\v 3 Kapag gumawa ng isang panata kay Yahweh ang isang dalagang naninirahan sa bahay ng kaniyang ama at itali niya ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng isang pangako, \v 4 kung marinig ng kaniyang ama ang panata at pangako kung saan itinali niya sa kaniyang sarili, at kung wala siyang sasabihin para baligtarin ito, ang lahat niyang panata ay mananatiling mabisa. Mananatiling mabisa ang bawat pangako kung saan itinali niya sa kaniyang sarili.