fil_num_text_ulb/20/22.txt

1 line
417 B
Plaintext

\v 22 Kaya naglakbay ang mga tao mula Kades. Ang mga tao ng Israel, ang buong sambayanan ay dumating sa Bundok Hor. \v 23 Nagsalita si Yahweh kina Moises at Aaron sa Bundok Hor, sa hangganan ng Edom. Sinabi niya, \v 24 "Dapat maitipon si Aaron sa kaniyang mga tao, sapagkat hindi siya papasok sa lupain na ibinibigay ko sa mga tao ng Israel. Ito ay dahil lumabag kayong dalawa sa aking salita sa mga tubig ng Meribah.