kaniyang asawa, \v 34 ang kaniyang kaisipan ay nahahati. Ang isang babae na wala pang asawa o dalaga pa ay inaalala ang mga tungkol sa Panginoon, kung paano niya italaga ang katawan at espiritu. Ngunit ang babaeng may asawa ay inaalala niya ang mga bagay sa mundong ito, kung paano niya mapasaya ang kaniyang asawa.

1
07/35.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 35 Aking sinasabi ito para sa inyong pakinabang, hindi upang hadlangan kayo. Aking sinasabi ito kung ano ang dapat, sa gayon kayo ay maging masigasig sa Panginoon na walang anumang abala.

1
07/36.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 36 Ngunit kung sinuman ay nag-iisip na dahil sa labis na simbuyo ng damdamin hindi na niya napakikitunguhan na may paggalang ang kaniyang magiging asawa, ay pakasalan na niya ang babae dahil iyan ang nais niya. Ito ay hindi kasalanan. \v 37 Ngunit kung ang lalaki ay gumawa ng isang pagpapasya na hindi muna mag-asawa, at walang diwa ng pagmamadali, at kung napipigilan pa niya ang kaniyang nararamdaman, mabuti ang naisin niya kung hindi muna siya mag- asawa. \v 38 Kaya sinuman ang magnanais na magpakasal sa kaniyang magiging asawa ay mabuti naman, at sa isa na pumili na hindi na siya mag-asawa ay mas lalong mainam.

1
07/39.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 39 Ang isang babae ay natatalian sa kaniyang asawa habang siya ay nabubuhay. Ngunit kung ang asawang lalaki ay mamatay, siya ay malayang mag- asawa sa sinuman naisin niya, ngunit sa Panginoon lamang. \v 40 Ngunit sa aking paghatol siya ay mas magiging masaya kung mananatili siya sa kaniyang kalagayan. At iniisip ko na ako rin ay may Espiritu ng Diyos.

1
08/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Ngayon tungkol sa pagkain na inialay sa mga diyus-diyosan: Alam natin na "tayong lahat ay may kaalaman". Ang kaalaman ay nakapagpapalalo ngunit ang pag-ibig ang nagpapatibay. \v 2 Kung mayroon mang nag-iisip na siya ay may nalalamang isang bagay, ang taong iyan ay wala pa talagang nalalaman gaya ng kaniyang dapat na malaman. \v 3 Ngunit ang sinumang umiibig sa Diyos, ang taong iyan ay nakikilala niya.

1
08/04.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 4 Kaya tungkol sa mga pagkaing inialay sa mga diyus-diyosan: Alam natin na "ang diyus-diyosan sa mundong ito ay walang kabuluhan" at "walang Diyos liban sa iisa." \v 5 Sapagkat marami ang tinatawag na mga diyus-diyosan sa langit o sa lupa, gaya ng marami ang mga "diyus-diyosan at mga panginoon". \v 6 "Ngunit sa atin ay may iisang Diyos Ama, na mula sa kaniya ang lahat ng mga bagay at siyang dahilan kaya tayo ay nabubuhay, at may isang Panginoong Jesu-Cristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng bagay ay umiiral at na sa pamamagitan niya tayo ay umiiral."

1
08/07.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 7 Gayunman, ang kaalamang ito ay wala sa bawat isa. Sa halip, kinaugalian na ng iba noong mga nakaraan ang pagsamba sa mga diyus-diyosan at kumain sila ng pagkaing ito na tila naialay sa diyus-diyosan. Napasama ang kanilang budhi dahil ito ay mahina.

1
08/08.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 8 Ngunit hindi pagkain ang nagmumungkahi sa atin sa Diyos. Hindi tayo malala kung hindi tayo kakain, ni mas mabuti kung tayo ay kakain. \v 9 Ngunit pag-ingatan na ang iyong kalayaan ay huwag maging sanhi na matisod ang isang tao na mahina sa pananampalataya. \v 10 Sapagkat kung ipagpapalagay na mayroong nakakakita sa iyo na may kaalaman, na kumain ka ng pagkain sa isang templo ng diyus-diyosan. Hindi ba mapalalakas ang kaniyang mahinang budhi na kumain ng naialay sa mga diyus-diyosan?

1
08/11.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 11 Kaya dahil sa iyong pang-unawa tungkol sa totoong kalikasan ng mga diyus-diyosan, ang mga mahihinang kapatid na siyang dahilan kung bakit namatay si Cristo ay napupuksa. \v 12 Kaya nga kung ikaw ay nagkasala sa iyong mga kapatid at nasugatan ang kanilang mga mahihinang budhi, ikaw ay nagkasala kay Cristo. \v 13 Kaya nga, kung pagkain ang magiging sanhi na matisod ang aking mga kapatid, hindi na ako kailanman kakain ng karne upang hindi ako maging sanhi ng pagbagsak ng aking mga kapatid.

1
09/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Hindi ba ako malaya? Hindi ba ako isang apostol? Hindi ko ba nakita si Jesus, ang ating Panginoon? Hindi ba't kayo ang aking mga gawa sa Panginoon? \v 2 Kung hindi ako apostol sa iba, gayunman, apostol naman ako sa inyo. Sapagkat kayo ang patunay ng aking pagka-apostol sa Panginoon.

1
09/03.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 3 Ito ang aking pagtatanggol sa mga sumusuri sa akin. \v 4 Wala ba kaming karapatang kumain at uminom? \v 5 Wala ba kaming karapatan na isama ang aming mga asawa na isang mananampalataya, gaya ng ginagawa ng ibang mga apostol, at ng mga kapatid ng Panginoon, at ni Cefas? \v 6 O kami lamang ba ni Bernabe ang dapat magtrabaho?

1
09/07.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 7 Sino ang naglilingkod bilang isang kawal sa sarili niyang gastos? Sino ang nagtatanim sa ubasan at hindi kumakain ng bunga nito? O sino ang nag-aalaga ng kawan at hindi umiinom ng gatas mula sa mga ito? \v 8 Sinasabi ko ba ang mga bagay na ito batay sa makataong kapangyarihan? Hindi ba sinabi din ito ng batas?

1
09/09.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 9 Sapagkat nasusulat sa kautusan ni Moises, "Huwag mong bubusalan ang baka habang gumigiik ng butil." Ang baka nga ba talaga ang pinahahalagahan ng Diyos? \v 10 Hindi ba siya nagsasalita tungkol sa amin? Naisulat ito para sa amin, sapagkat ang siyang nag-aararo ay nag-aararo sa pag-asa at ang gumigiik ay kailangang gumiik na umaasa na makikibahagi sa ani. \v 11 Kung naghasik kami ng mga espirituwal na bagay sa inyo, kalabisan ba sa amin na umani ng mga materyal na bagay mula sa inyo?

1
09/12.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 12 Kung ginagawa ng iba ang karapatang ito mula sa inyo, hindi ba mas lalo na kami? Gayunman, hindi namin inangkin ang karapatang ito. Sa halip, tiniis namin ang lahat kaysa maging hadlang sa ebanghelyo ni Cristo. \v 13 Hindi ba ninyo alam na ang mga naglilingkod sa templo ay kumukuha ng pagkain mula sa templo? Hindi ba ninyo alam na ang mga naglilingkod sa altar ay nakikibahagi sa kung ano ang naihandog sa altar? \v 14 Sa ganoon ding paraan, iniutos ng Panginoon na ang mga nagpapahayag ng ebanghelyo ay dapat kunin ang kanilang kabuhayan mula sa ebanghelyo.

1
09/15.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 15 Ngunit hindi ko inangkin ang kahit anuman sa mga karapatang ito. At hindi ako nagsusulat upang maganap ito sa akin. Mas gugustuhin ko pa ang mamatay kaysa bawian ako ng sinuman ng maipagmamalaki. \v 16 Sapagkat kung ipinangangaral ko ang ebanghelyo, wala akong dahilan para magmayabang dahil dapat ko itong gawin. At kaawa-awa ako kung hindi ko ipangangaral ang ebanghelyo!

1
09/17.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 17 Sapagkat kung gagawin ko ito ng maluwag sa kalooban, may gantimpala ako. Ngunit kung hindi maluwag sa kalooban, may responsibilidad pa rin ako sa ipinagkatiwala sa akin. \v 18 At ano ang aking gantimpala? Na kung ako ay nangangaral, maiaalok ko ang ebanghelyo nang walang bayad at hindi ko lubos na gagamitin ang aking karapatan sa ebanghelyo.

1
09/19.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 19 Sapagkat kahit malaya ako sa lahat, naging alipin ako sa lahat upang makahikayat pa ako ng mas marami. \v 20 Sa mga Judio, naging katulad ako ng isang Judio upang makahikayat ng mga Judio. Sa mga nasa ilalim ng kautuan, naging katulad ako ng isang nasa ilalim ng batas upang makahikayat ng mga nasa ilalim ng batas. Ginawa ko ito kahit na wala ako sa ilalim ng batas.

1
09/21.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 21 Sa mga nasa labas ng kautusan, naging katulad ako ng nasa labas ng kautusan, kahit na ako mismo ay wala sa labas ng kautusan ng Diyos ngunit sa ilalim ng kautusan ni Cristo. Ginawa ko ito upang aking mahikayat ang mga nasa labas ng kautusan. \v 22 Sa mga mahihina ako ay naging mahina, upang aking mahikayat ang mga mahihina. Naging kagaya ako ng lahat ng mga bagay upang sa lahat ng paraan ay maligtas ko ang ilan. \v 23 Ginawa ko ang lahat ng bagay para sa kapakanan ng ebanghelyo, upang makalahok ako sa lahat ng pagpapala nito.

1
09/24.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 24 Hindi ba ninyo alam na sa isang takbuhan, ang lahat ng mananakbo ay tumatakbo, ngunit iisa lamang ang makatatanggap ng gantimpala? Kaya tumakbo ka upang makamit ang gantimpala. \v 25 Ginagawa ng manlalaro ang pagpipigil sa sarili sa lahat ng kaniyang pagsasanay. Ginagawa nila ito upang makatanggap ng koronang nasisira, ngunit tumatakbo tayo upang makatanggap ng koronang hindi nasisira. \v 26 Samakatwid hindi ako tumatakbo ng walang layunin o sumusuntok sa hangin. \v 27 Ngunit sinusupil ko ang aking katawan at ginagawa itong alipin upang pagkatapos kong mangaral sa iba ay hindi ako maalisan ng karapatan.

1
10/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Gusto kong malaman ninyo, mga kapatid, na ang ating mga ninuno ay napasailalim sa ulap at tumawid silang lahat sa dagat. \v 2 Lahat ay nabautismuhan kay Moises sa ulap at sa dagat, \v 3 at lahat ay kumain ng parehong espiritwal na pagkain. \v 4 Lahat ay nakainom ng parehong espirituwal na inumin. Sapagkat sila ay nakainom mula sa parehong espirituwal na bato na sumunod sa kanila, at ang batong ito ay si Cristo.

1
10/05.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 5 Ngunit hindi lubusang nalugod ang Diyos sa karamihan sa kanila, at ang kanilang mga bangkay ay nagkalat sa ilang. \v 6 Ngayon ang mga bagay na ito ay mga halimbawa para sa atin, upang tayo ay hindi manabik sa mga masasamang bagay na gaya ng kanilang ginawa.

1
10/07.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 7 Huwag kayong maging mapagsamba sa mga diyus-diyosan, na tulad ng ilan sa kanila. Ito ay gaya ng nasusulat, "Ang mga tao ay umupo upang kumain at uminom, at tumayo upang sumayaw ng may sekswal na pagnanasa." \v 8 Huwag tayong gumawa ng sekswal na imoralidad, na gaya ng ginawa ng karamihan sa kanila. Dalawampu't tatlong libo ang namatay sa isang araw dahil dito.

1
10/09.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 9 Ni susubukin natin si Cristo, gaya ng ginawa ng karamihan sa kanila at pinatay sila sa pamamagitan ng mga ahas. \v 10 Gayon din huwag kayong magreklamo na katulad ng ginawa ng karamihan sa kanila, at pinatay sa pamamagitan ng isang anghel nang kamatayan.

1
10/11.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 11 Ngayon nangyari ang mga ito sa kanila upang maging halimbawa para sa atin. Ito ay mga alituntunin na naisulat-para sa atin sa mga huling panahon. \v 12 Samakatuwid ang sinumang nag-aakalang nakatayo ay dapat mag-ingat na hindi siya babagsak. \v 13 Walang tukso ang dumating sa inyo na hindi pangkaraniwan sa lahat ng tao. Sa halip, tapat ang Diyos. Hindi kayo hahayaan ng Diyos na matukso ng higit sa inyong kakayanan. Sa pamamagitan ng tukso ay siya din ang magbibigay ng paraan para makatakas, upang inyo ngang makayanan ang mga ito.

1
10/14.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 14 Samakatuwid, aking mga minamahal, lumayo kayo sa pagsamba ng diyus-diyosan. \v 15 Kinakausap ko kayo bilang mga maalalahaning tao, upang inyo ngang hatulan kung ano ang aking sinasabi. \v 16 Ang tasa ng biyaya na ating pinagpala, hindi ba't ito ang pakikibahagi ng dugo ni Cristo? Ang tinapay na ating pinagpira-piraso, hindi ba't ito ang pakikibahagi ng katawan ni Cristo? \v 17 Sapagkat mayroong iisang tinapay, tayo na marami ay iisang katawan. Magsalu-salo tayong lahat sa iisang tinapay.

1
10/18.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 18 Tingnan ninyo ang mga tao ng Israel: hindi ba't ang mga kumakain ng mga handog ay kabilang sa altar? \v 19 Ano nga ba ang aking sinasabi dito? Na ang diyus-diyosan ay may kabuluhan? O ang pagkain na naialay sa diyus-diyosan ay may kabuluhan?

1
10/20.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 20 Ngunit ang sinasabi ko ay tungkol sa mga bagay na handog ng mga paganong Hentil, na kanilang inihahandog ang mga bagay na ito sa mga demonyo at hindi sa Diyos. Ayaw ko kayong maging kabahagi ng mga demonyo! \v 21 Hindi kayo maaring uminom sa tasa ng Panginoon at sa tasa ng demonyo. Hindi kayo maaaring makisalo sa mesa ng Panginoon at sa mesa ng mga demonyo. \v 22 O galitin ba natin ang Panginoon upang manibugho? Tayo ba ay mas malakas kaysa sa kaniya?

1
10/23.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 23 Ang lahat ay pinapahintulutan ng batas, ngunit hindi lahat ay kapakipakinabang. Ang lahat ay pinapahintulutan ng batas," ngunit hindi lahat ay makakapagpatibay sa tao. \v 24 Walang sinuman ang dapat na maghahanap sa sarili niyang kabutihan. Sa halip, hanapin ng bawat isa ang ikabubuti ng kaniyang kapwa.

1
10/25.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 25 Maaari niyong kainin ang lahat ng nabibili sa pamilihan, na walang katanungan sa budhi. \v 26 Sapagkat "Ang mundo ay sa Diyos at ang kabuuan nito." \v 27 Kung ang isang hindi mananampalataya ay inanyayahan kayong kumain, at gusto ninyong pumunta, kainin ninyo ang anumang inihanda sa inyong harapan na walang katanungan sa budhi.

1
10/28.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 28 Ngunit kung ang isang tao ay nagsabi sa inyo, "Ang pagkain na ito ay mula sa handog ng pagano," huwag ninyong kainin. Ito ay para sa kapakanan ng isang nagsabi sa inyo, at para sa kapakanan ng budhi. \v 29 Hindi ko tinutukoy ang inyong sariling budhi kundi ang budhi ng ibang tao. Sapagkat bakit hinuhusgahan ang aking kalayaan sa pamamagitan ng ibang budhi? \v 30 Kung kakain ako ng pagkain ng may pasasalamat, bakit ako iinsultuhin sa pinagpasalamatan ko?

1
10/31.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 31 Samakatwid, kumakain o umiinom man kayo, o anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ito sa kaluwalhatian ng Diyos. \v 32 Huwag kayong maging sanhi ng ikagagalit ng mga Judio at mga Griyego, o sa iglesia ng Diyos. \v 33 Subukan ninyo na gaya ko na nagbibigay lugod ako sa mga tao sa lahat ng bagay. Hindi ko hinanap ang aking kapakinabangan, kundi sa karamihan. Ginagawa ko ito upang sila ay maligtas.

1
11/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Tularan ninyo ako, gaya ng pagtulad ko kay Cristo. \v 2 Ngayon pinupuri ko kayo dahil naalala ninyo ako sa lahat ng bagay. Pinupuri ko kayo dahil pinanghawakan ninyo ng mahigpit ang mga tradisyong gaya ng pagturo ko sa inyo. \v 3 Ngayon, gusto kong maintindihan ninyo na si Cristo ang ulo ng bawat lalaki, at ang lalaki ang ulo ng babae, at ang Diyos ang ulo ni Cristo. \v 4 Sinumang lalaki ang mananalangin at magpapahayag ng propesiya na may takip ang kaniyang ulo ay hindi niya ginagalang ang kaniyang ulo.

1
11/05.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 5 Ngunit hindi ginagalang ng sinumang babae ang kaniyang ulo kapag nananalangin at nagpapahayag ng propesiya nang walang takip ang kaniyang ulo. Sapagkat iisa at parehong bagay na parang ang kaniyang ulo ay inahitan. \v 6 Sapagkat kung hindi magtatakip ng kaniyang ulo ang babae, dapat niyang gupitan ang kaniyang buhok ng maiksi. Kung kahihiyan ito sa isang babae na magpagupit ng maiksi o magpaahit ng kaniyang ulo, takpan niya ang kaniyang ulo.

Some files were not shown because too many files have changed in this diff Show More