\v 25 Ang mga hukbong nagkampo sa ilalim ng bandila ng kaapu-apuhan ni Dan ang huling lumabas. Si Ahieser na lalaking anak ni Amisaddai ang nanguna sa hukbo ni Dan. \v 26 Si Pagiel na lalaking anak ni Okran ang nanguna sa hukbo ng tribu ng mga kaapu-apuhan ni Aser. \v 27 Si Ahira na lalaking anak ni Enan ang nanguna sa hukbo ng tribu ng mga kaapu-apuhan ni Neftali. \v 28 Ito ang paraan ng mga hukbo ng mga tao ng Israel sa paghayo sa kanilang paglalakbay.