fil_num_text_ulb/11/24.txt

1 line
435 B
Plaintext

\v 24 Lumabas si Moises sa tolda at sinabi niya sa mga tao ang mga salita ni Yahweh. Tinipon niya ang pitumpu sa mga nakakatanda ng mga tao at pumalibot sila sa tolda. \v 25 Bumaba si Yahweh sa ulap at nagsalita kay Moises. Kinuha ni Yahweh ang ilan sa Espiritu na naroon kay Moises at nilagay ito sa pitumpung nakakatanda. Nang tumahan ang Espiritu sa kanila, nagpahayag sila, ngunit sa pagkakataong iyon lamang at hindi na naulit pa.