Fri Jan 05 2024 21:48:25 GMT+0800 (Philippine Standard Time)

This commit is contained in:
Hazel 2024-01-05 21:48:26 +08:00
commit e30606c2d9
399 changed files with 465 additions and 0 deletions

1
01/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Mayroong isang tao ng Romataim-Zofim, sa maburol na lupain ng Efraim; ang kanyang pangalan ay si Elkana na anak na lalaki ni Jeroham na anak na lalaki ni Elihu na anak na lalaki ni Tohu na anak na lalaki ni Zuf, isang Efrateo. \v 2 Mayroon siyang dalawang asawa; ang pangalan ng unang asawa ay si Ana at ang pangalan ng pangalawa ay si Penina. Nagkaroon ng mga anak si Penina, ngunit hindi nagkaanak si Ana.

1
01/03.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 3 Umaalis ang taong ito mula sa kanyang siyudad taon-taon upang sumamba at mag-alay kay Yahweh ng mga hukbo sa Shilo. Naroon ang dalawang anak na lalaki ni Eli, sina Hofni at Pinehas, na mga pari kay Yahweh. \v 4 Kapag dumarating ang araw para kay Elkana para mag-alay bawat taon, palagi niyang binibigyan ng mga bahagi ng karne si Penina na kanyang asawa at lahat ng kanyang anak na lalaki at babae.

1
01/05.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 5 Ngunit para kay Ana binibigyan niya palagi ng dobleng bahagi si Ana, dahil minahal niya si Ana, kahit na isinara ni Yahweh ang kanyang sinapupunan. \v 6 Lubos siyang ginalit ng kanyang karibal upang mainis siya, dahil isinara ni Yahweh ang kanyang sinapupunan.

1
01/07.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 7 Kaya taon-taon, kapag umaakyat siya sa bahay ni Yahweh kasama ang kanyang pamilya, palagi siyang ginagalit ng kanyang karibal. Kaya umiiyak na lang siya at hindi na kumakain. \v 8 Palaging sinasabi sa kanya ng kanyang asawa na si Elkana, "Ana, bakit ka umiiyak? Bakit hindi ka kumakain? Bakit malungkot ang iyong puso? Hindi ba ako mas mabuti sa iyo kaysa sampung anak na lalaki?"

1
01/09.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 9 Sa isa sa mga pagkakataong ito, tumayo si Ana matapos silang kumain at uminom sa Shilo. Ngayon nakaupo si Eli na pari sa kanyang upuan sa tapat ng pintuan patungo sa bahay ni Yahweh. \v 10 Labis ang kanyang pagdadalamhati; nanalangin siya kay Yahweh at umiyak nang matindi.

1
01/11.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 11 Gumawa siya ng isang panata at sinabi niya, "Yahweh ng mga hukbo, kung titingin ka sa dalamhati ng iyong lingkod at iisipin ako, at huwag mong kalimutan ang iyong lingkod, ngunit bigyan mo ng anak na lalaki ang iyong lingkod, pagkatapos ibibigay ko ang buong buhay niya kay Yahweh, at walang labaha ang dadampi sa kanyang ulo."

1
01/12.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 12 Habang patuloy siyang nagdadasal sa harapan ni Yahweh, pinagmasdan ni Eli ang kanyang bibig. \v 13 Nangusap si Ana sa kanyang puso. Gumalaw ang kanyang mga labi, ngunit hindi narinig ang kanyang boses. Kaya inakala ni Eli na siya ay lasing. \v 14 Sinabi ni Eli sa kanya, "Gaano katagal kang magiging lasing? Itapon mo ang iyong alak."

1
01/15.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 15 Sumagot si Ana, "Hindi, aking amo, ako ay isang babaeng nagdadalamhati ang kalooban. Hindi ako nakainom ng alak o matapang na inumin, ngunit ibinubuhos ko ang aking kaluluwa sa harapan ni Yahweh." \v 16 "Huwag mong ituring na ang iyong lingkod ay isang nakahihiyang babae; nagsasalita ako mula sa aking matinding pag-aalala at pagkagalit."

1
01/17.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 17 Pagkatapos sumagot si Eli at sinabing, "Umalis ka ng mapayapa; ipagkaloob nawa ng Diyos ng Israel ang iyong kahilingan na iyong hiniling sa kanya." \v 18 Sinabi niya, "Hayaang makasumpong ng biyaya ang iyong lingkod sa iyong paningin." Pagkatapos umalis ang babae at kumain; hindi na malungkot ang kanyang mukha.

1
01/19.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 19 Sila'y bumangon nang maaga sa araw na iyon at sumamba sa harapan ni Yahweh, at pagkatapos bumalik sila sa kanilang bahay sa Ramah. Sinipingan ni Elkana si Ana na kanyang asawa, at inalala siya ni Yahweh. \v 20 Nang dumating ang panahon, nabuntis si Ana at nagsilang ng isang batang lalaki. Tinawag niya ang kanyang pangalan na Samuel, sinasabing, "Dahil hiningi ko siya mula kay Yahweh."

1
01/21.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 21 Muli, umakyat sina Elkana at ang kanyang buong bahay upang maghandog ng taunang pag-aalay at tuparin ang kanyang panata. \v 22 Ngunit hindi sumama si Ana; sinabi niya sa kanyang asawa, "Hindi ako sasama hanggang sa hindi na sumususo ang bata; pagkatapos dadalhin ko siya, upang maipakita siya sa harapan ni Yahweh at manirahan siya doon magpakailanman." \v 23 Sinabi ni Elkana na kanyang asawa sa kanya, "Gawin mo kung ano ang pasya mong mabuti sa iyo. Maghintay ka hanggang sa hindi mo na siya pinapasuso; pagtibayin lamang nawa ni Yahweh ang kanyang salita." Kaya nanatili ang babae at pinasuso ang kanyang anak hanggang sa hindi na siya sumususo.

1
01/24.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 24 Nang hindi na niya siya pinapasuso, isinama niya siya kasama ang tatlong taong gulang na toro, isang epa ng pagkain at isang bote ng alak, at dinala niya siya sa bahay ni Yahweh sa Shilo. Ngayon ang anak niya ay bata pa. \v 25 Pinatay nila ang toro, at dinala nila ang bata kay Eli.

1
01/26.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 26 Sinabi niya, "O aking panginoon! Habang buhay ka, aking panginoon, ako ang babaeng tumayo rito sa tabi mo na nananalangin kay Yahweh. \v 27 Sapagkat ang batang ito ang aking ipinanalangin at ibinigay sa akin ni Yahweh ang aking kahilingan na aking hiniling sa kanya. \v 28 Ibinibigay ko siya kay Yahweh; habang nabubuhay siya ipapahiram ko siya kay Yahweh." At sinamba ni Elkana at kanyang pamilya si Yahweh doon.

1
02/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Nanalangin si Ana at sinabing, "Nagsasaya ang aking puso kay Yahweh. Itinaas ni Yahweh ang aking tambuli. Nagmamayabang ang aking bibig sa aking mga kaaway, dahil nagagalak ako sa iyong pagliligtas.

1
02/02.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 2 Wala ng banal tulad ni Yahweh, sapagka't walang iba maliban sa iyo; walang ibang bato tulad ng ating Diyos.

1
02/03.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 3 Huwag nang magmataas ng buong kapurihan; huwag hayaang maglabas ng kahambugan ang iyong bibig. Sapagka't si Yahweh ay Diyos ng kaalaman; sa pamamagitan niya tinitimbang ang mga kilos. \v 4 Nasira ang mga pana ng mga makapangyarihang kalalakihan, ngunit iyong mga nadapa ay nagsuot ng kalakasan tulad ng isang sinturon.

1
02/05.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 5 Ipinaupa ng mga busog ang kanilang sarili para sa tinapay; sa mga gutom sila ay hindi na naging gutom. Kahit na ang isang baog ay magsisilang ng pito, ngunit mananamlay ang babaeng maraming anak.

1
02/06.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 6 Pumapatay si Yahweh at bumubuhay. Siya ang nagbababa sa Sheol at nagtataas. \v 7 Si Yahweh ang nagpapadukha, at siya ang nagpapayaman. Siya ang nagpapababa, ngunit siya rin naman ang nagpapataas.

1
02/08.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 8 Ibinabangon niya ang mahirap mula sa alabok. Itinataas niya ang mga nangangailangan mula sa tambak ng abo upang paupuin sila kasama ang mga prinsipe at manahin ang upuan ng karangalan. Sapagka't ang mga haligi ng mundo ay kay Yahweh at kanyang ipinatong sa kanila ang sanlibutan.

1
02/09.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 9 Gagabayan niya ang mga paa ng kanyang mga tapat, ngunit patatahimikin ang mga makasalanan sa kadiliman, sapagka't walang ni isa ang mananaig sa pamamgitan ng lakas.

1
02/10.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 10 Magkakapira-piraso ang mga sumasalungat kay Yahweh; magpapakulog siya mula sa langit laban sa kanila. Si Yahweh ang huhusga sa mga dulo ng mundo. Bibigyan niya ng kalakasan ang kanyang hari at itataas niya ang sungay ng kanyang hinirang."

1
02/11.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 11 Pagkatapos pumunta si Elkana sa Rama, sa kanyang bahay. Naglingkod ang bata kay Yahweh sa harapan ni Eli na pari.

1
02/12.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 12 Ngayon ang mga anak na lalaki ni Eli ay mga walang kabuluhang kalalakihan. Hindi nila nakikilala si Yahweh. \v 13 Ang kaugalian ng mga pari kapag naghandog ang sinumang tao ng isang alay, pupunta ang lingkod ng pari na may dalang tatlong tulis na tinidor sa kanyang kamay, habang kumukulo ang karne. \v 14 Itusok niya ito sa loob ng kawali, o takure, o kaldero, o palayok. Lahat nang nakuha ng tinidor ay kukunin ng pari para sa kanyang sarili. Ginawa nila ito sa Shilo kasama ang lahat ng mga Israelita na pumunta roon.

1
02/15.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 15 Sa halip, bago nila sunugin ang taba, dumating ang lingkod ng pari, at sinabi sa taong nag-aalay, "Magbigay ka ng karne upang ihawin para sa pari; sapagka't hindi niya tatanggapin ang pinakuluang karne mula sa iyo, ngunit hilaw lamang." \v 16 Kung sasabihin ng tao sa kanya, "Dapat nilang sunugin muna ang taba, at pagkatapos kumuha ka ng hangga't gusto mo." Pagkatapos sasabihin niyang, "Hindi, ibigay mo ito sa akin ngayon; kung hindi, kukunin ko ito ng sapilitan." \v 17 Ang kasalanan ng mga binatang ito ay napakalaki sa harapan ni Yahweh, sapagka't inalipusta nila ang handog ni Yahweh.

1
02/18.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 18 Ngunit naglingkod si Samuel kay Yahweh bilang isang batang dinamitan ng isang linong epod. \v 19 Ginagawan siya ng kanyang ina ng isang maliit na balabal at dinadala ito sa kanya taon-taon, kapag umaakyat siya kasama ang kanyang asawa upang maghandog ng taunang alay.

1
02/20.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 20 Pinagpapala ni Eli si Elkana at kanyang asawa at sinasabing, "Bigyan nawa ka ni Yahweh ng maraming anak sa pamamagitan ng babaeng ito dahil sa kahilingan na kanyang ginawa kay Yahweh." Pagkatapos babalik sila sa kanilang sariling tahanan. \v 21 Tinulungan muli ni Yahweh si Ana, at nabuntis siya ulit. Nagsilang siya ng tatlong anak na lalaki at dalawang anak na babae. Samantala, lumaki ang batang si Samuel sa harapan ni Yahweh.

1
02/22.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 22 Ngayon napakatanda na ni Eli; narinig niya ang lahat ng ginagawa ng kanyang mga anak na lalaki sa buong Israel, at kung paano nila sinipingan ang mga kababaihan na naglilingkod sa pasukan patungo sa tolda ng pagpupulong. \v 23 Sinabi niya sa kanila, "Bakit ninyo ginawa ang ganoong mga bagay? Sapagka't narinig ko ang inyong mga masamang gawa mula sa lahat ng mga taong ito." \v 24 Hindi, mga anak ko; sapagka't hindi magandang balita ang aking naririnig. Dinulot ninyong sumuway ang mga tao ni Yahweh.

1
02/25.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 25 "Kung magkakasala ang isang tao laban sa iba, hahatulan siya ng Diyos; ngunit kung magkakasala ang isang tao laban kay Yahweh, sino ang magsasalita para sa kanya?" Ngunit ayaw nilang makinig sa boses ng kanilang ama, dahil nilalayon ni Yahweh na patayin sila. \v 26 Lumaki ang batang si Samuel, at kinalugdan ni Yahweh at ng mga kalalakihan.

1
02/27.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 27 Ngayon dumating ang isang lingkod ng Diyos kay Eli at sinabi sa kanya, "Sinasabi ni Yahweh, 'Hindi ko ba inihayag ang aking sarili sa bahay ng iyong ninuno, nang naroon sila sa Ehipto sa pagkakaalipin sa bahay ni Paraon? \v 28 Pinili ko siya mula sa lahat ng mga lipi ng Israel upang maging aking pari, para umakyat sa aking altar, at para magsunog ng insenso, para magsuot ng isang epod sa aking harapan. Ibinigay ko sa bahay ng iyong ninuno ang lahat ng handog ng mga tao ng Israel na ginawa sa apoy.

1
02/29.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 29 Sa gayon, bakit ninyo hinahamak ang aking mga alay at mga handog na aking kinakailangan sa lugar kung saan ako naninirahan? Bakit ninyo pinarangalan ang inyong mga anak na lalaki na higit sa akin sa pamamagitan ng pagpapataba ng inyong sarili ng mga mainam ng bawat handog ng aking bayang Israel?' \v 30 Sapagka't si Yahweh, ang Diyos ng Israel, nagsasabing, 'Nangako ako na ang inyong bahay, at ang bahay ng inyong ninuno, ay lalakad sa harap ko magpakailanman.' Ngunit ngayon sinasabi ni Yahweh, 'Malayong gawin ko ito, sapagka't pararangalan ko yaong nagpaparangal sa akin, ngunit yaong mga humahamak sa akin ay hindi papahalagahan.

1
02/31.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 31 Tingnan mo, paparating na ang mga araw na puputulin ko ang iyong lakas at ang lakas ng bahay ng iyong ama, upang wala ng sinumang matandang lalaki sa iyong bahay. \v 32 Makikita mo ang pagdadalamhati sa lugar kung saan ako naninirahan. Kahit na ibibigay ang kabutihan sa Israel, wala nang sinumang matandang lalaki sa iyong bahay. \v 33 Sinuman sa inyo na hindi ko puputulin mula sa aking altar, idudulot kong lumabo ang inyong mga mata, at magdudulot ako ng kapighatian para sa inyong buhay. Mamamatay ang lahat ng kalalakihang ipapanganak sa inyong pamilya.

1
02/34.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 34 Ito ang magiging palatandaan para sa iyo na darating sa iyong dalawang anak na lalaki, kay Hofni at Pinehas: Mamamatay silang dalawa sa parehong araw. \v 35 Magtataas ako para sa aking sarili ng isang tapat na pari na gagawa kung ano ang nasa aking puso at nasa aking kaluluwa. Gagawan ko siya ng isang tiyak na bahay; at lalakad siya sa harapan ng aking hinirang na hari magpakailanman.

1
02/36.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 36 Paparoon ang bawat isa na naiwan sa iyong bahay at yuyukod sa taong iyon, hihingi para sa isang pirasong ng pilak at isang putol ng tinapay, at magsasabing, "Pakiusap italaga mo ako sa isa sa mga tungkulin ng pari upang makakain ako ng piraso ng tinapay.'''''

1
03/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Naglingkod kay Yahweh ang batang si Samuel na nakapailalim kay Eli. Madalang ang mga salita ni Yahweh sa mga panahong iyon; walang madalas na pangitain. \v 2 Sa panahong iyon, nang si Eli, na ang paningin ay nagsimulang lumabo kaya hindi na siya makakita nang mabuti, ay nakahiga sa kanyang sariling higaan. \v 3 Hindi pa namamatay ang ilawan ng Diyos, at nakahiga si Samuel upang matulog sa bahay ni Yahweh, kung saan naroon ang kaban ng Diyos. \v 4 Tumawag si Yahweh kay Samuel, na nagsabing, "Narito ako."

1
03/05.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 5 Tumakbo si Samuel kay Eli at sinabing, "Narito ako, dahil tinawag mo ako." Sinabi ni Eli, "Hindi kita tinawag; humiga ka ulit." Umalis si Samuel at humiga. \v 6 Tumawag muli si Yahweh, "Samuel." Bumangon muli si Samuel at nagtungo kay Eli at sinabing, "Narito ako, dahil tinawag mo ako." Sumagot si Eli, "Hindi kita tinawag, aking anak; humiga ka muli."

1
03/07.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 7 Ngayon wala pang anumang karanasan si Samuel kay Yahweh, ni nagkaroon ng anumang mensahe mula kay Yahweh na naibunhayag sa kanya. \v 8 Tinawag muli ni Yahweh si Samuel sa ikatlong pagkakataon. Muling bumangon si Samuel at nagtungo kay Eli at sinabing, "Narito ako, sapagka't tinawag mo ako." Pagkatapos napagtanto ni Eli na tinawag ni Yahweh ang bata.

1
03/09.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 9 Pagkatapos sinabi ni Eli kay Samuel, "Umalis ka at humigang muli; kung tatawagin ka niya muli, dapat mong sabihin, 'Magsalita ka, Yahweh, sapagka't nakikinig ang iyong lingkod.''' Kaya umalis si Samuel at minsan pang humiga sa kanyang sariling lugar.

1
03/10.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 10 Dumating si Yahweh at tumayo; tumawag siya tulad ng ibang mga pagkakataon, "Samuel, Samuel." Pagkatapos sinabi ni Samuel, "Magsalita ka, sapagka't nakikinig ang iyong lingkod." \v 11 Sinabi ni Yahweh kay Samuel, "Tingnan mo, gagawa akong ng isang bagay sa Israel kung saan manginginig ang mga tainga ng lahat ng makakarinig nito.

1
03/12.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 12 Sa araw na iyon tutuparin ko ang lahat ng bagay na aking sinabi kay Eli tungkol sa kanyang bahay, mula simula hanggang sa katapusan. \v 13 Sinabi ko na sa kanya na hahatulan ko ang kanyang sambahayan minsan para sa lahat ng kasalanang kanyang nalaman, dahil nagdala ng sumpa sa kanilang sarili ang kanyang mga anak na lalaki at hindi niya sila pinigilan. \v 14 Dahil dito naipangako ko sa sambahayan ni Eli na ang mga kasalanan ng kanyang sambahayan ay hindi kailanman mapapawi sa pamamagitan ng alay o handog."

1
03/15.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 15 Nakahiga si Samuel hanggang umaga; pagkatapos binuksan niya ang mga pintuan ng bahay ni Yahweh. Ngunit natakot si Samuel na sabihin kay Eli ang tungkol sa pangitain. \v 16 Pagkatapos tinawag ni Eli si Samuel at sinabing, "Samuel, anak ko." Sinabi ni Samuel, "Narito ako."

1
03/17.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 17 Sinabi niya, "Ano ang salitang kanyang sinabi sa iyo? Pakiusap huwag mo itong itago mula sa akin. Gawin nawa sa iyo ng Diyos, at higit pa, kung itatago mo ang anumang bagay mula sa akin anuman sa lahat ng salitang sinabi niya sa iyo." \v 18 Sinabi ni Samuel sa kanya ang lahat; wala siyang tinago mula sa kanya. Sinabi ni Eli, "Si Yahweh iyon. Hayaan mong gawin niya anuman ang sa tingin niya ay mabuti sa kanya."

1
03/19.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 19 Lumaki si Samuel, at kasama niya si Yahweh at wala sa kanyang mga salitang inihula ang nabigong magkatotoo. \v 20 Nalaman ng buong Israel mula Dan hanggang Beer-seba na hinirang si Samuel upang maging isang propeta ni Yahweh. \v 21 Nagpakita muli si Yahweh sa Shilo, sapagka't ibinunyag niya ang kanyang sarili kay Samuel sa Shilo sa pamamagitan ng kanyang salita.

1
04/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Dumating ang salita ni Samuel sa buong Israel. Ngayon umalis ang Israel upang makipaglaban sa mga Filisteo. Nagtayo sila ng kampo sa Ebenezer, at nagtayo ng kampo ang mga Felisteo sa Afek. \v 2 Humanay ang mga Filisteo para labanan ang Israel. Lumaganap ang labanan, natalo ang Israel ng mga Filisteo, na pumatay ng halos apat na libong kalalakihan sa lugar ng labanan.

1
04/03.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 3 Nang dumating ang mga tao sa kampo, sinabi ng nakakatanda ng Israel, "Bakit tayo pinatalo ni Yahweh ngayon sa mga Filisteo? Dalhin natin ang kaban ng tipan ni Yahweh dito mula sa Silo, upang makasama natin iyon dito, para panatilihin tayong ligtas mula sa kapangyarihan ng ating mga kaaway." \v 4 Kaya nagpadala ang mga tao ng kalalakihan sa Silo; mula roon dinala nila ang kaban ng tipan ni Yahweh ng mga hukbo, na nakaupo sa itaas ng querobin. Ang dalawang anak na lalaki ni Eli na sina Hofni at Finehas ay naroon kasama ang kaban ng tipan ng Diyos.

1
04/05.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 5 Nang dumating ang kaban ng tipan ni Yahweh sa kampo, sumigaw nang malakas ang lahat ng mga tao ng Israel, at umugong ang mundo. \v 6 Nang narinig ng mga Filisteo ang ingay ng hiyawan, sinabi nila, "Ano ang kahulugan nitong malakas na hiyawan sa kampo ng mga Hebreo?" Pagkatapos napagtanto nila na dumating ang kaban ni Yahweh sa kampo.

1
04/07.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 7 Natakot ang mga Filisteo; sinabi nila, "Dumating ang Diyos sa kampo." Sinabi nila, "Kapighatian sa atin!" Hindi pa nangyayari ito noon! \v 8 Kapighatian sa atin! Sino ang magtatanggol sa atin mula sa lakas nitong makapangyarihang Diyos? Ito ang Diyos na sumalakay sa mga taga-Ehipto sa pamamagitan ng marami at iba't ibang uri ng salot sa ilang. \v 9 Lakasan ninyo ang loob ninyo, at magpakalalaki kayo, kayong mga Filisteo, o magiging mga alipin kayo para sa mga Hebreo, gaya ng naging mga alipin sila sa inyo. Magpakalalaki kayo, at lumaban."

1
04/10.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 10 Nakipaglaban ang mga Filisteo, at natalo ang Israel. Tumakas ang bawat isa sa kanyang bahay, at ang patayan ay napakalawak; sapagka't natalo ang tatlumpung libong sundalo mula sa Israel. \v 11 Nakuha ang kaban ng Diyos at namatay ang dalawang lalaking anak ni Eli, na sina Hofni at Finehas.

1
04/12.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 12 Tumakbo ang isang lalaki ng Benjamin mula sa hanay ng labanan at nakarating sa Silo sa parehong araw, dumating na punit ang kanyang mga damit at may lupa sa kanyang ulo. \v 13 Nang nakarating siya, nakaupo si Eli sa kanyang upuan na nakatingin sa daan dahil kumabog ang kanyang puso na may pag-aalala para sa kaban ng Diyos. Nang pumasok ang lalaki sa lungsod at sinabi ang balita, umiyak ang buong lungsod.

1
04/14.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 14 Nang narinig ni Eli ang ingay ng iyakan, sinabi niya, "Ano ang kahulugan nitong hiyawan?" Biglang dumating ang lalaki at sinabi kay Eli. \v 15 Ngayon siyamnapu't walong taong gulang na si Eli; malabo ang kanyang mga mata, at hindi siya makakita.

1
04/16.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 16 Sinabi ng lalaki kay Eli, "Ako ang isang nanggaling mula sa hanay ng labanan. Tumakas ako mula sa labanan sa araw na ito." At sinabi niya, "Ano ang nangyari, anak ko?" \v 17 Sumagot at nagsabi ang lalaking nagdala ng balita, "Tumakas ang Israel mula sa mga Filisteo. Mayroon ding isang malaking pagkatalo sa mga tao. Ang iyong dalawang anak na lalaki, na sina Hofni at Finehas ay patay na, at nakuha ang kaban ng Diyos."

1
04/18.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 18 Nang nabanggit niya ang kaban ng Diyos, natumba patalikod si Eli mula sa kanyang upuan sa gilid ng tarangkahan. Nabali ang kanyang leeg, at namatay siya, dahil matanda na siya at mabigat. Naging hukom siya ng Israel sa loob ng apatnapung taon.

1
04/19.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 19 Ngayon ang kanyang manugang na babae, asawa ni Finehas, ay buntis at malapit ng manganganak. Nang narinig niya ang balita na nakuha ang kaban ng Diyos at ang kanyang biyenang lalaki at ang kanyang asawa ay patay na, lumuhod siya at nanganak, ngunit nagpahina sa kanya ang hirap ng kanyang panganganak. \v 20 Sinabi sa kanya ng babaeng nagpapaanak sa oras na malapit na siyang mamatay, "Huwag kang matakot, dahil nanganak ka ng isang lalaki." Ngunit hindi siya sumagot o isinapuso kung ano ang kanilang sinabi.

1
04/21.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 21 Pinangalanan niya ang bata ng Icabod, na nagsasabing, "Nawala ang kaluwalhatian mula sa Israel!" dahil nakuha ang kaban ng Diyos, at dahil sa kanyang biyenan at kanyang asawa. \v 22 At sinabi niya, "Nawala ang kaluwalhatian mula sa Israel, dahil nakuha ang kaban ng Diyos."

1
05/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Ngayon nakuha na ng mga Filisteo ang kaban ng Diyos, at dinala nila ito mula sa Ebenezer patungo sa Asdod. \v 2 Kinuha ng mga Filisteo ang kaban ng Diyos, dinala nila ito sa bahay ng Dagon, at inilagay sa tabi ng Dagon. \v 3 Nang nagising nang maaga sa sumunod na araw ang mga tao ng Asdod, tingnan ninyo, natumba paharap sa lupa ang Dagon sa harapan ng kaban ni Yahweh. Kaya kinuha nila ang Dagon at inilagay siyang muli sa kanyang lugar.

1
05/04.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 4 Ngunit nang nagising sila nang maaga ng sumunod na umaga, tingnan ninyo, natumba paharap sa lupa ang Dagon sa harapan ng kaban ni Yahweh. Ang ulo ng Dagon at kanyang dalawang kamay ay putol na naroon sa pintuan. Katawan lamang ng Dagon ang naiwan. \v 5 Ito ang dahilan, kahit sa araw na ito, ang mga pari ng Dagon at sinumang dumating sa bahay ng Dagon ay hindi umaapak sa pintuan ng Dagon sa Asdod.

1
05/06.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 6 Napakabigat ng kamay ni Yahweh sa mga tao ng Asdod. Winasak niya sila at pinahirapan sila ng mga bukol, kapwa sa Asdod at nasasakupan nito. \v 7 Nang napagtanto ng mga kalalakihan ng Asdod kung ano ang nangyayari, sinabi nila, "Hindi dapat manatili ang kaban ng Diyos ng Israel sa atin, dahil mabigat ang kanyang kamay laban sa atin at laban kay Dagon na ating diyos."

1
05/08.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 8 Kaya ipinadala nila at sama-samang tinipon ang lahat ng mga namumuno ng mga Filisteo; sinabi nila sa kanila, "Ano ang gagawin namin sa kaban ng Diyos ng Israel?" Sumagot sila, "Hayaang dalhin ang kaban ng Diyos ng Israel sa palibot ng Gat." At dinala nila ang kaban ng Diyos ng Israel doon. \v 9 Ngunit pagkatapos nilang madala ito sa palibot, ang kamay ni Yahweh ay laban sa lungsod, na nagdudulot ng isang napakalaking kalituhan. Pinahirapan niya ang mga kalalakihan ng lungsod, kapwa maliit at malaki; at ang mga bukol ay kumalat sa kanila.

1
05/10.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 10 Kaya ipinadala nila ang kaban ng Diyos sa Ekron. Ngunit pagdating mismo ng kaban ng Diyos sa Ekron, sumigaw ang mga taga-Ekron, nagsasabing, "Dinala nila sa atin ang kaban ng Diyos ng Israel upang patayin tayo at ang ating mga tao."

1
05/11.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 11 Kaya pinatawag nila at sama-samang tinipon ang lahat ng mga namumuno ng mga Filisteo; sinabi nila sa kanila, "Ilayo ninyo ang kaban ng Diyos ng Israel, at hayaang bumalik ito sa sariling lugar nito, upang hindi tayo nito patayin at ating mga tao." Dahil nagkaroon na ng isang nakamamatay na takot sa buong siyudad; napakabigat ng kamay ng Diyos doon. \v 12 Ang mga kalalakihang hindi namatay ay pinahirapan ng mga bukol, at umabot ang iyak ng siyudad sa kalangitan.

1
06/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Ngayon nasa bansa ng mga Filisteo ang kaban ni Yahweh sa loob ng pitong buwan. \v 2 Pagkatapos pinatawag ng mga tao ng Filisteo ang mga pari at ang mga manghuhula; sinabi nila sa kanila, "Ano ang dapat nating gawin sa kaban ni Yahweh? Sabihin mo sa amin kung paano namin dapat ipadala ito pabalik sa sariling bansa nito."

1
06/03.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 3 Sinabi ng mga pari at mga manghuhula, "Kung ibabalik ninyo ang kaban ng Diyos ng Israel, huwag itong ibalik na walang regalo; sa ano mang paraan padalhan siya ng isang handog pambayad para sa kasalanan. Pagkatapos gagaling kayo, at malalaman ninyo kung bakit hindi inalis ang kanyang kamay sa inyo hanggang ngayon." \v 4 Pagkatapos sinabi nila, "Ano ang dapat na handog pambayad para sa kasalanan na ibabalik namin sa kanya?" Sumagot sila, "Limang ginintuang bukol at limang ginintuang daga, lima bilang pareho sa bilang ng mga namumuno ng mga Filisteo. Para sa parehong salot na nagpahirap sa inyo at sa inyong mga namumuno.

1
06/05.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 5 Kaya dapat gumawa kayo ng inyong mga hugis ng mga bukol, at mga hugis ng inyong daga na puminsala sa lupain, at bigyan ng kaluwalhatian ang Diyos ng Israel. Marahil aalisin niya ang kanyang kamay mula sa inyo, mula sa inyong mga diyos, at mula sa inyong lupain. \v 6 Bakit ninyo papatigasin ang inyong mga puso, gaya ng mga taga-Ehipto at ni Paraon na pinatigas ang kanilang mga puso? Iyon ay nang matindi silang pinahirapan ng Diyos; hindi ba pinaalis ng mga taga-Ehipto ang mga tao, at umalis sila?

1
06/07.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 7 Pagkatapos ngayon, maghanda kayo ng isang bagong kariton na may dalawang nagpapasusong baka, na hindi pa nasingkawan. Itali ang mga baka sa kariton, ngunit dalhin ang kanilang guya pauwi, malayo mula sa kanila. \v 8 Pagkatapos dalhin ang kaban ni Yahweh at ilagay ito sa kariton. Ilagay ang mga ginintuang anyo na ibabalik sa kanya bilang isang handog para sa kasalanan sa isang kahon sa isang gilid nito. Pagkatapos pakawalan ito at hayaang umalis. \v 9 Pagkatapos masdan ninyo; kung pupunta ito sa daan patungo sa sarili nitong lupain sa Beth-semes, kung gayon si Yahweh ang nagpatupad nitong malaking sakuna. Ngunit kung hindi, saka natin malalaman na hindi ang kanyang kamay ang nagpahirap sa atin; sa halip, malalaman nating nagkataon lang na nangyari ito sa atin."

1
06/10.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 10 Ginawa ito ng mga kalalakihan gaya ng sinabi sa kanila; kumuha sila ng dalawang nagpapasusong baka, tinali nila sa kariton, at ikinulong ang kanilang mga guya sa tahanan. \v 11 Inilagay nila ang kaban ni Yahweh sa kariton, kasama ng isang kahon na naglalaman ng mga ginintuang daga at ang kanilang hinulmang mga bukol. \v 12 Tumuloy ang mga baka sa dako ng Beth-semes. Pumunta sila sa tabi ng isang malapad na daan, umuungal sila habang lumalakad, at hindi sila lumihis patabi maging sa kanan o sa kaliwa. Sinundan sila ng mga namumuno ng Felisteo sa hangganan ng Beth-semes.

1
06/13.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 13 Ngayon nag-aaniang mga tao ng Beth-semes sa kanilang trigo sa lambak. Nang tumingin sila sa itaas at nakita ang kaban, nagalak sila.

1
06/14.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 14 Dumating ang kariton sa bukirin ni Josue mula sa Beth-semes at huminto roon. Naroon ang isang malaking bato, at biniyak nila ang kahoy mula sa kariton, at hinandog ang mga baka bilang isang handog na susunugin kay Yahweh. \v 15 Ibinaba ng mga Levita ang kaban ni Yahweh at kahon na kasama nito, kung saan naroon ang mga ginintuang anyo, at inilagay ang mga ito sa malaking bato. Inihandog ng mga kalalakihan ng Beth-semes ang handog na susunugin at gumawa ng mga alay sa parehong araw kay Yahweh.

1
06/16.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 16 Nang nakita ito ng limang namumuno sa mga Filisteo, bumalik sila sa araw na iyon sa Ekron.

1
06/17.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 17 Ito ang mga ginintuang bukol na ibinalik ng mga Filisteo para sa isang handog pambayad para sa kasalanan kay Yahweh: isa para sa Asdod, isa para sa Gaza, isa para sa Ashkelon, isa para sa Gat at isa para sa Ekron. \v 18 Parehong bilang ang limang ginintuang daga sa bilang ng lahat ng lungsod ng Filisteo pag-aari ng limang namumuno, kapwa matibay na mga lungsod at mga panlalawigang nayon. Ang malaking bato, na nasa tabi nito inilagay nila ang kaban ni Yahweh, ay nanatiling isang saksi hanggang sa araw na ito sa bukirin ni Josue na Beth-semita.

1
06/19.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 19 Sinalakay ni Yahweh ang ilang kalalakihan ng Beth-semes dahil tumingin sila sa kanyang kaban. Pinatay niya ang pitumpung kalalakihan. Nagluksa ang mga tao, dahil binigyan ni Yahweh ang mga tao ng isang malaking dagok. \v 20 Sinabi ng mga kalalakihan ng Beth-semes, "Sino ang makakatayo sa harapan ni Yahweh, ang banal na Diyos na ito? At kanino siya aakyat mula sa atin?"

1
06/21.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 21 Nagpadala sila ng mga mensahero na naninirahan sa Kiriath Jearim, sinasabing, "Ibinalik ng mga Filisteo ang kaban ni Yahweh; bumaba at dalhin ninyo ito pabalik."

1
07/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Dumating ang mga kalalakihan ng Kiriat-Jearim, kinuha ang kaban ni Yahweh, at dinala ito sa bahay ni Abinadab sa burol. Itinalaga nila ang kanyang anak na lalaking si Eleazar para mangalaga sa kaban ni Yahweh. \v 2 Mula nang araw na manatili ang kaban sa Kiriat-Jearim, lumipas ang mahabang panahon, dalawampung taon. Nanaghoy ang buong bahay ng Israel at ninais nilang bumaling kay Yahweh.

1
07/03.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 3 Sinabi ni Samuel sa lahat ng tao ng Israel, "Kung babalik kayo kay Yahweh nang inyong buong puso, alisin ninyo ang mga dayuhang diyos at ang Astarot mula sa inyo, ibaling ang inyong mga puso kay Yahweh, at siya lamang ang sambahin, sa gayon ililigtas niya kayo mula sa kamay ng mga Filisteo." \v 4 Pagkatapos inalis ng mga tao ng Israel ang mga Baal at mga Astarot, at sinamba lamang si Yahweh.

1
07/05.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 5 Pagkatapos, sinabi ni Samuel, "Dalahin ninyo ang buong Israel sa Mizpa at mananalangin ako kay Yahweh para sa inyo." \v 6 Nagtipon sila sa Mizpa at sumalok ng tubig at ibinuhos ito sa harapan ni Yahweh. Nag-ayuno sila sa araw na iyon at sinabing, "Nagkasala kami laban kay Yahweh." Doon pinagpasiyahan ni Samuel ang mga alitan ng mga tao ng Israel at pinangunahan ang mga tao.

1
07/07.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 7 Ngayon nang marining ng mga Filisteo na nagtipon ang mga tao ng Israel sa Mizpa, sinalakay ng mga namumuno ng Filisteo ang Israel. Pagkarinig ng mga tao ng Israel nito, natakot sila sa mga Palestina. \v 8 Pagkatapos sinabi ng bayan ng Israel kay Samuel, "Huwag kang tumigil sa pagtawag kay Yahweh na ating Diyos para sa amin, upang iligtas niya kami mula sa kamay ng mga Filisteo."

1
07/09.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 9 Kumuha si Samuel ng isang pinapasusong kordero at inihandog ito bilang isang buong sinunog na handog kay Yahweh. Pagkatapos patuloy na tumawag si Samuel kay Yahweh para sa Israel, at sinagot siya ni Yahweh.

1
07/10.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 10 Habang inihahandog ni Samuel ang sinunog na handog, lumapit ang mga Filisteo para salakayin ang Israel. Subalit nagpakulog si Yahweh ng isang malakas na tunog sa araw na iyon laban sa mga Filisteo at nagkagulo sila, at napuksa sila sa harapan ng Israel. \v 11 Pumunta ang mga kalalakihan ng Israel mula sa Mizpa, at tinugis nila ang mga Filisteo at pinatay sila hanggang sa ibaba ng Betcar.

1
07/12.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 12 Pagkatapos kumuha si Samuel ng isang bato at itinayo ito sa pagitan ng Mizpa at Shen. Pinangalanan niya itong Ebenezer, sinasabing, "Hanggang sa ngayon tinulungan pa rin kami ni Yahweh."

1
07/13.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 13 Kaya nag-api ang mga Filisteo at hindi sila pumasok sa hangganan ng Israel. Laban sa mga Filisteo ang kamay ni Yahweh sa lahat ng araw ni Samuel. \v 14 Naibalik sa Israel ang mga bayang kinuha ng mga Filisteo mula sa Israel, mula sa Ekron hanggang sa Gat; binawi ng Israel ang kanilang nasasakupan mula sa mga Filisteo. Pagkatapos nagkaroon ng kapayapaan sa pagitan ng Israel at mga Amoreo.

1
07/15.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 15 Hinatulan ni Samuel ang Israel sa lahat ng araw ng kanyang buhay. \v 16 Bawat taon lumilibot siya sa Bethel, sa Gilgal at sa Mizpa. Pinagpapasiyahan niya ang mga alitan para sa Israel sa lahat ng mga lugar na ito. \v 17 Pagkatapos babalik siya sa Rama, sapagkat naroon ang bahay niya; at doon pinagpapasiyahan din niya ang mga alitan para sa Israel. Gumawa rin siya ng altar doon kay Yahweh.

1
08/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Nang matanda na si Samuel, ginawa niyang mga hukom sa Israel ang mga anak niyang lalaki. \v 2 Joel ang pangalan ng panganay niya at Abija ang pangalan ng pangalawa niyang anak na lalaki. Mga hukom sila sa Beer-seba. \v 3 Hindi lumakad sa mga paraan niya ang kanyang mga anak, sa halip naghabol sila sa hindi tapat na tubo. Tumanggap sila ng mga suhol at binaluktot ang katarungan.

1
08/04.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 4 Pagkatapos sama-samang nagtipon ang mga nakakatanda ng Israel at pumunta sila kay Samuel sa Rama. \v 5 Sinabi nila sa kanya, "Tingnan mo, matanda ka na at hindi lumalakad ayon sa mga paraan mo ang iyong mga anak. Pumili ka para sa amin ng isang hari na hahatol sa amin tulad ng lahat ng mga bansa."

1
08/06.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 6 Subalit hindi nalugod si Samuel nang sabihin nilang, "Bigyan mo kami ng haring hahatol sa amin." Kaya nanalangin si Samuel kay Yahweh. \v 7 Sinabi ni Yahweh kay Samuel, "Sundin mo ang boses ng mga tao sa lahat ng bagay na sasabihin nila sa iyo; sapagkat hindi ikaw ang tinanggihan nila, ngunit ako ang tinanggihan nila mula sa pagiging hari nila.

1
08/08.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 8 Kumikilos sila ngayon tulad ng ginawa nila mula noong araw na inilabas ko sila mula sa Ehipto, pinabayaan ako, at naglingkod sa ibang mga diyos, at kaya ginagawa rin nila sa iyo. \v 9 Ngayon makinig sa kanila; ngunit taimtim na balaan sila at ipaalam sa kanila ang paraan na mamahala sa kanila ang hari."

1
08/10.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 10 Kaya sinabi ni Samuel ang lahat ng salita ni Yahweh sa mga taong humihingi ng hari. \v 11 Sinabi niya, "Ganito kung paano mamumuno ang hari sa inyo. Kukunin niya ang inyong mga anak na lalaki at itatalaga sila sa kanyang mga karo at para maging mga mangangabayo niya, at para tumakbo sa harapan ng kanyang mga karo. \v 12 Hihirang siya para sa kanyang sarili ng mga kapitan ng libu-libong sundalo, at mga kapitan ng limampung sundalo. Pagbubungkalin niya ang ilan ng kanyang lupa, gagapas ang ilan ng kanyang ani, at ang ilan ay gagawa ng kanyang mga sandata para sa digmaan at mga kagamitan para sa kanyang mga karo.

1
08/13.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 13 Kukunin din niya ang inyong mga anak na babae para maging mga tagagawa ng pabango, tagapagluto at babaeng magtitinapay. \v 14 Kukunin niya ang pinakamainam sa mga bukid ninyo, ang inyong mga ubasan at mga taniman ng olibo at ibibigay ang mga iyon sa mga lingkod niya. \v 15 Kukunin niya ang ikasampu ng inyong butil at ng inyong mga ubasan at ibibigay sa kanyang mga opisyal at mga lingkod.

1
08/16.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 16 Kukunin niya ang inyong mga lalaki at babaeng lingkod at ang pinakamagaling sa mga binata ninyo at inyong mga asno; pagtatrabahuhin niya silang lahat para sa kanya. \v 17 Kukunin niya ang ikasampu ng inyong mga kawan at magiging mga alipin niya kayo. \v 18 Pagkatapos sa araw na iyon, tatangis kayo dahil sa haring pinili ninyo para sa inyong sarili; ngunit hindi kayo sasagutin ni Yahweh sa araw na iyon."

1
08/19.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 19 Subalit tumangging makinig ang mga tao kay Samuel; sinabi nila, "Hindi! Dapat mayroon kaming hari \v 20 upang maging tulad kami ng lahat ng ibang bansa, at upang hatulan kami ng aming hari at manguna sa amin at makipaglaban sa aming mga labanan."

1
08/21.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 21 Nang marinig ni Samuel ang lahat ng salita ng mga tao, inulit niya ang mga iyon sa mga tainga ni Yahweh. \v 22 Sinabi ni Yahweh kay Samuel, "Sundin mo ang boses nila at gawan sila ng hari." Kaya sinabi ni Samuel sa mga kalalakihan ng Israel, "Dapat pumunta ang bawat lalaki sa kanyang sariling lungsod."

1
09/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 May isang lalaki mula sa Benjamin, isang lalaking maimpluwensiya. Kish ang pangalan niya, anak na lalaki ni Abiel na anak na lalaki ni Zeror ng Becorat na anak na lalaki ni Afia, na anak na lalaki na taga-Benjamin. \v 2 Mayroon siyang isang anak na lalaki na nagngangalang Saul, isang makisig na binata. Walang sinumang lalaki sa bayan ng Israel ang mas makisig kaysa kanya. Mula balikat niya pataas mas matangkad siya sa lahat ng tao.

1
09/03.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 3 Ngayon nawala ang mga asno ni Kish, na ama ni Saul. Kaya sinabi ni Kish sa anak niyang si Saul, "Isama mo ang isa sa mga lingkod; bumangon at hanapin ang mga asno." \v 4 Kaya dumaan si Saul sa maburol na lugar ng Efraim at nagtungo sa lupain ng Salisa, ngunit hindi nila natagpuan ang mga iyon. Dumaan sila sa lupain ng Shaalim, pero wala roon ang mga iyon. Pagkatapos dumaan sila sa lupain ng mga taga-Benjamin, ngunit hindi nila natagpuan ang mga iyon.

1
09/05.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 5 Nang dumating sila sa lupain ng Zuf, sinabi ni Saul sa kanyang lingkod na kasama niya, "Halika, bumalik na tayo, at baka tumigil na mag-alala ang aking ama sa mga asno at magsimulang mag-alala tungkol sa atin." \v 6 Subalit sinabi sa kanya ng lingkod, "Makinig ka, may lingkod ng Diyos sa lungsod na ito. Siya ay isang lalaking iginagalang; nagkakatotoo ang lahat ng bagay na sabihin niya. Pumunta tayo roon; maaaring masabi niya sa atin kung aling daan ang dapat nating tahakin sa ating paglalakbay."

1
09/07.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 7 Pagkatapos sinabi ni Saul sa kanyang lingkod, "Subalit kung pupunta tayo, anong madadala natin sa lalaki? Dahil ubos na ang tinapay sa ating supot, at walang handog na madadala para sa tao ng Diyos. Anong mayroon tayo?" \v 8 Sumagot ang lingkod kay Saul, "Mayroon ako ritong ikaapat na siklo ng pilak na ibibigay ko sa lingkod ng Diyos, para sabihin sa atin kung saan tayo dapat tumungo."

1
09/09.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 9 (Dati sa Israel, kapag hahanapin ng isang tao ang kaalaman ng kalooban ng Diyos, sinasabi niya, "Halika, pumunta tayo sa manghuhula." Dahil ang propeta ngayon ay dating tinatawag na manghuhula.) \v 10 Pagkatapos sinabi ni Saul sa kanyang lingkod, "Mabuting pagkasabi. Halika, tayo na." Kaya pumunta sila sa lungsod kung saan naroon ang lingkod ng Diyos. \v 11 Habang paakyat sila sa burol patungo sa lungsod, nakasalubong sila ng mga babaeng palabas para sumalok ng tubig; sinabi ni Saul at ng kanyang lingkod sa kanila, "Narito ba ang manghuhula?"

1
09/12.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 12 Sumagot sila at sinabi, "Narito siya; tingnan ninyo, nauna lang siya sa inyo. Magmadali kayo, dahil pupunta siya sa lungsod ngayon, sapagkat mag-aalay ang mga tao ngayon sa mataas na lugar. \v 13 Pagpasok na pagpasok ninyo sa lungsod matatagpuan ninyo siya bago siya umakyat sa mataas na lugar para kumain. Hindi kakain ang mga tao hanggang sa dumating siya dahil babasbasan niya ang alay; pagkatapos kakain ang mga inanyayahan. Ngayon, umakyat na kayo dahil matatagpuan ninyo siya kaagad."

1
09/14.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 14 Kaya umakyat sila sa lungsod. Habang papasok sila sa lungsod, nakita nila si Samuel na patungo sa kanila para umakyat sa mataas na lugar.

1
09/15.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 15 Ngayon, sa araw bago dumating si Saul, ibinunyag ni Yahweh kay Samuel: \v 16 "Bukas sa mga ganitong oras ipapadala ko sa iyo ang isang lalaki mula sa lupain ng Benjamin, at papahiran mo siya ng langis para maging prinsipe ng aking bayang Israel. Ililigtas niya ang bayan ko mula sa kamay ng mga Filisteo. Dahil naawa ako sa aking bayan sapagkat nakarating sa akin ang paghinigi nila ng tulong sa akin."

1
09/17.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 17 Nang makita ni Samuel si Saul, sinabi ni Yahweh sa kanya, "Siya ang lalaking sinabi ko sa iyo! Siya ang mamamahala sa aking bayan." \v 18 Pagkatapos lumapit si Saul kay Samuel sa tarangkahan at sinabing, "Sabihin mo sa akin kung saan ang bahay ng manghuhula?" \v 19 Sinagot ni Samuel si Saul at sinabing, "Ako ang manghuhula. Mauna kang umakyat sa akin sa mataas na lugar, dahil ngayon kakain kang kasama ko. Sa umaga hahayaan kitang umalis, at sasabihin ko sa iyo ang lahat ng bagay na nasa isip mo.

1
09/20.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 20 Para sa iyong mga asnong nawala tatlong araw na ang nakalipas, huwag mabahala tungkol sa mga iyon, dahil natagpuan na ang mga iyon. At para kanino nakatuon ang lahat ng naisin ng Israel? Hindi ba sa iyo at sa buong bahay ng iyong ama?" \v 21 Sumagot si Saul at sinabing, "Hindi ba ako taga- Benjamin, mula sa pinakamaliit na lipi ng Israel? Hindi ba ang aking angkan ang pinakamaliit sa lahat ng angkan ng lipi ni Benjamin? Bakit ka nagsalita sa akin sa ganitong paraan?"

1
09/22.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 22 Kaya isinama ni Samuel si Saul at kanyang lingkod, dinala sila sa bulwagan, at pinaupo sila sa pang-ulong dako ng mga inanyayahan, na mga tatlumpung tao.

1
09/23.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 23 Sinabi ni Samuel sa tagapagluto, "Dalhin mo ang bahaging ibinigay ko sa iyo, kung alin sinabi sa iyong, 'Itabi mo ito.'" \v 24 Kaya kinuha ng tagapagluto ang hitang itinaas sa pag-aalay at kung ano ang kasama nito, at inilagay ito sa harapan ni Saul. Pagkatapos sinabi ni Samuel, "Tingnan kung ano ang itinabi ko para sa iyo! Kainin mo ito, dahil itinabi ko ito hanggang sa itinakdang oras para sa iyo. Sa ngayon masasabi mong, 'Inanyayahan ko ang mga tao.'" Kaya kumain si Saul kasama ni Samuel sa araw na iyon.

Some files were not shown because too many files have changed in this diff Show More