fil_num_text_ulb/11/18.txt

1 line
758 B
Plaintext

\v 18 Sabihin mo sa mga tao, 'Italaga ninyo ang inyong mga sarili kay Yahweh bukas. Tunay na kakakain kayo ng karne, sapagkat umiyak kayo sa pandinig ni Yahweh. Sinabi ninyo, "Sino ang magbibigay sa atin ng karne upang ating kainin? Naging mabuti ito para sa atin sa Ehipto." Kaya bibigyan kayo ni Yahweh ng karne, at kakainin ninyo ito. \v 19 Hindi lamang kayo kakain ng karne sa loob ng isang araw, sa dalawang araw, sa limang araw, sa sampung araw, o sa dalawampung araw, \v 20 ngunit kakain kayo ng karne sa loob ng buong isang buwan hanggang sa ito ay lumabas sa inyong mga ilong. Ito ang magpapadiri sa inyo dahil itinakwil ninyo si Yahweh, na siyang kasama ninyo. Umiyak kayo sa kaniyang harapan. Sinabi ninyo, "Bakit pa natin iniwan ang Ehipto?''''''