\v 7 Sa ikasampung araw ng ikapitong buwan, dapat magkaroon kayo ng isang banal na pagpupulong upang parangalan si Yahweh. Dapat kayong magpakumbaba at hindi magtrabaho. \v 8 Dapat kayong maghandog ng isang alay na susunugin upang magbigay ng isang mabangong halimuyak para kay Yahweh. Dapat kayong maghandog ng isang batang toro, isang lalaking tupa, at pitong lalaking tupa na tig-iisang taong gulang. Dapat walang kapintasan ang mga ito.