fil_num_text_ulb/27/12.txt

1 line
544 B
Plaintext

\v 12 Sinabi ni Yahweh kay Moises, "Akyatin mo ang mga bundok ng Abarim at tingnan ang lupain na ibinigay ko sa mga tao ng Israel. \v 13 Pagkatapos mong makita ito, ikaw din ay dapat maitipon sa iyong mga tao, tulad ng iyong kapatid na si Aaron. \v 14 Mangyayari ito sapagkat kayong dalawa ay naghimagsik laban sa aking utos sa ilang ng Sin. Nang umapaw ang tubig mula sa bato roon, dahil sa iyong galit, nabigo kang igalang ako bilang isang banal sa harap ng mga mata ng buong sambayanan." Ito ang mga tubig sa Meriba ng Kades sa ilang ng Sin.