fil_num_text_ulb/09/13.txt

1 line
651 B
Plaintext

\v 13 Ngunit sinumang taong malinis at wala sa isang paglalakbay, ngunit nabigong ipagdiwang ang Paskua, dapat itiwalag ang taong iyon mula sa kaniyang mga tao dahil hindi siya nag-alay ng handog na inatas ni Yahweh sa nakatakdang panahon ng bawat taon. Dapat dalhin ng taong iyon ang kaniyang kasalanan. \v 14 Kung nakikitira ang isang dayuhan sa inyo at ipinagdiriwang ang Paskua sa karangalan ni Yahweh, dapat niyang panatilihin ito at gawin lahat ng kaniyang iniuutos, sinusunod ang mga alituntunin ng Paskua at sinusunod ang mga batas para rito. Dapat kayong magkaroon ng parehong batas para sa dayuhan at para sa lahat ng ipinanganak sa lupain."