1 line
468 B
Plaintext
1 line
468 B
Plaintext
\v 4 Ilang dayuhan ang nagsimulang magkampo kasama ang mga kaapu-apuhan ng Israel. Gusto nilang kumain ng masasarap na pagkain. Pagkatapos nagsimulang umiyak ang mga tao ng Israel at sinabi, "Sino ang magbibigay sa atin ng karne na kakainin? \v 5 Naaalala namin ang isda na kinain namin nang libre sa Ehipto, ang mga pipino, mga pakwan, mga dahon ng sibuyas o lasuna, ang mga sibuyas, at bawang. \v 6 Ngayon nanghihina kami. Wala kaming makitang makakain kundi manna." |