Wed Nov 30 2022 10:02:20 GMT+0800 (Philippine Standard Time)

This commit is contained in:
Edwindon 2022-11-30 10:02:36 +08:00
commit f14c425188
199 changed files with 227 additions and 0 deletions

1
01/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Ako si Pablo, na isang lingkod ni Jesu-Cristo, tinawag upang maging apostol, at inilaan para sa ebanghelyo ng Diyos. \v 2 Ito ang ebanghelyo na noon pa man ay ipinangako na niya sa pamamagitan ng mga propeta sa banal na kasulatan. \v 3 Ito ay tungkol sa kaniyang Anak, na ipinanganak mula sa kaapu-apuhan ni David ayon sa laman.

1
01/04.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 4 Ipinahayag siya bilang Anak ng Diyos ayon sa kapangyarihan ng Espiritu ng kabanalan, sa pamamagitan ng muling pagkabuhay mula sa kamatayan, si Jesu-Cristo na ating Panginoon. \v 5 Sa pamamagitan niya ay natanggap namin ang biyaya at ang pagiging apostol upang magdulot ng pagsunod ng pananampalataya sa lahat ng mga bansa, alang-alang sa pangalan niya. \v 6 Kasama ng mga bansang ito, kayo rin ay tinawag upang maging kay Jesu-Cristo.

1
01/07.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 7 Ang liham na ito ay para sa lahat ng nasa Roma, ang mga minamahal ng Diyos, na tinawag upang maging mga taong banal. Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan na nagmumula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo.

1
01/08.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 8 Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa aking Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo dahil sa inyong lahat, dahil naipahayag ang inyong pananampalataya sa buong mundo. \v 9 Sapagkat ang Diyos ang aking saksi, na pinaglilingkuran ko sa aking espiritu sa ebanghelyo ng kaniyang Anak, kung paano ko kayo laging binabanggit sa kaniya. \v 10 Palagi kong hinihiling sa aking mga panalangin na sa kahit anong kaparaanan, nawa sa huli ay magtagumpay ako na makarating sa inyo ayon sa kalooban ng Diyos.

1
01/11.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 11 Sapagkat nais ko kayong makita, nang mabigyan ko kayo ng ilang espirituwal na kaloob upang kayo ay mapalakas. \v 12 Iyon ay, nananabik akong tayo ay magpalakasan ng loob, sa pamamagitan ng pananampalataya ng bawat isa, ang sa inyo at sa akin.

1
01/13.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 13 Ngayon hindi ko nais na hindi ninyo malaman, mga kapatid, na ilang ulit kong binalak na magpunta sa inyo, ngunit ako ay hinahadlangan hanggang ngayon. Ninais ko ito upang sa ganoon ay magkaroon ng ilang bunga sa inyo tulad din ng ibang mga Gentil. \v 14 May utang ako sa mga Griyego at sa mga dayuhan, sa mga marurunong at sa mga mangmang. \v 15 Kaya, para sa akin, handa akong ipahayag ang ebanghelyo sa inyong nasa Roma.

1
01/16.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 16 Sapagkat hindi ko ikinahihiya ang ebanghelyo, sapagkat ito ang kapangyarihan ng Diyos upang iligtas ang sinumang sumasampalataya, una ay sa Judio at gayon din sa Griyego. \v 17 Sapagkat dito ang katuwiran ng Diyos ay naihahayag mula sa pananampalataya hanggang sa pananampalataya, gaya ng nasusulat, "Ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya."

1
01/18.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 18 Sapagkat naihayag ang poot ng Diyos mula sa langit laban sa lahat ng kasamaan at kawalan ng katuwiran ng mga tao na sa pamamagitan ng kawalan ng katuwiran ay hinahadlangan ang katotohanan. \v 19 Ito ay dahil ang maaaring malaman tungkol sa Diyos ay nakikita nila. Sapagkat niliwanagan sila ng Diyos.

1
01/20.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 20 Sapagkat ang kaniyang likas na hindi nakikita ay malinaw na nakikita simula pa noong likhain ang mundo. Nauunawaan ang mga ito sa pamamagitan ng mga nilikhang bagay. Ang mga likas na ito ay ang kaniyang walang hanggang kapangyarihan at ang kaniyang pagka-Diyos. Kung kaya, ang mga taong ito ay walang maidadahilan. \v 21 Sapagkat kahit kilala nila ang Diyos, siya ay hindi nila niluwalhati bilang Diyos, ni hindi nila siya pinasalamatan. Sa halip, naging hangal sila sa kanilang pag-iisip at nagdilim ang manhid nilang mga puso.

1
01/22.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 22 Sila ay nagmamarunong ngunit sila ay naging mga hangal. \v 23 Ipinagpalit nila ang kaluwalhatian ng Diyos na walang kamatayan para sa katulad ng imahe ng taong namamatay, ng mga ibon, ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga nagsisigapang.

1
01/24.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 24 Kaya ibinigay sila ng Diyos sa pagnanasa ng kanilang puso sa karumihan, upang malapastangan ang kanilang mga katawan sa kani-kanilang sarili. \v 25 Sila iyong mga ipinagpalit ang katotohanan ng Diyos sa kasinungalingan, at mga sumamba at naglingkod sa nilikha sa halip na ang Lumikha, na pinupuri magpakailanman. Amen.

1
01/26.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 26 Dahil dito, ibinigay sila ng Diyos sa mga mahahalay na pagnanasa, sapagkat ipinagpalit ng kanilang mga kababaihan ang kanilang likas na kaugnayan sa kung ano ang laban sa likas, \v 27 Gayon din, iniwan ng mga kalalakihan ang kanilang likas na kaugnayan sa mga babae at nag-aalab sila sa kanilang pagnanasa sa kapwa lalaki. Sila ang mga lalaking gumawa ng kahalayan sa mga kapwa lalaki, at tumanggap sa kanilang sarili ng parusa na nararapat sa kanilang kabuktutan.

1
01/28.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 28 Dahil ayaw nilang magkaroon ng Diyos sa kanilang kamalayan, hinayaan niya sila sa mahahalay na pag-iisip, upang gawin nila ang mga bagay na hindi nararapat.

1
01/29.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 29 Napuno sila ng pawang kawalan ng katuwiran, kasamaan, kasakiman at kahalayan. Puno sila ng inggit, pagpatay, pag-aawayan, pandaraya at mga masasamang hangarin. \v 30 Sila ay mga tsismoso, mga mapanirang puri at nasusuklam sa Diyos. Sila ay mararahas, mayayabang, at mapagmataas. Mga manlilikha sila ng kasamaan at suwail sa mga magulang. \v 31 Wala silang pang-unawa, hindi mapagkakatiwalaan, walang pagmamahal at walang awa.

1
01/32.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 32 Nauunawaan nila ang mga tuntunin ng Diyos, na ang mga gumagawa ng ganoong mga bagay ay karapat-dapat sa kamatayan. Ngunit hindi lamang nila ginagawa ang mga ganitong bagay, sumasang-ayon din sila sa iba na gumagawa nito.

1
02/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Kaya wala kang maidadahilan, ikaw tao, ikaw na humahatol, sapagkat kung ano ang hatol mo sa iba, iyon ang hatol mo sa iyong sarili. Sapagkat ikaw na humahatol ay gumagawa din ng ganoong mga bagay. \v 2 Ngunit alam natin na ang hatol ng Diyos ay ayon sa katotohanan kapag ito ay bumaba sa mga gumagawa ng ganoong mga bagay.

1
02/03.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 3 Ngunit isipin mo ito, ikaw tao, ikaw na humahatol sa mga gumagawa ng mga bagay na ganoon, kahit na ginagawa mo rin ang ganoong mga bagay. Makatatakas ka ba sa hatol ng Diyos? \v 4 O hinahamak mo ang yaman ng kaniyang kabutihan, ang mga naantala niyang parusa, at ang kaniyang pagtitiyaga? Hindi mo ba alam na ang kaniyang kabutihan ay siyang aakay sa iyo sa pagsisisi?

1
02/05.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 5 Ngunit ayon sa lawak ng iyong katigasan at iyong pusong walang pagsisisi ay nag-iimbak ka para sa iyong sarili ng poot sa araw ng poot, iyon ay, ang araw ng paghahayag ng matuwid na paghatol ng Diyos. \v 6 Magbibigay siya sa bawat tao ayon sa kaniyang ginawa: \v 7 sa mga patuloy na gumagawa ng mga mabubuting bagay na naghangad ng papuri, karangalan at ng hindi pagkasira, bibigyan niya ng buhay na walang hanggan.

1
02/08.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 8 Ngunit para sa mga makasarili, mga taong hindi sumusunod sa katotohanan ngunit sumusunod sa kalikuan, darating ang matinding galit at poot. \v 9 Magdadala ang Diyos ng pagdurusa at paghihirap sa bawat kaluluwa ng taong gumagawa ng masama, una sa mga Judio at gayon din sa mga Griyego.

1
02/10.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 10 Subalit kapurihan, karangalan at kapayapaan ang darating sa mga taong gumagawa ng mabuti, una sa mga Judio at gayon din sa mga Griyego. \v 11 Sapagkat walang pinapanigan ang Diyos. \v 12 Sapagkat ang lahat ng nagkasala na wala ang kautusan ay mamamatay rin ng wala ang kautusan, at ang lahat ng nagkasala sa ilalim ng kautusan ay hahatulan ayon sa kautusan.

1
02/13.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 13 Sapagkat hindi ang mga tagapakinig ng kautusan ang matuwid sa harapan ng Diyos, kundi ang mga gumagawa ng kautusan ang mapapawalang-sala. \v 14 Sapagkat kapag ang mga Gentil na walang kautusan ay likas na ginagawa ang mga bagay ng kautusan, sila, ay kautusan sa kanilang mga sarili, kahit na wala sa kanila ang kautusan.

1
02/15.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 15 Sa pamamagitan nito, ipinapakita nila na ang mga gawang hinihingi ng kautusan ay nakasulat sa kanilang mga puso. Pinatotohanan din ito ng kanilang mga budhi, at pinararatangan o ipinagtatanggol sila ng kanilang isipan sa kanilang sarili \v 16 at pati na rin sa Diyos. Mangyayari iyan sa araw na hahatulan ng Diyos ang mga lihim ng lahat ng tao, ayon sa aking ebanghelyo, sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.

1
02/17.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 17 Ipagpalagay na tinatawag mong Judio ang iyong sarili, nananalig sa kautusan, nagagalak nang may pagmamalaki sa Diyos, \v 18 nalalaman ang kaniyang kalooban at sinusubok ang mga bagay na hindi sang-ayon dito sapagkat tinuruan ka ng kautusan. \v 19 At ipagpalagay na ikaw ay nakatitiyak na ikaw mismo ay taga-akay ng mga bulag, isang ilaw sa mga nasa kadiliman, \v 20 tagapagturo ng mga mangmang, guro ng mga sanggol, at sa kautusan ay mayroon kang anyo ng kaalaman at ng katotohanan.

1
02/21.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 21 Ikaw, kung gayon, na nagtuturo sa iba, hindi mo ba tinuturuan ang iyong sarili? Ikaw na nangangaral na huwag magnakaw, nagnanakaw ka ba? \v 22 Ikaw na nagsasabing huwag mangangalunya, nangangalunya ka ba? Ikaw na namumuhi sa mga diyus-diyosan, ninanakawan mo ba ang mga templo?

1
02/23.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 23 Ikaw na nagagalak na may pagmamataas sa kautusan, nilalapastangan mo ba ang Diyos sa pamamagitan ng iyong paglabag sa kautusan? \v 24 Sapagkat "ang pangalan ng Diyos ay nilalapastangan sa mga Gentil dahil sa iyo," tulad ng nasusulat.

1
02/25.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 25 Sapagkat tunay na pinakikinabangan mo ang pagtutuli kung sinusunod mo ang kautusan, ngunit kung ikaw ay tagalabag ng kautusan, ang iyong pagtutuli ay nagiging di pagtutuli. \v 26 Kung sinusunod ng taong hindi tuli ang mga hinihingi ng kautusan, hindi ba maituturing na pagtutuli ang kaniyang hindi pagtutuli? \v 27 At hindi ka ba hahatulan ng taong likas na hindi tuli kung tutuparin niya ang kautusan? Sapagkat nasa iyo ang mga kasulatang nasusulat at ang pagtutuli subalit tagalabag kayo ng kautusan!

1
02/28.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 28 Sapagkat hindi siya isang Judio, siya na sa panlabas lamang; hindi rin sa pagtutuli na panlabas lamang sa laman. \v 29 Ngunit siya ay Judio, siya na isang Judio sa panloob, at ang pagtutuli ay sa puso, sa espiritu at hindi sa titik. Ang kapurihan ng ganoong tao ay nagmumula hindi sa mga tao kundi sa Diyos.

1
03/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Kung gayon, ano ang kalamangan ng Judio? At ano ang mapapakinabangan sa pagtutuli? \v 2 Napakarami sa anumang paraan. Una sa lahat, ipinagkatiwala sa mga Judio ang mga pahayag mula sa Diyos.

1
03/03.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 3 Ngunit paano kung walang pananampalataya ang iba sa mga Judio? Ang kawalan ng pananampalataya nila ay nagpapawalang bisa ba sa katapatan ng Diyos? \v 4 Hindi kailanman mangyayari. Sa halip, tapat ang Diyos kahit na ang bawat tao ay sinungaling. Gaya ng nasusulat, "Upang ikaw ay makitang matuwid sa iyong mga salita at mananaig kapag ikaw ay mahatulan."

1
03/05.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 5 Ngunit kung ang ating pagiging hindi matuwid ang nagpapakita ng katuwiran ng Diyos, ano ang sasabihin natin? Matuwid ba ang Diyos kapag pinahihirapan tayo dahil sa poot, matuwid ba siya? Nagsasalita ako ayon sa pangangatwiran ng tao. \v 6 Huwag nawa ito mangyari! Sapagkat kung ganoon, paano hahatulan ng Diyos ang sanlibutan?

1
03/07.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 7 Ngunit kung ang katotohanan ng Diyos sa pamamagitan ng kasinungalingan ko ay nagbibigay ng saganang kapurihan sa kaniya, bakit pa ako hinahatulan bilang isang makasalanan? \v 8 Bakit hindi nalang sabihin, gaya ng walang katotohanang ulat ng iba na sinasabi daw namin, at gaya ng pinatotohanan ng iba na sinasabi namin, "Gumawa tayo ng masama, upang dumating ang kabutihan?" Ang hatol sa kanila ay makatarungan.

1
03/09.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 9 Ano ngayon? Sasabihin ba nating mas mabuti tayo? Hindi sa anumang paraan. Sapagkat pinaratangan na natin ang mga Judio at Griyego, silang lahat, sa pagiging nasa ilalim ng kasalanan. \v 10 Ito ay gaya ng nasusulat: "Walang matuwid, wala ni isa.

1
03/11.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 11 Walang nakauunawa. Walang humahanap sa Diyos. \v 12 Silang lahat ay nagsilihis. Silang lahat ay naging walang silbi. Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.

1
03/13.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 13 Ang kanilang lalamunan ay tulad ng isang bukas na libingan. Ang kanilang mga dila ay mayroong panlilinlang. Ang kamandag ng ahas ay nasa kanilang mga labi. \v 14 Ang kanilang mga bibig ay puno ng pagmumura at kapaitan.

1
03/15.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 15 Ang mga paa nila ay matutulin upang magdanak ng dugo. \v 16 Pagkawasak at pagdurusa ang nasa kanilang mga landas. \v 17 Ang mga taong ito ay walang alam sa daan ng kapayapaan. \v 18 Walang pagkatakot sa Diyos sa kanilang mga mata."

1
03/19.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 19 Ngayon ay nalalaman natin na anuman ang sinasabi ng batas, ito ay sinasabi sa mga taong nasa ilalim ng batas. Ito ay upang matikom ang bawat bibig at upang ang lahat ng nasa sanlibutan ay may pananagutan sa Diyos. \v 20 Ito ay dahil walang laman ang mapawawalang-sala sa pamamagitan ng batas sa paningin niya. Sapagkat sa pamamagitan ng kautusan ay dumating ang kaalaman sa kasalanan.

1
03/21.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 21 Ngunit ngayon, naipaalam na ang katuwiran ng Diyos ay hindi sa pamamagitan ng kautusan. Ito ay nasaksihan ng kautusan at ng mga propeta, \v 22 ito ay, ang katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo para sa lahat ng mga naniniwala. Sapagkat walang pagtatangi.

1
03/23.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 23 Sapagkat ang lahat ay nagkasala at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos. \v 24 Sila ay napawalang-sala nang walang bayad ng dahil sa kaniyang biyaya sa pamamagitan ng katubusan na nakay Cristo Jesus.

1
03/25.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 25 Sapagkat ipinagkaloob ng Diyos si Cristo bilang pampasuyo sa pamamagitan ng pananampalataya sa kaniyang dugo. Inialay niya si Cristo, bilang patotoo sa kaniyang katarungan, dahil sa kaniyang hindi pagpansin sa mga nakaraang kasalanan \v 26 sa kaniyang pagtityatiyaga. Nangyari ang lahat ng ito para sa pagpapakita ng kaniyang katuwiran sa panahong ito. Ito ay upang kaniyang mapatunayan na siya ay makatarungan at upang ipakitang pinapawalang-sala niya ang sinuman dahil sa pananampalataya kay Jesus.

1
03/27.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 27 Kung gayon, nasaan ang pagmamalaki? Ito ay inihiwalay na! Sa anong batayan? Sa mga gawa? Hindi, kundi batay sa pananampalataya. \v 28 Kaya masasabi natin na ang isang tao ay napawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya na wala ang mga gawa ng kautusan.

1
03/29.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 29 O ang Diyos ba ay Diyos ng mga Judio lamang? Hindi ba't siya rin ay Diyos ng mga Gentil? Oo, pati ng mga Gentil. \v 30 Kung magkagayon nga, na ang Diyos ay iisa, ipawawalang-sala niya ang pagtutuli sa pamamagitan ng pananampalataya at hindi pagtutuli sa pamamagitan ng pananampalataya.

1
03/31.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 31 Pinapawalang-bisa ba natin ang kautusan sa pamamagitan ng pananampalataya? Huwag nawang mangyari! Sa halip, pinapagtibay pa nga natin ang kautusan.

1
04/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Ano ngayon ang sasabihin natin na natuklasan ni Abraham na ating ninuno ayon sa laman? \v 2 Sapagkat kung pinawalang-sala si Abraham sa pamamagitan ng mga gawa, magkakaroon sana siya ng dahilan upang magmalaki, ngunit hindi sa harapan ng Diyos. \v 3 Sapagkat ano ang sinasabi ng kasulatan? "Sumampalataya si Abraham sa Diyos at ito ay ibinilang sa kaniya bilang katuwiran."

1
04/04.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 4 Ngayon sa kaniya na gumagawa, ang bayad ay hindi maibibilang na biyaya, ngunit isang kabayaran. \v 5 Ngunit sa kaniya na hindi gumagawa na sa halip ay sumasampalataya sa kaniya na nagpapawalang-sala sa mga masasama, maibibilang na katuwiran ang kaniyang pananampalataya.

1
04/06.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 6 Nagpahayag din si David ng pagpapala sa taong ibinilang ng Diyos na matuwid na walang gawa. \v 7 Sinabi niya, "Pinagpala ang mga pinatawad sa kanilang mga katampalasanan, at ang mga taong natakpan ang mga kasalanan. \v 8 Pinagpala ang tao na hindi bibilangin ng Panginoon ang kaniyang kasalanan."

1
04/09.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 9 Kung gayon, ang pagpapalang ito ba ay inihayag sa mga taong tuli lamang, o pati na rin sa mga hindi tuli? Sapagkat sinasabi natin, "Ang pananampalataya ay naibilang kay Abraham na katuwiran." \v 10 Kaya nga, paano ito naibilang? Nang si Abraham ba ay tinuli na o hindi pa? Hindi sa pagtutuli, kundi sa hindi pagtutuli.

1
04/11.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 11 Tinanggap ni Abraham ang tanda ng pagtutuli. Ito ay tatak ng pagkamatuwid ng pananampalataya na mayroon na siya nang siya hindi pa natutuli. Ang bunga ng tandang ito ay siya ang naging ama ng lahat ng nananampalataya, kahit na hindi sila ay nasa hindi pagtutuli. Ito ay nangangahulugan na ang katuwiran ay maibibilang sa kanila. \v 12 Ito ay nangangahulugan ding si Abraham ay naging ama ng pagtutuli, hindi lamang sa mga tuli, kundi pati na rin sa mga sumusunod sa mga yapak ng ating amang si Abraham. At ito ang pananampalataya na mayroon siya noong hindi pa siya natutuli.

1
04/13.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 13 Sapagkat ang pangako na naibigay kay Abraham at pati na rin sa kaniyang mga kaapu-apuhan ay hindi sa pamamagitan ng kautusan, ang pangakong ito na sila ang magiging mga tagapagmana ng mundo. Sa halip ay sa pamamagitan ng katuwiran ng pananampalataya. \v 14 Sapagkat kung ang mga kabilang sa kautusan ay tagapagmana, ang pananampalataya ay walang kabuluhan, at mawawalan ng bisa ang pangako. \v 15 Sapagkat matinding galit ang naibibigay ng kautusan, ngunit kung saan walang kautusan, wala ring pagsuway.

1
04/16.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 16 Sa kadahilanang ito, nangyayari ito sa pamamagitan ng pananampalataya, upang ito ay sa pamamagitan ng biyaya. Ang kalalabasan, ang pangako ay tiyak para sa lahat ng mga kaapu-apuhan. At hindi lamang ang mga nakakaalam sa kautusan ang makakabilang sa mga kaapu-apuhan na ito, kundi pati na rin ang mga nagmula sa pananampalataya ni Abraham. Sapagkat siya ang ama nating lahat, \v 17 tulad ng nasusulat, "Ginawa kitang ama ng maraming bansa." Naroon si Abraham sa presensiya ng kaniyang pinagkakatiwalaan, iyon ay ang Diyos, na nagbibigay buhay sa mga patay at lumilikha sa mga bagay na wala pa.

1
04/18.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 18 Sa kabila ng lahat ng mga pangyayari, nagtiwala ng lubusan si Abraham sa Diyos para sa hinaharap. Kaya naging ama siya ng maraming bansa, tulad ng sinabi, "... Magiging ganoon ang iyong mga kaapu-apuhan." \v 19 Hindi siya mahina sa pananampalataya. Kinilala ni Abraham na patay na ang kaniyang katawan sapagkat mag-iisandaang taon na siya. Kinilala rin niya ang pagiging patay ng bahay-bata ni Sara.

1
04/20.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 20 Ngunit dahil sa pangako ng Diyos, hindi nag-alinlangan si Abraham sa pananampalataya. Sa halip, napalakas siya sa pananampalataya at nagbigay papuri sa Diyos. \v 21 Lubos siyang naniwala na kung ano ang ipinangako ng Diyos, kaya din niyang tuparin. \v 22 Kung kaya ito ay itinuring sa kaniya bilang katuwiran.

1
04/23.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 23 Ngayon, hindi ito isinulat para lamang sa kaniyang kapakinabangan, na ibinilang sa kaniya. \v 24 Ito rin ay isinulat para rin sa atin, na ibibilang, tayong nanampalataya sa kaniya na bumuhay kay Jesus na ating Panginoon mula sa kamatayan. \v 25 Ito ang siyang ibinigay para sa ating mga kasalanan at muling binuhay para sa ating pagpapawalang-sala.

1
05/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Yamang napawalang-sala tayo sa pamamagitan ng pananampalataya, mayroon tayong kapayapaan sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. \v 2 Sa pamamagitan niya nagkaroon din tayo ng daan sa pamamagitan ng pananampalataya sa biyayang ito na kung saan tayo ay tumatayo. Nagagalak tayo sa pananalig na ibinibigay sa atin ng Diyos para sa hinaharap, ang pananalig na makikibahagi tayo sa kaluwalhatian ng Diyos.

1
05/03.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 3 Hindi lamang ito, ngunit nagagalak din tayo sa ating mga pagdurusa. Alam natin na ang pagdurusa ay nagbubunga ng pagtitiis. \v 4 Ang pagtitiis ay nagbubunga ng pagsang-ayon, at ang pagsang-ayon ay nagbubunga ng katiyakan para sa hinaharap. \v 5 Hindi mangbibigo ang pananalig na ito, dahil ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, na siyang ibinigay sa atin.

1
05/06.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 6 Sapagkat habang mahina pa lamang tayo, namatay si Cristo sa tamang panahon para sa mga hindi maka-diyos. \v 7 Sapagkat mahirap para sa isang tao na mamatay para sa isang matuwid na tao. Iyan ay, marahil kung may isang maglalakas-loob na mamatay para sa mabuting tao.

1
05/08.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 8 Ngunit pinatunayan ng Diyos ang kaniyang pag-ibig sa atin, dahil noong makasalanan pa tayo, namatay si Cristo para sa atin. \v 9 Mas higit pa sa ngayong napawalang-sala na tayo sa pamamagitan ng kaniyang dugo, maililigtas tayo sa pamamagitan nito mula sa poot ng Diyos.

1
05/10.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 10 Sapagkat kung, noong tayo ay mga kaaway, ipinagkasundo tayo sa Diyos sa pamamagitan ng kamatayan ng kaniyang Anak, higit pa ngayon na pagkatapos tayong ipinagkasundo, maililigtas tayo sa pamamagitan ng kaniyang buhay. \v 11 Hindi lamang ito, ngunit nagagalak din tayo sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na sa pamamagitan niya ay natanggap natin ang pagkakasundong ito.

1
05/12.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 12 Kung gayon, sa pamamagitan ng isang tao pumasok ang kasalanan sa sanlibutan, sa ganitong kapamaraanan pumasok ang kamatayan dahil sa kasalanan. At lumaganap ang kamatayan sa sangkatauhan, dahil nagkasala ang lahat. \v 13 Sapagkat bago ang kautusan, ang kasalanan ay nasa sanlibutan na, ngunit walang pananagutan para sa kasalanan kung walang kautusan.

1
05/14.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 14 Gayunpaman, naghari ang kamatayan mula kay Adan hanggang kay Moises, at kahit pa sa mga hindi nagkasala na katulad ng pagsuway ni Adan na siyang huwaran ng paparating. \v 15 Ngunit gayunpaman, ang kaloob na walang bayad ay hindi gaya ng pagkakasala. Sapagkat kung sa pamamagitan ng pagkakasala ng isa ay namatay ang marami, mas higit pa na sumagana para sa marami ang biyaya ng Diyos at ang kaloob sa pamamagitan ng biyaya ng isang tao na si Jesu-Cristo.

1
05/16.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 16 Sapagkat ang kaloob ay hindi tulad ng kinahantungan ng nagkasala. Sa isang banda, dumating ang paghatol ng kaparusahan dahil sa pagkakasala ng isang tao. Ngunit sa kabilang banda, ang kaloob na nagbubunga ng pagpapawalang-sala ay dumating pagkatapos ng maraming pagkakasala. \v 17 Sapagkat kung sa pamamagitan ng pagkakasala ng isa, ang kamatayan ay naghari sa pamamagitan ng isa, mas lalo nang maghahari ang mga tatanggap ng kasaganahan ng biyaya at ng kaloob ng katuwiran sa pamamagitan ng buhay ng isa na si Jesu-Cristo.

1
05/18.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 18 Kung gayon, dahil sa pagkakasala ng isa, ang lahat ng tao ay dumating sa kaparusahan, gayon din sa pamamagitan ng isang gawa ng katuwiran ay dumating ang pagpapawalang-sala ng buhay para sa lahat ng tao. \v 19 Dahil sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao, ang lahat ay naging makasalanan, gayon din naman sa pamamagitan ng pagsunod ng isa, marami ang naging matuwid.

1
05/20.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 20 Ngunit dumating ang kautusan, upang sa gayon ang pagkakasala ay managana. Ngunit sa pananagana ng kasalanan, higit na nanagana ang biyaya. \v 21 Nangyari ito upang, gaya ng kamatayan na naghahari sa kamatayan, gayon din naman ang biyaya ay maghari sa pamamagitan ng katuwiran para sa buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na ating Panginoon.

1
06/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Ano ngayon ang sasabihin natin? Dapat ba tayong magpatuloy sa kasalanan upang managana ang biyaya? \v 2 Huwag nawa itong mangyari. Tayong mga namatay sa kasalanan, paano pa tayo mamumuhay rito? \v 3 Hindi ba ninyo alam na kung gaano karami ang nabautismuhan kay Jesu-Cristo ay nabautismuhan sa kaniyang kamatayan?

1
06/04.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 4 Inilibing na tayo kasama niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan. Nangyari ito upang gaya ng pagkabuhay ni Cristo mula sa patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, lalakad din tayo sa panibagong buhay. \v 5 Sapagkat kung tayo ay nakiisa sa kaniya sa wangis ng kaniyang kamatayan, tayo rin ay makikiisa sa kaniyang muling pagkabuhay.

1
06/06.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 6 Nalalaman natin ito, na ang dati nating pagkatao ay ipinako sa krus kasama niya, upang sa gayon ay masira ang ating katawang makasalanan. Nangyari ito upang hindi na tayo maging alipin pa ng kasalanan. \v 7 Siya na namatay ay inihayag na matuwid hinggil sa kasalanan.

1
06/08.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 8 Ngunit kung namatay tayo kasama ni Cristo, naniniwala tayong mabubuhay din tayong kasama niya. \v 9 Alam nating si Cristo ay binuhay mula sa patay at hindi na siya patay. Hindi na naghahari sa kaniya ang kamatayan.

1
06/10.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 10 Sapagkat ukol sa kamatayan na namatay siya sa kasalanan, namatay siya nang minsanan para sa lahat. Subalit, ang buhay na kaniyang ipinamuhay ay ipinamuhay niya para sa Diyos. \v 11 Sa ganoon ding paraan, kinakailangan din ninyong ituring ang inyong mga sarili na patay sa kasalanan, ngunit buhay sa Diyos kay Cristo Jesus.

1
06/12.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 12 Samakatuwid huwag ninyong hayaan na pagharian ng kasalanan ang inyong mga namamatay na katawan upang inyong sundin ang mga pagnanasa nito. \v 13 Huwag ninyong ihandog ang mga bahagi ng inyong katawan sa kasalanan bilang kasangkapan para sa kasamaan, ngunit ihandog ninyo ang inyong mga sarili sa Diyos, na buhay mula sa patay. At ihandog ninyo ang mga bahagi ng inyong katawan bilang kasangkapan ng katuwiran para sa Diyos. \v 14 Huwag ninyong hayaan na pagharian kayo ng kasalanan. Sapagkat wala na kayo sa ilalim ng kautusan ngunit sa ilalim ng biyaya.

1
06/15.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 15 Kaya ano? Magkakasala ba tayo dahil wala tayo sa ilalim ng kautusan, ngunit sa ilalim ng biyaya? Huwag nawa itong mangyari. \v 16 Hindi ba ninyo alam na ang pinaghandugan ninyo ng inyong mga sarili bilang mga alipin ay siyang inyong pinaglilingkuran, ang siyang dapat ninyong sundin? Totoo ito, mga alipin man kayo sa kasalanan na patungo sa kamatayan, o mga alipin sa pagsunod na patungo sa katuwiran.

1
06/17.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 17 Ngunit salamat sa Diyos! Sapagkat kayo ay dating mga alipin ng kasalanan, ngunit sinunod ninyo mula sa puso ang uri ng katuruang ibinigay sa inyo. \v 18 Pinalaya kayo sa kasalanan, at ginawa kayong mga alipin kayo ng katuwiran.

1
06/19.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 19 Nagsasalita ako tulad ng isang tao dahil sa kahinaan ng inyong laman. Sapagkat gaya ng paghahandog ninyo ng mga bahagi ng inyong katawan bilang mga alipin sa karumihan at kasamaan, ngayon, sa ganoon ding paraan, ihandog ninyo ang mga bahagi ng inyong katawan bilang alipin sa katuwiran para sa ikababanal. \v 20 Sapagkat noong kayo ay mga alipin ng kasalanan, malaya kayo sa katuwiran. \v 21 Sa mga panahong iyon, ano ang naging bunga ng mga bagay na ikinahihiya na ninyo ngayon? Sapagkat ang kinahantungan ng mga bagay na iyon ay kamatayan.

1
06/22.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 22 Ngunit ngayon na kayo ay pinalaya mula sa kasalanan at alipin na ng Diyos, nasa inyo ang inyong bunga para sa ikababanal. Ang kahihinatnan ay buhay na walang hanggan. \v 23 Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, ngunit ang libreng kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na ating Panginoon.

1
07/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 O hindi ba ninyo nalalaman, mga kapatid (sapagkat nagsasalita ako sa mga taong may alam tungkol sa kautusan), na ang kautusan ang namamahala sa isang tao habang siya ay nabubuhay?

1
07/02.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 2 Sapagkat itinatali ng kautusan ang asawang babae sa kaniyang asawa habang siya ay nabubuhay, ngunit kung mamatay ang asawang lalaki, malaya na siya sa kautusan ng pag-aasawa. \v 3 Kung gayon, habang nabubuhay pa ang kaniyang asawang lalaki, kapag nakipamuhay siya sa ibang lalaki, tatawagin siyang mangangalunya. Ngunit kung namatay ang asawang lalaki, malaya na siya sa kautusan, kaya hindi na siya isang mangangalunya kung namumuhay siya kasama ang ibang lalaki.

1
07/04.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 4 Kaya, aking mga kapatid, naging patay kayo sa batas sa pamamagitan ng katawan ni Cristo. Ito ay upang maaari kayong makisama sa iba, iyan ay, sa kaniya na binuhay mula sa patay, upang sa gayon maaari tayong magsipagbunga para sa Diyos. \v 5 Sapagkat noong tayo ay nasa laman, ang mga makasalanang pagnanasa ay naging buhay sa ating mga bahagi sa pamamagitan ng kautusan na magbibigay ng bunga sa kamatayan.

1
07/06.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 6 Ngunit ngayon, pinakawalan na tayo mula sa kautusan. Namatay tayo sa kung ano ang dating humahawak sa atin. Ito ay upang makapaglingkod tayo sa panibagong Espiritu at hindi sa kalumaan ng sulat.

1
07/07.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 7 Kaya ano ang sasabihin natin? Ang kautusan ba mismo ay kasalanan? Huwag nawa itong mangyari. Gayunpaman, hindi ko sana malalaman ang kasalanan, kung hindi dahil sa kautusan. Sapagkat hindi ko sana malalaman ang tungkol sa kasakiman kung hindi sinabi ng kautusan na, "Huwag kang maging sakim". \v 8 Ngunit kinuha ng kasalanan ang pagkakataon sa pamamagitan ng kautusan at nagdala sa akin ng bawat masamang pagnanasa. Sapagkat kung walang kautusan, patay ang kasalanan.

1
07/09.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 9 Minsan akong nabuhay na wala ang kautusan, ngunit nang dumating ang kautusan, muling nabuhay ang kasalanan at namatay ako. \v 10 Ang kautusan na magdadala sana ng buhay ay naging kamatayan para sa akin.

1
07/11.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 11 Sapagkat kinuha ng kasalanan ang pagkakataon sa pamamagitan ng kautusan at nilinlang ako. Sa pamamagitan ng kautusan, pinatay ako ng kasalanan. \v 12 Kaya banal ang kautusan at ang utos ay banal, matuwid at mabuti.

1
07/13.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 13 Kaya, ang mabuti nga ba ay naging kamatayan sa akin? Huwag nawa itong mangyari. Ngunit ang kasalanan, upang maipakitang ito ay kasalanan sa pamamagitan ng mabuti, ay nagdala ng kamatayan sa akin. Ito ay upang sa pamamagitan ng kautusan, maaaring ang kasalanan ay maging kasalanang walang kapantay. \v 14 Sapagkat alam natin na ang kautusan ay espirituwal, ngunit ako ay sa laman. At ipinagbili akong alipin sa ilalim ng kasalanan.

1
07/15.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 15 Sapagkat hindi ko talaga maintindihan ang aking ginagawa. Sapagkat hindi ko ginagawa ang nais kong gawin, at ang ayaw kong gawin ay siya namang aking ginagawa. \v 16 Ngunit kung ginagawa ko ang ang ayaw kong gawin, sumasang-ayon ako sa kautusan, na ang kautusan ay mabuti.

1
07/17.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 17 Ngunit ngayon hindi na ako ang gumagawa nito, kundi ang kasalanang nananahan sa akin. \v 18 Sapagkat alam ko na sa akin, sa aking laman, ay walang nananahang mabuti. Sapagkat ang kagustuhan para sa mabuti ay nasa akin, ngunit hindi ko ito magawa.

1
07/19.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 19 Sapagkat ang mabuti na nais ko ay hindi ko ginagawa, ngunit ang masama na ayaw ko, ang ginagawa ko. \v 20 Ngayon kung ginagawa ko ang ayaw kong gawin, kung gayon hindi na ako ang gumagawa nito, kundi ang kasalanang namumuhay sa akin. \v 21 Kaya, natuklasan ko na ang prinsipyo na nasa akin, na nais kong gawin ang mabuti, subalit ang kasamaang iyon ay naririto sa akin.

1
07/22.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 22 Sapagkat nagagalak ako sa kautusan ng Diyos sa aking kaibuturan. \v 23 Ngunit may nakikita akong ibang tuntunin sa mga bahagi ng aking katawan. Nilalabanan nito ang bagong tuntunin sa aking isipan. Binibihag ako nito sa pamamagitan ng tuntunin ng kasalanan na nasa mga bahagi ng aking katawan.

1
07/24.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 24 Kaawa-awa akong tao! Sino ang magliligtas sa akin mula sa katawang ito ng kamatayan? \v 25 Ngunit ang pasasalamat ay sa Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na ating Panginoon! Kaya ako mismo ay naglilingkod sa kautusan ng Diyos sa aking isipan. Gayunman, sa laman naglilingkod ako sa tuntunin ng kasalanan.

1
08/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Kung gayon, wala ng paghatol sa mga taong na kay Cristo Jesus. \v 2 Sapagkat pinalaya ako ng tuntunin ng Espiritu ng buhay na nakay Cristo Jesus mula sa tuntunin ng kasalanan at kamatayan.

1
08/03.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 3 Sapagkat kung ano ang hindi kayang gawin ng kautusan dahil mahina ito sa pamamagitan ng laman ay ginawa ng Diyos. Isinugo niya ang kaniyang sariling Anak na kawangis ng makasalanang laman para maging isang handog sa kasalanan, at hinatulan niya ang kasalanan sa laman. \v 4 Ginawa niya ito upang sa gayon ang mga hinihingi ng kautusan ay matupad sa atin, tayong mga hindi lumalakad ayon sa laman, ngunit ayon sa Espiritu. \v 5 Ang mga namumuhay ayon sa laman ay binibigyang-pansin ang mga bagay na para sa laman, ngunit ang mga namumuhay ayon sa Espiritu ay binibigyang pansin ang mga bagay na para sa Espiritu.

1
08/06.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 6 Sapagkat ang kaisipan ng laman ay kamatayan, ngunit ang kaisipan ng Espiritu ay buhay at kapayapaan. \v 7 Ito ay dahil sumasalungat sa Diyos ang kaisipan ng laman, sapagkat hindi ito nagpapasakop sa kautusan ng Diyos, ni hindi ito maaaring maging sakop. \v 8 Hindi kayang pasiyahin ng taong nasa laman ang Diyos.

1
08/09.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 9 Gayunman, wala na kayo sa laman ngunit nasa Espiritu, kung totoong ang Espiritu ng Diyos ay nananahan sa inyo. Ngunit kung wala sa isang tao ang Espiritu ni Cristo, siya ay hindi kabilang sa kaniya. \v 10 Kung nasa inyo si Cristo, sa isang panig ang katawan ay patay sa kasalanan, ngunit sa kabilang panig ang espiritu ay buhay sa katuwiran.

1
08/11.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 11 Kung ang Espiritu ng Diyos na bumuhay kay Jesus mula sa kamatayan ang nananahan sa inyo, siya na bumuhay kay Cristo mula sa kamatayan ang magbibigay din ng buhay sa inyong mga namamatay na katawan sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu na siyang nananahan sa inyo.

1
08/12.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 12 Kaya nga, mga kapatid, may mga utang tayo, ngunit hindi sa laman upang mamuhay ayon sa laman. \v 13 Sapagkat kung mabubuhay kayo ayon sa laman, kayo ay mamamatay, ngunit kung sa pamamagitan ng Espiritu inyong pinatay ang mga gawain ng inyong katawan, kayo ay mabubuhay.

1
08/14.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 14 Sapagkat marami ang pinapangunahan ng Espiritu ng Diyos, sila ay mga anak ng Diyos. \v 15 Sapagkat hindi ninyo muling tinanggap ang espiritu ng pagkabihag upang matakot. Sa halip, natanggap natin ang espiritu ng pagkupkop, na kung saan sumisigaw tayo ng, "Abba, Ama!"

1
08/16.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 16 Ang Espiritu mismo ang nagpapatotoo kasama ang ating espiritu na tayo ay mga anak ng Diyos. \v 17 Kung tayo ay mga anak, mga tagapagmana rin tayo, mga tagapagmana ng Diyos. At kasama tayo ni Cristo bilang mga tagapagmana, kung tunay nga tayong magdusa kasama niya upang sa gayon maluwalhati rin tayo kasama niya.

1
08/18.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 18 Sapagkat itinuturing ko na ang mga pagdurusa sa panahong ito ay hindi karapat-dapat na ihalintulad sa kaluwalhatian na maihahayag sa atin. \v 19 Sapagkat ang nananabik na pag-asa ng mga nilikha ay naghihintay para sa paghahayag sa mga anak ng Diyos.

1
08/20.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 20 Sapagkat napasailalim sa pagkawalang-saysay ang mga nilikha, hindi sa sarili nitong kalooban, kundi sa kaniya na siyang nagpasailalim nito. Ito ay dahil sa tiyak na kasiguraduhan \v 21 na ang nilikha mismo ay maililigtas mula sa pagkaalipin hanggang sa pagkabulok at madadala ito sa kalayaan ng kaluwalhatian ng mga anak ng Diyos. \v 22 Sapagkat alam natin na magkasamang dumadaing at naghihirap sa sakit ang buong nilikha hanggang ngayon.

1
08/23.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 23 Hindi lamang iyan, ngunit maging tayo mismo, na nagtataglay ng mga unang bunga ng Espiritu—kahit tayo mismo ay dumadaing sa ating mga sarili, naghihintay para sa ating pagkakakupkop, ang pagkatubos ng ating katawan. \v 24 Sapagkat nailigtas tayo sa pamamagitan ng katiyakang ito. Ngunit hindi pa nakikita ang kinatitiyakan nating mangyayari, sapagkat sino ang may katiyakan na maghihintay sa nakita na niya? \v 25 Ngunit kung nakatitiyak tayo tungkol sa hindi pa natin nakikita, naghihintay tayo ng may pagtitiyaga para dito.

1
08/26.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 26 Sa ganoon paraan, tumutulong din ang Espiritu sa ating kahinaan. Sapagkat hindi natin alam kung paano tayo dapat manalangin, ngunit ang Espiritu mismo ang namamagitan sa atin ng mga daing na hindi maipahayag na mga daing. \v 27 Ang sumisiyasat ng mga puso ay alam ang kaisipan ng Espiritu, dahil namamagitan siya para sa mga mananampalataya ayon sa kalooban ng Diyos.

1
08/28.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 28 Nalalaman natin na sa mga nagmamahal sa Diyos, sa lahat ng bagay gumagawa siya para sa ikabubuti, ng mga tinawag ayon sa kaniyang layunin. \v 29 Dahil ang mga kilala na niya noong una pa man, ay itinalaga din niya na matulad sa imahe ng kaniyang Anak, upang siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid. \v 30 Ang kaniyang mga itinalaga, sila rin ang kaniyang mga tinawag. Ang kaniyang mga tinawag, sila rin ang kaniyang mga pinawalang-sala. Ang kaniyang mga pinawalang-sala, kaniya ring niluwalhati.

1
08/31.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 31 Ano ngayon ang sasabihin natin sa mga bagay na ito? Kung ang Diyos ay para sa atin, sino ang laban sa atin? \v 32 Siya na hindi ipinagkait ang kaniyang sariling Anak ngunit ibinigay niya para sa ating lahat, paanong hindi niya rin ibibigay sa atin ng libre ang lahat ng bagay?

1
08/33.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 33 Sino ang magpaparatang laban sa mga pinili ng Diyos? Ang Diyos ang siyang nagpapawalang-sala. \v 34 Sino ang hahatol? Si Cristo na siyang namatay para sa atin at higit pa roon, binuhay din siyang muli. Naghahari siya kasama ang Diyos sa lugar ng karangalan at siya ang namamagitan para sa atin.

Some files were not shown because too many files have changed in this diff Show More