fil_num_text_ulb/10/17.txt

1 line
513 B
Plaintext

\v 17 Ang mga kaapu-apuhan nina Gerson at Merari, na siyang nangalaga sa tabernakulo, ang kumuha sa tabernakulo at inihanda para sa kanilang paglalakbay. \v 18 Sumunod, ang mga hukbo na nasa ilalim ng bandila ng kampo ni Ruben ang humayo sa kanilang paglalabay. Si Elizur na anak ni Seduer ang nanguna sa hukbo ni Ruben. \v 19 Si Selumiel na anak ni Zurisaddai ang nanguna sa hukbo ng tribu ng mga kaapu-apuhan ni Simeon. \v 20 Si Eliasaf na anak ni Deuel ang nanguna sa hukbo ng tribu ng mga kaapu-apuhan ni Gad.