fil_num_text_ulb/11/33.txt

1 line
382 B
Plaintext

\v 33 Habang nasa pagitan pa ng kanilang ngipin ang karne, habang nginunguya nila ito, nagalit si Yahweh sa kanila. Pinadalhan niya ang mga tao ng isang napakatinding sakit. \v 34 Pinangalanan ang lugar na iyon na Kibrot-hataava dahil doon nila inilibing ang mga taong nanabik sa karne. \v 35 Mula sa Kibrot-hataava, naglakbay ang mga tao patungong Hazerot, kung saan sila nanatili.