Thu Jan 19 2023 18:53:26 GMT+0800 (Philippine Standard Time)

This commit is contained in:
Edwindon 2023-01-19 18:53:30 +08:00
commit 7918b80f92
81 changed files with 147 additions and 0 deletions

1
01/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Ako si Pablo, isang lingkod ni Jesu Cristo. Tinawag niya akong maging apostol at tinalaga para sa ebanghelyo ng Diyos. \v 2 Ang ebanghelyong ito ay ipinangako na noon pa sa pamamagitan ng mga propeta ayon sa banal na kasulatan. \v 3 Tungkol ito sa kanyang Anak na nagmula sa lahi ni David ayon sa laman.

1
01/04.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 4 Ipinahayag siya bilang Anak ng Diyos sa kapangyarihan ayon sa Espiritu ng kabanalan, sa pamamagitan ng kanyang pagbangon mula sa kamatayan, si Jesu Cristo, ang ating Panginoon. \v 5 Sa pamamagitan niya, tumanggap tayo ng biyaya at tawag ng pagiging apostol para dalhin ang pagsunod ng pananampalataya para sa kapakanan ng kanyang pangalan sa lahat ng mga bansa. \v 6 Kasama rin kayo na mga tinawag para mapabilang kay Jesu Cristo.

1
01/07.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 7 Sa lahat ng mga taga-Roma na minahal ng Diyos at tinawag upang maging mga banal, sumainyo ang biyaya at kapayapaan mula sa ating Diyos Ama at ng Panginoong Jesu Cristo.

1
01/08.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 8 Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa aking Diyos sa pamamagitan ni Jesu Cristo dahil sa inyong lahat dahil nakilala ang inyong pananampalataya sa buong mundo. \v 9 Saksi ko ang Diyos na pinaglilingkuran ng aking espiritu ayon sa ebanghelyo ng kanyang Anak. Hindi ko tinigilang sabihin kayo sa kanya, \v 10 palagi sa aking mga panalangin. Lagi kong hinihiling, kung kalooban ng Diyos, na matuloy akong makarating sa inyo.

1
01/11.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 11 Gustong-gusto ko kayong makita para makapagbahagi ako sa inyo ng ilang mga espirituwal na kaloob para kayo ay lumakas. \v 12 Sa ganitong paraan, mapalakas natin ang isa't isa dahil sa ating pananampalataya, sa inyo at sa akin.

1
01/13.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 13 Mga kapatid, gusto kong malaman ninyo na ilang beses kong sinubukang makarating sa inyo pero laging hindi ako natutuloy. Gusto ko sanang umani ng bunga mula sa inyo pati na sa inyong naninirahan kasama ng mga Gentil. \v 14 May pananagutan ako sa mga Griyego at sa barbaro, sa mga marurunong at sa mga mangmang. \v 15 Ninanais kong ipahayag ang ebanghelyo sa inyong mga taga-Roma.

1
01/16.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 16 Hindi ko ikinakahiya ang ebanghelyo dahil ito ang kapangyarahin ng Diyos na ikaliligtas ng lahat ng sinumang sumamasampalataya, sa mga Judio muna at maging sa mga Griyego. \v 17 Sa pamamagitan nito, naipapahayag ang katuwiran ng Diyos mula pananampalataya hanggang sa pananampalataya. Gaya ng nasusulat, "Mabubuhay ang mga matuwid ayon sa kanilang pananampalataya."

1
01/18.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 18 Ipinapahayag ang poot ng Diyos mula sa langit laban sa lahat ng kawalan ng tiwala sa Diyos at kasamaan ng tao. Dahil sa kanilang kasamaan, nagiging hadlang ito sa katotohanan. \v 19 Maliwanag sa kanila ang lahat ng bagay na kailangang malaman tungkol sa Diyos dahil pinakita ito ng Diyos sa kanila.

1
01/20.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 20 Malinaw na ipinaunawa sa kanila ng Diyos ang kanyang mga katangiang hindi nakikita tulad ng kanyang walang hanggang kapangyarihan at pagka-Diyos. Nakikita na ang mga katangiang ito mula pa sa paglilikha ng mundo sa lahat ng bagay na kanyang nilikha. Kaya walang pwedeng maidahilan ang mga tao. \v 21 Kahit kilala ng tao ang Diyos, hindi nila ginalang ang Diyos o nagpasalamat man lang sa kanya. Sa halip, itinuon nila ang kanilang isip sa mga bagay na walang saysay at nagdilim ang kanilang mga hangal na puso.

1
01/22.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 22 Sa pagnanais nilang maging matalino, sila'y naging mga hangal. \v 23 Ipinagpalit nila ang kaluwalhatian ng Diyos na nabubuhay magpakailanman para sa mga imahe ng mga nilikhang namamatay gaya ng tao, mga ibon, mga hayop, at mga hayop na gumagapang.

1
01/24.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 24 Dahil dito, ibinigay sila ng Diyos sa pagnanasa ng kanilang mga puso, sa karumihan, para hindi nila galangin ang kani-kanilang mga katawan. \v 25 Ipinagpalit nila ang katotohan ng Diyos para sa kasinungalingan. Sinamba din nila at pinaglingkuran ang mga bagay na nilikha kaysa sa kanya na Lumikha, na pinupuri magpakailanman. Amen.

1
01/26.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 26 Dahil dito, ibinigay sila ng Diyos sa mga mahahalay na pagnanasa. Pinagnasahan ng kanilang mga kababaihan ang mga ugnayang hindi likas na ginagawa. \v 27 Gayundin ang ginawa ng mga kalalakihan. Iniwan nila ang likas na ugnayan sa mga kababaihan dahil sa labis na pagnanasa nila sa kapwa lalaki. Hindi na nahiya ang mga lalaking ito sa mga mahahalay na ugnayan sa kapwa lalaki. Kaya tinanggap nila ang mabigat na parusa ng kanilang pagkakamali.

1
01/28.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 28 Dahil ayaw nilang kilalanin ang Diyos, ibinigay sila ng Diyos sa mga baluktot nilang pag-iisip para gawin nila ang mga bagay na hindi nararapat.

1
01/29.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 29 Napuno sila ng lahat ng gawaing malayo sa katuwiran, kasamaan, kasakiman, at kahalayan. Punung-puno sila ng inggit, pagpatay, pagkahati-hati, pandaraya, at masamang hangarin. \v 30 Sila ay mga tsismoso, mga galit sa Diyos, matitigas ang ulo, mayayabang, mapagmataas, pinagmumulan ng kasamaan, suwail sa mga magulang, \v 31 mga hangal, hindi nagtatapat, walang puso, at walang awa.

1
01/32.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 32 Nalalaman nila na dapat parusahan ng kamatayan ang sinumang nagsasagawa nito ayon sa matuwid na tuntunin ng Diyos. Hindi lang nila ginagawa ang mga ito, sinasang-ayunan din nila ang mga nagsasagawa rin ng mga ito.

1
02/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Kaya ikaw tao, wala kang maidadahilan kung hinahatulan mo ang iba. Sa paghatol mo sa iba, hinahatulan mo rin ang iyong sarili dahil ikaw na humahatol sa iba ay nagsasagawa rin ng mga ganitong gawain. \v 2 Nalalaman natin na ang hinahatulan ng Diyos nang may katuwiran ang mga taong nagsasagawa ng mga bagay na iyan.

1
02/03.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 3 Ikaw tao, inaakala mo bang matatakasan mo ang hatol ng Diyos kung hahatulan mo ang mga nagsasagawa ng ganung bagay pero ginagawa mo rin iyon? \v 4 O baka inaakala ninyo na paiiralin lagi ng Diyos ang yaman ng kanyang kabutihan at pagtitiis? Hindi mo ba alam na ang kabutihan ng Diyos ay daan para kayo ay magsisi?

1
02/05.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 5 Pero dahil sa inyong katigasan ng puso at ayaw ninyong magsisi, nagiipon kayo ng galit para sa inyong sarili na maipapahayag ng Diyos ang kanyang matuwid na paghatol sa araw ng kanyang poot. \v 6 Ibibigay ng Diyos ang nararapat sa bawat isa ayon sa kanilang mga ginawa. \v 7 Sa kanilang mga nagtiis na gawin ang mabubuting bagay, hangad ang kaluwalhatian, karangalan, at buhay kailanman, ibibigay ng Diyos sa kanila ang buhay na walang hanggan.

1
02/08.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 8 Ngunit sa mga taong makasarili at sa mga taong hindi sumusunod sa katotohanan kundi sumusunod sa kasamaan, tatanggapin nila ang galit at poot ng Diyos. \v 9 Dadanas ng pag-uusig at kahirapan ang lahat ng taong gumagawa ng masama, una sa mga Judio ay gayon din sa mga Griyego.

1
02/10.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 10 Subalit ipagkakaloob niya ang kaluwalhatian, karangalan, at kapayapaan sa lahat ng mga taong gumagawa ng mabuti, una sa mga Judio at gayon din sa mga Griyego. \v 11 Sapagkat walang pinapanigan ang Diyos. \v 12 Ang lahat ng nagkasala na walang kautusan ay mamamatay rin nang walang kautusan. Ang lahat ng nagkasala sa ilalim ng kautusan ay hahatulan din ayon sa kautusan.

1
02/13.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 13 Hindi itinuturing ng Diyos na matuwid sa kanyang harapan ang mga tagapakinig lang ng kautusan kundi itinuturing nyang matuwid ang mga nagsasagawa ng kautusan. \v 14 Kung isinasagawa ng mga Gentil ang mga panuntunan ng kautusan kahit na wala sila sa ilalim ng kautusan, para na ring kautusan sa kanila ang kanilang mga gawa.

1
02/15.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 15 Pinapakita ng kanilang mga gawa na nakasulat ang kautusan sa kanilang mga puso habang nagsisilbing saksi ang kanilang mga konsensya. Kaya maaari silang paratangan o ipagtanggol ng kanilang isipan. \v 16 Magaganap ito ayon sa aking ebanghelyo sa araw na hahatulan ng Diyos ang mga lihim ng tao sa pamamagitan ni Jesu Cristo.

1
02/17.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 17 Kung tinatawag mo ang sarili mo na Judio at umaasa sa kautusan at nagmamalaki sa Diyos, \v 18 at inaangkin mong alam ang kanyang kalooban at sinasang-ayunan mo ang pinakamahusay dahil sa naturuan ka ng kautusan, \v 19 at kung nakatitiyak mong isa kang gabay sa mga hindi makakita, isang liwanag para sa kanilang nasa kadiliman, \v 20 pinapayuhan ang mga hangal, guro ng mga bata, tumatayo bilang tagapagdala ng kaalaman at katotohanan ayon sa kautusan.

1
02/21.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 21 Ikaw na nagtuturo sa iba, hindi mo rin ba tinuturuan ang iyong sarili? Kung nangangaral ka na huwag magnakaw, hindi ba't nagnanakaw ka rin? \v 22 Ikaw na nagsasabing huwag silang mangangalunya, hindi ba't nangangalunya ka rin? Ikaw na namumuhi sa mga diyus-diyosan, hindi ba't ninanakawan mo rin ang mga templo?

1
02/23.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 23 Pinagmamalaki mo ang kautusan pero hindi mo rin ginagalang ang Diyos sa tuwing nilalabag mo ang kautusan. \v 24 Sapagkat nasusulat, "Nilalapastangan ng mga Gentil ang pangalan ng Diyos dahil sa inyo."

1
02/25.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 25 Magkakaroon lang ng saysay ang pagtutuli kung sinusunod ninyo ang kautusan. Pero kung nilalabag ninyo ang kautusan, para ka na ring hindi nagpatuli kahit tuli ka. \v 26 Kung sinusunod ng isang taong hindi tuli ang kautusan, hindi ba dapat ituring din siyang tuli kahit hindi pa siya nagpatuli? \v 27 Kaya maaari paratangan ng isang taong hindi tuli na nagsasagawa ng kautusan kayong mga tuli pero lumalabag sa kautusan sa pamamagitan ng nakasulat na kautusan.

1
02/28.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 28 Walang maituturing na Judio batay lang sa panlabas at walang pagtutuli na batay lang sa panlabas at sa laman. \v 29 Ngunit sa kanya na Judio sa kalooban at pagtutuli batay sa nilalaman ng kanyang puso, sa pamamagitan ng Espiritu at hindi sa nakasulat sa takda, makakatanggap siya ng papuri mula sa Diyos at hindi sa tao.

1
03/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Ano ngayon ang pagkalamang ng isang Judio? Ano ba ang halaga ng pagtutuli? \v 2 Nakalalamang sila sa maraming bagay. Una sa lahat, sa mga Judio ipinagkatiwala ng Diyos ang kanyang mga pahayag.

1
03/03.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 3 Paano kung hindi naging tapat ang ilan sa kanila? Mawawalan ba ng bisa ang katapatan ng Diyos dahil hindi naging tapat ang ilan sa kanila? \v 4 Hindi maaari! Kahit maging sinungaling ang lahat ng tao, mananatiling tapat pa rin ang Diyos. Gaya ng nasusulat, "Upang makitang matuwid ka sa iyong mga salita, at magtagumpay ka kung ika'y hahatulan."

1
03/05.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 5 Anong masasabi natin kung mas nakikita ang katuwiran ng Diyos dahil sa ating mga kasamaan? Nagiging masama ba ang Diyos dahil ibinubuhos niya ang kanyang poot sa atin? Sinasabi ko ito sa pananalita ng tao. \v 6 Hindi maaari! Paano pa hahatulan ng Diyos ang mundo?

1
03/07.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 7 Kung sa pagsisinungalig ko, dinadakila ang Diyos sa kanyang katotohanan, bakit hinahatulan pa rin ako na makasalanan? \v 8 Bakit hindi sabihin, sa ganitong paraan, gaya ng sinasabi ng ilang mga naninira sa amin, "Gumawa tayo ng masama para dumating ang kabutihan?" Patunay na matuwid ang paghahatol sa kanila.

1
03/09.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 9 Ano ngayon? Mas nakakalamang ba kaming mga Judio kaysa sa kanila? Hindi sa anumang bagay. Napatunayan na natin na ang lahat ay nasa ilalim ng kasalanan, Judio man o Griyego. \v 10 Ayon sa nasusulat, "Walang matuwid, wala kahit isa."

1
03/11.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 11 Walang nakakaintindi. Walang humahanap sa Diyos. \v 12 Nagsilayo silang lahat. Nawalan silang lahat ng halaga. Walang gumagawa ng mabuti sa kanila, wala kahit isa.

1
03/13.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 13 Parang mga bukas na libingan ang mga lalamunan nila. Nagsasalita ng panlilinglang ang kanilang mga dila. Puno ng kamandag ng ahas ang kanilang mga labi. \v 14 Ang mga bibig nila'y puno ng pagmumura at kapaitan.

1
03/15.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 16

1
04/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Ano ngayon ang pakinabang ng laman sa ating ninunong si Abraham? \v 2 Kung itinuring na matuwid si Abraham sa pamamagitan ng gawa, magkakaroon siya ng dahilan para magmalaki sa iba pero hindi sa harapan ng Diyos. \v 3 Anong sinabi ng banal na kasulatan? "Naniwala si Abraham sa Diyos at ibinilang ito sa kanya bilang katuwiran."

1
04/04.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 4 Tatanggap ng sahod ang isang taong gumagawa bilang kabayaran sa kanya, pero hindi ang kaloob. \v 5 Sa kanyang hindi gumagawa kundi sumasampalataya sa kanya, na itinuturing na matuwid ang mga hindi makadiyos, maituturing din siyang matuwid ayon sa kanyang pananampalataya.

1
04/06.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 6 Gayundin ang sinabi ni David tungkol sa pagpapalang ibinibigay ng Diyos sa taong itinuring na matuwid na hindi sa pamamagitan ng mga gawa. \v 7 Sinabi ni David, "Mapalad ang mga taong pinatawad sa mga gawa ng kasamaan, sa kanila na tinakpan ang mga kasalanan. \v 8 Mapalad ang taong hindi binibilang ng Panginoon ang kanyang mga kasalanan.

1
04/09.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 9 Ang pagpapalang ito ay para lang ba sa mga tuli o para din sa mga hindi tuli? Sinasabi natin na ibinilang ang pananampalataya ni Abraham bilang katuwiran. \v 10 Kailan ito napabilang sa kanya? Bago ba siya tuliin o pagkatapos siya tuliin? Nangyari ito bago pa siya tuliin, hindi pagkatapos ng pagtutuli.

1
04/11.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 11 Tinanggap ni Abraham ang tanda ng pagtutuli bilang tatak ng kanyang katuwiran kung saan sumampalataya siya nung hindi pa siya tuli. Ang layunin nito ay para si Abraham ang maging ama ng lahat ng sumasampalataya kahit hindi pa sila tuli. Sa gayon, mapapabilang din sa kanila ang katuwiran. \v 12 Siya ang nagiging ama ng mga tuli, hindi lang dahil sa pagtutuli, kundi sa pagsunod sa yapak ng pananampalataya ng ating amang si Abraham noong hindi pa siya tuli.

1
04/13.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 13 Dumating ang pangako kay Abraham at sa kanyang anak para siya ang maging tagapagmana ng mundo. Pero hindi ito dumating sa pamamagitan ng kautusan kundi ayon sa katuwiran ng pananampalataya. \v 14 Kung ang mga tumutupad sa kautusan ang ituturing bilang tagapagmana, mawawalan ng bisa ang pananampalataya at mawawalan ng saysay ang pangako. \v 15 Sapagkat nagdudulot ng galit ang kautusan pero walang pagkakasala kung walang kautusang nakatakda.

1
04/16.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 16 Sa gayon, dumating ang pangako sa pamamagitan ng pananampalataya ayon sa biyaya. Tiyak itong tatanggapin ng kanyang mga anak para sa mga tumutupad sa kautusan maging sa kanilang may pananampalatayang tulad ng kay Abraham, na siyang ama nating lahat. \v 17 Ayon sa nasusulat, "Ginawa kitang ama ng maraming mga bansa." Si Abraham ay nasa harapan ng Diyos na kanyang pinaniwalaan at nagbibigay buhay sa patay. Nagsasalita ang Diyos at nililikha ang mga bagay na hindi pa nalilikha.

1
04/18.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 18 Naniwala siya at umasa siya kahit walang pag-asa. Kaya siya ang naging ama ng maraming bansa ayon sa sinabi, "Magiging katulad mo rin ang iyong mga anak." \v 19 Hindi siya nanghina sa pananampalataya kahit na halos isangdaang taon na si Abraham at maituturing na ring patay ang kalagayan ng kanyang katawan. Gayundin ang masasabi tungkol sa kalagayan ng sinapupunan ni Sarah na hindi makapanganak.

1
04/20.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 20 Walang anumang pag-aalinlangan ang nagpahina sa kanya para angkinin ang pangako ng Diyos. Sa halip, lalong lumakas ang kanyang pananampalataya at binigyang papuri ang Diyos. \v 21 Lubos ang kanyang katiyakan na kayang tuparin ng Diyos ang kanyang pinangako. \v 22 Kaya ibinilang na katuwiran ang kanyang pananampalataya.

1
04/23.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 24

1
05/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Yamang itinuring tayong matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya, nagkaroon tayo ng kapayapaan sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu Cristo. \v 2 Sa pamamagitan niya, pinayagan tayong makalapit sa Diyos sa pananampalataya ayon sa biyayang ating pinaninindigan. Nagagalak tayo sa pag-asa ng kaluwalhatian ng Diyos.

1
05/03.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 3 Hindi lamang iyan, nagagalak din tayo sa gitna ng mga pagsubok dahil alam nating ang pagsubok ay nagbubunga ng pagtitiis. \v 4 Ang pagtitiis ay nagbubunga ng pag-uugali, at ang pag-uugali ng pag-asa. \v 5 Hindi tayo binibigo ng pag-asang ito dahil ibinuhos ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa mga puso natin sa pamamagitan ng Banal na Espiritung ibinigay niya sa atin.

1
05/06.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 6 Noong tayo'y mahina pa, namatay si Cristo sa takdang panahon para sa mga hind makadiyos. \v 7 Bibihirang may taong mamatay para sa isang taong matuwid. Maari din namang may taong mamatay para sa isang mabuting tao.

1
05/08.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 8 Ngunit pinatunayan ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin, namatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa. \v 9 Ngayong tayo'y pinawalang-sala ng kanyang dugo, lalo tayong nakasisigurong ililigtas niya tayo mula sa poot ng Diyos.

1
05/10.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 10 Noong tayo'y mga kaaway niya, nakipagkasundo tayo sa Diyos sa pamamagitan ng kamatayan ng kanyang Anak. Ngayong tayo'y nakipagkasundo sa kanya, higit tayong nakatitiyak na ililigtas tayo sa buhay na ito. \v 11 Dagdag pa dito, nagagalak din tayo sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu Cristo. Tumanggap tayo ng pakikipagkasundo sa pamamagitan niya.

1
05/12.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 12 Kung paanong nakapasok sa mundo ang kasalanan sa pamamagitan ng isang tao, ang kamatayan sa pamamagitan ng kasalanan, gayundin napasailalim sa kamatayan ang lahat ng taong nagkasala. \v 13 Bago pa ibinigay ang kautusan, nasa ilalim na ng kasalanan ang mundo. Ngunit hindi maituturing na kasalanan ang isang paggawa kung walang nagtatakdang kautusan.

1
05/14.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 14 Ngunit naghari ang kamatayan mula kay Adan hanggang kay Moises, kasama pati ang mga taong nagkasala hindi man katulad nito sa pagsuway kay Adan. Si Adan ay naglalarawan sa isang tao na paparating. \v 15 Ang kaloob ay hindi katulad ng pagsuway. Kung marami ang namatay sa pamamagitan ng isang pagsuway, mas nakakahigit dito ang biyaya ng Diyos. Dahil sa kaloob ng isang tao si Jesu Cristo, marami ang makatatanggap ng kanyang biyaya.

1
05/16.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 16 Ang kaloob na ito ng Diyos ay hindi nagbubunga gaya sa pagkakasala ng isang tao. Dahil sa pagsuway ng isang tao, ang naging hatol ay kaparusahan, ngunit ang kaloob ay nagdulot ng pagpapawalang-sala sa maraming nagawang kasalanan. \v 17 Kung naghari ang kamatayan sa isang tao dahil sa kanyang pagsuway, higit na tatanggapin nila ang masaganang biyaya at maghahari sa kanila ang kaloob ng katuwiran sa pamamagitan ng isang tao, si Jesu Cristo.

1
05/18.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 18 Kung ang pagsuway ng isang tao ay nagbunga ng kaparusahan sa lahat ng tao, ang matuwid na paggawa ng isang tao ay nagbunga ng pagpapawalang-sala at buhay para sa lahat ng tao. \v 19 Kung sa pagsuway ng isang tao ay naging makasalanan ang marami, marami ang ituturing na matuwid dahil sa pagsunod ng isang tao, .

1
05/20.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 20 Nung dumating ang kautusan, lalong dumami ang pagsuway. Ngunit kung nanagana ang kasalanan, higit na nanagana ang biyaya. \v 21 Kung paanong naghari ang kasalanan sa kamatayan, naghari din ang biyaya ng katuwiran tungo sa buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesu Cristo na ating Panginoon.

1
06/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Ano ngayon ang masasabi natin? Dapat ba tayong magpatuloy sa kasalanan para sumagana ang biyaya? \v 2 Hindi maaari! Kung namatay na tayo sa kasalanan, bakit pa natin ipinapamuhay ito? \v 3 Hindi niyo ba alam na tayong mga nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nabautismuhan din sa kanyang kamatayan?

1
06/04.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 4 Inilibing din tayong kasama niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan. Kung paanong si Cristo ay bumangon mula sa mga patay at nagtungo sa kaluwalhatian ng Ama, tayo rin ay makakapamuhay ng bagong buhay. \v 5 Kung tayo ay nakipag-isa sa kanya, tulad ng sa kanyang kamatayan, makikipag-isa rin tayo sa kanyang pagkabuhay na muli.

1
06/06.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 6 Alam natin na ang lumang pagkatao ay kasama niyang ipinako sa krus para maalis din ang katawan ng kasalanan at para hindi na tayo maging alipin ng kasalanan. \v 7 Ang sinumang namatay na ay pinawalang-sala na sa kasalanan.

1
06/08.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 8 Ngunit kung namatay tayo kasama ni Cristo, naniniwala tayong mabubuhay ding kasama niya. \v 9 Alam natin na si Cristo ay binuhay na muli mula sa mga patay at hindi na siya mamamatay kailanman. Wala nang kapangyarihan ang kamatayan sa kanya.

1
06/10.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 10 Sapagkat namatay siya ng kamatayan para sa kasalanan, minsanan para sa lahat. Ngunit ang buhay na ipinapamuhay niya ay para sa Diyos. \v 11 Kaya dapat niyo ring ituring na patay ang inyong mga sarili pero nabubuhay para sa Diyos kay Cristo Jesus.

1
06/12.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 12 Kaya huwag ninyong papayagang maghari ang kasalanan sa inyong mortal na katawan para hindi ninyo sinusunod ang mga pagnanasa nito. \v 13 Huwag ninyong ipagamit ang mga bahagi ng inyong katawan sa kasalanan para maging kasangkapan ng kasamaan. Kundi ipagkaloob ninyo ang inyong sarili sa Diyos na nabuhay mula sa kamatayan at ang mga bahagi ng inyong katawan bilang kasangkapan para sa katuwiran ng Diyos. \v 14 Hindi na dapat maghari ang kasalanan sa inyo dahil wala na kayo sa ilalim ng kautusan kundi sa ilalim ng biyaya.

1
06/15.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 15 Ano ngayon? Dapat ba tayong magkasala dahil wala na tayo sa ilalim ng kautusan kundi sa ilalim ng biyaya? Hindi maaari! \v 16 Hindi ba ninyo alam na ang isang taong masunod na pinapaalipin ang kanyang sarili sa iba ay alipin sa nag-uutos sa kanya? Nangyayari ito kung ikaw man ay alipin ng kasalanan na nagdudulot ng kamatayan o alipin ng pagsunod na nagdudulot ng katuwiran.

1
06/17.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 17 Ngunit salamat sa Diyos na kahit kayo ay alipin ng kasalanan noon, sinunod ninyo ng buong puso ang turong ipinagkatiwala sa inyo. \v 18 Pinalaya kayo sa kasalanan at naging alipin kayo ng katuwiran.

1
06/19.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 19 Nagsasalita ako sa pananalita na madaling maintindihan ng tao dahil sa kahinaan ng inyong laman. Kung paano ninyo pinagamit noon ang inyong mga katawan bilang alipin ng kasamaan sa iba't ibang uri ng kasalanan, sa ganung paraan niyo rin gamitin ang bahagi ng inyong mga katawan ngayong kayo ay mga lingkod ng katuwiran at kabanalan. \v 20 Nung kayo ay mga alipin pa sa kasalanan, hindi kayo sakop ng katuwiran. \v 21 Ngunit anong naging pakinabang sa inyo ng mga bagay na itong ikinakahiya ninyo ngayon? Hahantong rin ito sa kamatayan sa huli.

1
06/22.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 22 Ngayong kayo ay pinalaya sa kasalanan at naging mga alipin ng Diyos, magbubunga kayo ng kabanalan at hahantong sa buhay na walang hanggan. \v 23 Sapagkat ang bayad sa kasalanan ay kamatayan pero ang kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na ating Panginoon.

1
07/01.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 1 Mga kapatid, hindi niyo ba alam na may kapangyarihan ang kautusan sa isang tao habang siya'y nabubuhay? Nagsasalita ako bilang isang taong bihasa sa kautusan.

1
07/02.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 2 Ayon sa batas ng pag-aasawa, mananatili ang asawang babae sa kanyang asawang lalaki habang sila'y nabubuhay. Sakaling mamatay man ang asawang lalaki, ang babae ay malaya na sa kasal sa kanyang asawang lalaki ayon sa batas ng pag-aasawa. \v 3 Ngunit tatawaging nangangalunya ang isang babae kung sasama siya sa ibang lalaki habang nabubuhay pa ang kanyang asawang lalaki. Kung mamatay na ang kanyang asawang lalaki, hindi na siya sakop ng batas ng kasalan. Kaya kung magpakasal siya sa ibang lalaki, hindi siya nangangalunya.

1
07/04.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 4 Kaya mga kapatid, namatay din kayo sa kautusan sa pamamagitan ng katawan ni Cristo. At naging kabahagi tayo sa kanyang pagkabuhay niyang muli para makapamunga tayo para sa Diyos. \v 5 Nung namumuhay pa tayo noon ayon sa laman, ang pagnanasa natin sa kasalanan na kumikilos sa mga bahagi ng ating katawan, ayon sa kautusan, ay magbubunga ng kamatayan.

1
07/06.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 6 Ngayong pinalaya na tayo sa kautusan, namatay din tayo sa dati nating pinaglilingkuran para makapaglingkod tayo sa panibagong buhay ayon sa Espiritu at hindi sa lumang paraan ng nasusulat.

1
07/07.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 7 Ano ngayon ang sabihin natin? Ang kautusan ba ay kasalanan? Hindi maaari! Hindi ko malalaman ang kasalanan kung hindi rin dahil sa kautusan. Hindi ko malalaman ang pagnanasa kung hindi rin sinabi ng kautusan, "Huwag kang magnanasa." \v 8 Ngunit nagkaroon ng pagkakataon ang kasalanan sa pamamagitan ng batas, na nagdulot sa akin ng lahat ng uri ng masamang pagnanasa. Sapagkat kung walang kautusan, patay ang kasalanan.

1
07/09.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 9 Nabubuhay ako noong wala sa ilalim ng kautusan pero nung dumating ang batas, nabuhay din ang kasalanan at ako'y namatay. \v 10 Nalaman ko na ang batas na dapat magbigay ng buhay ang naging sanhi ng aking pagkamatay.

1
07/11.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 11 Nakahanap ng pagkakataon ang kasalanan sa pamamagitan ng batas kaya dinaya ako nito at pinatay. \v 12 Kaya ang kautusan ay banal, ang batas ay banal, matuwid, at mabuti.

1
07/13.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 13 Ang mabuting bagay pa ba ang nagdala pa sa akin sa kamatayan? Hindi maaari! Kasalanan ang ang nagdulot sa akin ng kamatayan sa pamamagitan ng mabuting bagay para mahayag na ang kasalanan ay makasalanan. Sa pamamagitan ng kautusan, hindi masusukat ang tindi ng kasalanan. \v 14 Alam natin na ang kautusan ay espirituwal ngunit ako ay namumuhay sa laman at ipinagbili akong alipin sa kasalanan.

1
07/15.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 15 Hindi ko maintindihan ang aking ginagawa. Hindi ko magawa ang gusto kong gawin pero kung ano pang ayaw kong gawin, yun ang nagagawa ko. \v 16 Kung nagagawa ko ang hindi ko gusto, patunay nito na mabuti ang kautusan.

1
07/17.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 17 Kaya hindi na ako ang gumagawa nito kundi ang kasalanang nananahan sa akin. \v 18 Sapagkat alam kong walang mabuting nabubuhay sa akin, sa aking laman. Gusto kong gawin ang mabuti pero wala akong kakayanang gawin ito.

1
07/19.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 19 Hindi ko magawa ang mabuti na gusto kong gawin pero nagagawa ko ang masama na hindi ko gusto. \v 20 Kaya kung nagagawa ko kung anong hindi ko gusto, hindi ako ang gumagawa nito kundi ang kasalanang nananahan sa akin. \v 21 Kaya natagpuan ko ang pagkilos ng kautusan: kahit na gusto kong gawin ang mabuti, nariyan lang sa tabi ko ang masama.

1
07/22.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 22 Nagagalak ako sa kautusan ng Diyos sa aking kalooban. \v 23 Ngunit nakikita kong may naiibang batas na kumikilos sa bahagi ng katawan ko. Kinakalaban nito ang kautusan sa aking isipan at ginagawa akong alipin ng batas ng kasalanan na nananahan sa mga bahagi ng katawan ko.

1
07/24.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
\v 24 Kawawa naman akong tao! Sino ang makapagliligtas sa akin sa katawang ito ng kamatayan? \v 25 Salamat sa Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus, ang ating Panginoon. Dahil dito, nagagawa kong paglingkuran ang kautusan ng Diyos sa aking isipan ngunit napaglilingkuran ng laman ko ang batas ng kasalanan.

39
LICENSE.md Normal file
View File

@ -0,0 +1,39 @@
## Creative Commons Attribution-ShareAlike 4.0 International
### Human-Readable Summary
The Creative Commons Attribution-Share Alike 4.0 International License is available at
http://creativecommons.org/licenses/by-sa/4.0/.
#### This is a human-readable summary of (and not a substitute for) the License.
### You are free to:
* **Share** — copy and redistribute the material in any medium or format.
* **Adapt** — remix, transform, and build upon the material for any purpose, even commercially.
The licensor cannot revoke these freedoms as long as you follow the license terms.
### Under the following terms:
* **Attribution** —You must give appropriate credit, provide a link to the license, and indicate if changes were made. You may do so in any reasonable manner, but not in any way that suggests the licensor endorses you or your use.
* **ShareAlike** — If you remix, transform, or build upon the material, you must distribute your contributions under the same license as the original.
* **No additional restrictions** — You may not apply legal terms or technological measures that legally restrict others from doing anything the license permits.
### Notices:
* You do not have to comply with the license for elements of the material in the public domain or where your use is permitted by an applicable exception or limitation.
* No warranties are given. The license may not give you all of the permissions necessary for your intended use. For example, other rights such as publicity, privacy, or moral rights may limit how you use the material.
This PDF was generated using Prince (https://www.princexml.com/).

1
front/title.txt Normal file
View File

@ -0,0 +1 @@
Romans

29
manifest.json Normal file
View File

@ -0,0 +1,29 @@
{
"package_version": 6,
"format": "usfm",
"generator": {
"name": "ts-desktop",
"build": "83"
},
"target_language": {
"id": "tl",
"name": "Wikang Tagalog",
"direction": "ltr"
},
"project": {
"id": "rom",
"name": "Romans"
},
"type": {
"id": "text",
"name": "Text"
},
"resource": {
"id": "reg",
"name": "Regular"
},
"source_translations": [],
"parent_draft": {},
"translators": [],
"finished_chunks": []
}