tl_jon_text_ulb/01/01.txt

1 line
519 B
Plaintext

\v 1 Ngayon ang salita ni Yahweh ay dumating kay Jonas na anak ni Amitai, na nagsasabing, \v 2 "Bumangon ka at pumunta sa Ninive, iyong malaking lungsod, at magsalita ka laban dito, dahil ang kasamaan nila ay umabot sa akin." \v 3 Subalit bumangon si Jonas at tumakbo palayo mula sa presensya ni Yahweh at nagtungo sa Tarsis. Bumaba siya sa Joppa at nakakita ng isang barko patungong Tarsis. Kaya nagbayad siya ng pamasahe at sumakay sa barko upang sumama sa kanila patungong Tarsis, palayo mula sa presensya ni Yahweh.