tl_nam_text_ulb/02/08.txt

1 line
563 B
Plaintext

\v 8 Ang Ninive ay parang isang lawa ng tubig na tumatagas, kasama nitong tumatakas ang kaniyang mga tao na parang rumaragasang tubig. Sumisigaw ang iba, "Tumigil kayo, tumigil kayo," ngunit walang lumilingon. \v 9 Kunin ninyo ang sinamsam na pilak, kunin ninyo ang sinamsam na ginto, sapagkat wala itong katapusan, ang karangyaan ng lahat ng bagay na magaganda sa Ninive. \v 10 Walang nakatira sa Ninive at nawasak. Natutunaw ang puso ng lahat, nag-uumpugan ang mga tuhod ng bawat isa, at ang nagdadalamhati ang bawat isa, maputlang lahat ang kanilang mga mukha.