\v 28 Sabihin mo sa kanila, 'Dahil ako ay buhay,' sinabi ni Yahweh, 'ayon sa sinabi mo sa aking pandinig, gagawin ko ito sa inyo: \v 29 Babagsak ang inyong mga patay na katawan sa ilang na ito, lahat kayong nagreklamo laban sa akin, kayong nabilang na sa sensus, ang kabuoang bilang ng mga tao mula sa dalawampung taon pataas. \v 30 Tiyak na hindi kayo makakapunta sa lupaing aking ipinangako upang gawin ninyong tahanan, maliban kay Caleb na lalaking anak ni Jefune at Josue na lalaking anak ni Nun.