fil_num_text_ulb/34/13.txt

1 line
686 B
Plaintext

\v 13 Pagkatapos, inutusan ni Moises ang mga tao ng Israel at sinabi, "Ito ang lupaing matatanggap ninyo sa pamamagitan ng palabunutan, na ipinangako ni Yahweh na ibibigay sa siyam na tribu at sa kalahating tribu. \v 14 Ang tribu ng kaapu-apuhan ni Ruben, alinsunod sa itinakdang ari-arian sa tribu ng kanilang mga ninuno, at sa tribu ng mga kaapu-apuhan ni Gad, alinsunod sa itinakdang ari-arian sa mga tribu ng kanilang mga ninuno, at sa kalahati ng tribu ni Manases ay natanggap ang lahat ng kanilang mga lupain. \v 15 Ang dalawang tribu at ang kalahating tribu ay nakatanggap ng kanilang bahagi sa lupain sa ibayo ng Jordan sa silangang Jerico, patungo sa harap sa sikatan ng araw."