\v 30 Sapagkat kayo ay dating hindi sumusunod sa Diyos, ngunit ngayon kayo ay nakatanggap ng awa dahil sa kanilang hindi pagsunod. \v 31 Gayon din naman, ngayon ang mga Judiong ito ay naging suwail. Ang kinahinatnan nito, sa pamamagitan ng awa na ipinakita sa inyo, makatatanggap din sila ngayon ng awa. \v 32 Sapagkat kinulong ng Diyos ang lahat sa kasuwayan, nang sa gayon maipakita niya ang awa sa lahat.