Fri Jan 05 2024 22:19:20 GMT+0800 (Australian Western Standard Time)
This commit is contained in:
commit
f4514bc72d
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 1 Nagsalita si Yahweh kay Moises sa tolda ng pagpupulong sa ilang ng Sinai. Nangyari ito sa unang araw ng ikalawang buwan sa loob ng ikalawang taon matapos na makalabas ang mga tao ng Israel mula sa lupain ng Ehipto. Sinabi ni Yahweh, \v 2 "Magsagawa ka ng isang pagbibilang sa lahat ng kalalakihan ng Israel sa bawat angkan, sa mga pamilya ng kanilang mga ama. Bilangin mo sila ayon sa kanilang mga pangalan. Bilangin mo ang bawat lalaki, ang bawat lalaking \v 3 dalawampung taong gulang pataas. Bilangin mo ang lahat ng maaaring makipaglaban bilang mga kawal para sa Israel. Dapat ninyong itala ni Aaron ang bilang ng mga kalalakihan sa kanilang armadong mga grupo.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 4 Ang isang lalaki mula sa bawat tribu, ang isang ulo ng angkan ay dapat maglingkod sa iyo bilang pinuno ng tribu. Dapat pangunahan ng bawat pinuno ang mga kalalakihang makikipaglaban para sa kaniyang tribu. \v 5 Ito ang mga pangalan ng mga pinunong dapat makipaglaban na kasama mo: Mula sa tribu ni Ruben, si Elizur na anak na lalaki ni Sedeur; \v 6 sa tribu ni Simeon, si Selumiel na anak na lalaki ni Zurisaddai;
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 7 mula sa tribu ni Juda, si Naason na anak na lalaki ni Aminadab; \v 8 mula sa tribu ni Isacar, si Natanael na anak na lalaki ni Zuar; \v 9 mula sa tribu ni Zebulon, si Eliab na anak na lalaki ni Helon;
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 10 mula sa tribu ni Efraim na anak na lalaki ni Jose ay si Elisama na anak na lalaki ni Ammiud; mula sa tribu ni Manases, si Gamaliel na anak na lalaki ni Pedasur; \v 11 mula sa tribu ni Benjamin na anak na lalaki ni Jose ay si Abidan na anak na lalaki ni Gideon;
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 12 mula sa tribu ni Dan, si Ahiezer na anak na lalaki ni Ammisaddai; \v 13 mula sa tribu ni Aser, si Pagiel na anak na lalaki ni Okran; \v 14 mula sa tribu ni Gad, si Eliasaf na anak na lalaki ni Deuel; \v 15 at mula sa tribu ni Neftali, si Ahira na anak na lalaki ni Enan.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 16 Ito ang mga lalaking pinili mula sa mga tao. Pinangunahan nila ang mga tribu ng kanilang mga ninuno. Sila ang mga pinuno ng mga angkan sa Israel.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 17 Ang mga lalaking ito ay kinuha nina Moises at Aaron, na kanilang naitala sa pamamagitan ng pangalan, \v 18 at sa tabi ng mga lalaking ito, tinipon nila ang lahat ng mga kalalakihan ng Israel sa unang araw ng ikalawang buwan. At bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas ay kinilala ang kaniyang kanunu-nunuan. Dapat niyang pangalanan ang mga angkan at ang mga pamilyang nagmula sa kaniyang mga ninuno. \v 19 Pagkatapos, itinala ni Moises ang kanilang mga bilang sa ilang ng Sinai, gaya ng inuutos ni Yahweh na kaniyang gawin.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 20 Mula sa mga kaapu-apuhan ni Ruben, panganay na anak ni Israel, binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya. \v 21 46, 500 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Ruben.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 22 Mula sa mga kaapu-apuhan ni Simeon ay binilang nila ang lahat ng pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya. \v 23 59, 300 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Simeon.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 24 Mula sa mga kaapu-apuhan ni Gad ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya. \v 25 45, 650 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Gad.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 26 Mula sa mga kaapu-apuhan ni Juda ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya. \v 27 74, 600 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Juda.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 28 Mula sa mga kaapu-apuhan ni Isacar ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya. \v 29 54, 400 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Isacar.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 30 Mula sa mga kaapu-apuhan ni Zebulon ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya. \v 31 57, 400 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Zebulon.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 32 Mula sa mga kaapu-apuhan ni Efraim na anak na lalaki Jose ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya. \v 33 40, 500 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Efraim.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 34 Mula sa mga kaapu-apuhan ni Manases ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya. \v 35 32, 200 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Manases.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 36 Mula sa mga kaapu-apuhan ni Benjamin ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya. \v 37 35, 400 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Benjamin.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 38 Mula sa mga kaapu-apuhan ni Dan ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya. \v 39 62, 700 ang nabilang nila mula sa tribu ni Dan.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 40 Mula sa mga kaapu-apuhan ni Aser ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya. \v 41 , 500 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Aser.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 42 Mula sa mga kaapu-apuhan ni Neftali ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya. \v 43 53, 400 ang nabilang nila mula sa tribu ni Neftali.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 44 Binilang nina Moises at Aaron ang lahat ng mga lalaking ito, kasama ang labindalawang kalalakihang namumuno sa labindalawang tribu ng Israel. \v 45 Kaya lahat ng kalalakihan sa Israel mula sa dalawampung taong gulang pataas, lahat nang maaaring makipaglaban sa digmaan ay binilang nila sa bawat kanilang mga pamilya. \v 46 603, 550 na kalalakihan ang nabilang nila.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 47 Ngunit hindi na nila binilang ang mga kalalakihang nagmula kay Levi, \v 48 dahil sinabi ni Yahweh kay Moises, \v 49 "Hindi mo dapat bilangin ang tribu ni Levi o isama sila sa kabuuang bilang ng mga tao sa Israel.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 50 Sa halip, italaga mo ang mga Levita na ingatan ang tabernakulo ng toldang tipanan, at ingatan ang buong kagamitan sa loob ng tabernakulo at sa lahat ng kagamitang naroon. Dapat buhatin ng mga Levita ang tabernakulo at dapat nilang dalhin ang mga kagamitan sa nito. Dapat nilang ingatan ang tabernakulo at itayo ang kanilang kampo sa paligid nito.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 51 Kapag ang tabernakulo ay ililipat na sa ibang lugar, dapat itong ibaba ng mga Levita. Kapag ang tabernakulo ay itatayo, dapat itong itayo ng mga Levita. At ang sinumang dayuhang lalapit sa tabernakulo ay dapat patayin. \v 52 Kapag itatayo ng mga tao ng Israel ang kanilang mga tolda, dapat itong gawin ng bawat lalaki malapit sa bandilang nabibilang sa kaniyang armadong grupo.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 53 Gayon pa man, dapat itayo ng mga Levita ang kanilang mga tolda sa paligid ng tabernakulo ng toldang tipanan upang hindi bumaba ang aking galit sa mga tao ng Israel. Dapat ingatan ng mga Levita ang tabernakulo ng toldang tipanan." \v 54 Ginawa ng mga tao ng Israel ang lahat ng mga bagay na ito. Ginawa nila ang lahat na inutos ni Yahweh sa pamamagitan ni Moises.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 1 Muling nagsalita si Yahweh kina Moises at Aaron. Kaniyang sinabi, \v 2 "Ang bawat kaapu-apuhan ng mga Israelita ay dapat magkampo sa palibot ng bandila ng kaniyang armadong grupong nabibilang sa hukbo at sa palibot ng pinakamaliit na watawat na palatandaan sa kaniyang tribu. Ang kanilang mga kampo ay dapat nakaharap sa tolda ng pagpupulong.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 3 Dapat magkampo ang mga lalaking nabibilang sa kampo ni Juda kasama ang kanilang armadong grupo sa palibot ng bandila ni Juda, sa silangan ng tolda ng pagpupulong, kung saan sumisikat ang araw. Si Naason na anak ni Amminadab ang dapat mamuno sa hukbo ni Juda. \v 4 Ang hukbo ni Juda ay may 74, 600 na kalalakihan.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 5 Dapat magkampo ang tribu ni Isacar kasunod ni Juda. Si Nethanael na anak ni Zuar ang dapat mamuno sa hukbo ni Isacar. \v 6 Ang hukbo ni Isacar ay may 54, 400 na kalalakihan.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 7 Dapat magkampo ang tribu ni Zebulon kasunod ng kampo ni Isacar. Si Eliab na anak ni Helon ang dapat mamuno sa hukbo ni Zebulun. \v 8 Ang hukbo ni Zebulon ay may 57, 400 na kalalakihan.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 9 Ang lahat ng hukbong nagkampo kasama si Juda ay 186, 400 na kalalakihan. Sila ang dapat maunang lumabas mula sa kampo.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 10 Dapat magkampo ang mga hubo sa katimugang bahagi sa palibot ng bandila ni Ruben. Si Elizur na anak ni Shedeur ang dapat mamuno sa hukbo ni Ruben. \v 11 Ang hukbo ni Ruben ay may 46, 500 na kalalakihan.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 12 Dapat magkampo ang tribu ni Simeon kasunod ni Ruben. Si Selumiel na anak ni Zurisaddai ang dapat mamuno sa hukbo ni Simeon. \v 13 Ang hukbo ni Simeon ay may 59, 300 na kalalakihan.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 14 Sumunod ang tribu ni Gad. Si Eliasaf na anak ni Deuel ang dapat mamuno sa hukbo ni Gad. \v 15 Ang hukbo ni Gad ay may 45, 650 na kalalakihan.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 16 Ang lahat ng mga hukbong dapat magkampong kasama ni Ruben ay may bilang na 151, 450 na kalalakihan. Sila ang dapat pangalawang lumabas mula sa kampo.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 17 Susunod, dapat lumabas mula sa kampo ang tolda ng pagpupulong kasama ng mga Levita sa gitna ng lahat ng kampo. Dapat lalabas sila mula sa kampo sa parehong pagkakaayos gaya ng kanilang pagpasok sa loob ng kampo. Ang bawat lalaki ay dapat nasa kaniyang kinalalagyan, sa tabi ng kaniyang bandila.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 18 Dapat magkampo ang hukbo ng Efraim sa dakong kanluran ng tolda ng pagpupulong. Si Elishama na anak ni Ammiud ang dapat mamuno sa hukbo ng Efraim. \v 19 Ang hukbo ng Efraim ay may 40, 500 na kalalakihan.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 20 Dapat ang tribu ni Manases ang magkampong kasunod ng Efraim. Si Gamaliel na anak ni Pedasur ang dapat mamuno sa hukbo ni Manases. \v 21 Ang hukbo ng Manases ay may 32, 200 na kalalakihan.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 22 Susunod ang tribu ni Benjamin. Si Abidan na anak ni Gideon ang dapat mamuno sa hukbo ni Benjamin. \v 23 Ang hukbo ni Manases ay may 35, 400 na kalalakihan.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 24 Lahat ng mga hukbong nagkampong kasama ni Efraim ay may bilang na 108, 100 na kalalakihan. Sila ang pangatlong dapat lumabas mula sa kampo.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 25 Dapat magkampo ang hukbo ni Dan sa palibot ng kaniyang bandila sa dakong hilaga ng tabernakulo. Si Ahieser na anak ni Ammisaddai ang dapat mamuno sa mga kaapu-apuhan ni Dan. \v 26 Ang hukbo ni Dan ay may 62, 700 na kalalakihan.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 27 Dapat magkampo ang tribu ni Aser kasunod ni Dan. Si Pagiel na anak ni Okran ang dapat mamuno sa mga kaapu-apuhan ni Aser. \v 28 Ang hukbo ni Aser ay may 41, 500 na kalalakihan.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 29 Ang sumunod ay ang tribu ni Neftali. Si Ahira na anak ni Enan ang dapat mamuno sa mga kaapu-apuhan ni Neftali. \v 30 Ang hukbo ni Neftali ay may 53, 400 na kalalakihan.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 31 Lahat ng mga hukbong nagkampong kasama ni Dan ay may bilang na 157, 600 na kalalakihan. Sila ang dapat mahuling lumabas mula sa kanilangkampo kasama ang kanilang bandila."
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 32 Naibilang nina Moises at Aaron ayon sa mga angkan ng kanilang ninuno ang 603, 550 na kalalakihan sa mga hukbo ng mga Israelita. \v 33 Ngunit hindi naibilang nina Moises at Aaron ang mga Levita sa mga tao ng Israel. Ito ay ayon sa iniutos ni Yahweh kay Moises.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 34 Ginawa ng mga Israelita ang lahat ng bagay na ipinag-utos ni Yahweh kay Moises. Nagkampo sila sa tabi ng kanilang mga bandila. Lumabas sila mula sa kampo ayon sa kanilang mga angkan, batay sa pagkakasunod ng mga angkan nga kanilang mga ninuno.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 1 Ngayon ito ang kasaysayan ng mga kaapu-apuhan nina Aaron at Moises nang kausapin ni Yahweh si Moises sa Bundok Sinai. \v 2 Ang mga pangalan ng mga Anak na lalaki ni Aaron ay sina Nadab ang panganay, at Abihu, Eleazar, at Itamar.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 3 Ito ang mga pangalan ng mga anak na lalaki ni Aaron, ang mga paring pinahiran ng langis at siyang itinalaga upang maglingkod bilang mga pari. \v 4 Ngunit namatay sa harapan ni Yahweh sina Nadab at Abihu nang naghandog sila kay Yahweh ng hindi katanggap-tanggap na apoy sa ilang ng Sinai. Walang mga anak sina Nadab at Abihu, kaya sina Eleazar at Itamar lamang ang naglingkod bilang mga pari kasama ni Aaron na kanilang ama.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 5 Nagsalita si Yahweh kay Moises Moises. Sinabi niya, \v 6 "Dalhin mo ang tribu ni Levi at iharap sila kay Aaron na pari para matulungan nila siya.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 7 Dapat nilang isagawa ang tungkulin sa pangalan ni Aaron at ang buong sambayanan sa harap ng tolda ng pagpupulong. Dapat silang maglingkod sa tabernakulo. \v 8 Dapat nilang ingatan ang lahat ng mga kasangkapan sa tolda ng pagpupulong, at dapat nilang tulungan ang mga tribu ng Israel upang isagawa ang paglilingkod sa tabernakulo.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 9 Dapat mong ibigay ang mga Levita kay Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki. Ganap silang ibinigay upang tulungan siyang maglingkod sa mga tao ng Israel. \v 10 Dapat mong hirangin sina Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki bilang mga pari, ngunit sinumang dayuhang lalapit ay dapat patayin."
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 11 Nagsalita si Yahweh kay Moises. Sinabi niya, \v 12 "Tingnan mo, kinuha ko ang mga Levita mula sa mga tao ng Israel. Ginawa ko ito sa halip na kunin ang bawat panganay na lalaki na ipinanganak mula sa mga tao ng Israel. Pag-aari ko ang mga Levita. \v 13 Pag-aari ko ang lahat ng mga panganay. Sa araw na sasalakayin ko ang lahat ng panganay sa lupain ng Ehipto, inilaan ko para sa aking sarili ang lahat ng panganay sa Israel, kapwa mga tao at mga hayop. Sila ay pag-aari ko. Ako si Yahweh."
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 14 Nagsalita si Yahweh kay Moises sa ilang ng Sinai. Sinabi niya, \v 15 "Bilangin mo ang mga kaapu-apuhan ni Levi sa bawat pamilya, sa mga tahanan ng kanilang mga ninuno. Bilangin mo ang bawat lalaki na isang buwang gulang at pataas." \v 16 Sila ay binilang ni Moises, bilang pagsunod sa atas na ibinigay sa kanila ng salita ni Yahweh, gaya ng iniutos sa kaniya ni Yahweh.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 17 Ang mga pangalan ng mga anak na lalaki ni Levi ay sina Gerson, Kohat, at Merari. \v 18 Ang mga angkan na nagmumula sa mga anak na lalaki ni Gerson ay sina Libni at Shimei. \v 19 Ang mga angkan na nagmumula sa mga anak na lalaki ni Kohat ay sina, Amram, Izar, Hebron, at Uziel. \v 20 Ang mga angkan na nagmumula sa mga anak na lalaki ni Merari ay sina Mahali at Musi. Ito ang mga angkan ng mga Levita, na nakatala angkan sa angkan.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 21 Ang mga angkan ng mga Libnita at ng mga Shimeita ay nagmula kay Gerson. Ito ang mga angkan ng mga Gersonita. \v 22 Lahat ng mga lalaki mula sa isang buwang gulang at pataas ay binilang, na may kabuuang bilang na 7, 500. \v 23 Dapat magkampo ang angkan ng mga Gersonita sa dakong kanluran ng tabernakulo.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 24 Dapat pangunahan ni Eliasaf na anak na lalaki ni Lael ang angkan ng kaapu-apuhan ng mga Gersonita. \v 25 Dapat ingatan ng pamilya ni Gerson ang mga kurtina ng tabernakulo sa ilalim ng panlabas na mga takip ng tolda ng pagpupulong. Dapat nilang ingatan ang tolda, ang mala-toldang pantakip, at ang kurtina para sa pasukan patungo sa tolda ng pagpupulong. \v 26 Dapat nilang ingatan ang mga tabing sa patyo, ang kurtina sa pasukan ng patyo—ang patyo na nakapalibot sa santuwaryo at ang altar. Dapat nilang ingatan ang mga lubid ng tolda ng pagpupulong at para sa lahat ng bagay na nasa loob nito.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 27 Ang mga angkan na ito ay nagmula kay Kohat: ang angkan ng mga Amramita, ang angkan ng mga Izarita, ang angkan ng mga Hebronita, at ang angkan ng mga Uzielita. Ang mga angkan na ito ay nabibilang sa mga Kohatita. \v 28 8, 600 na mga lalaki ang nabilang na may edad isang buwang gulang at pataas upang mag-ingat sa mga bagay na pag-aari ni Yahweh. \v 29 Dapat magkampo ang mga pamilya ng mga kaapu-apuhan ni Kohat sa dakong timog ng tabernakulo.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 30 Dapat pangunahan ni Elizafan na anak na lalaki ni Uziel ang mga angkan ng mga Kohatita. \v 31 Dapat nilang ingatan ang kaban, ang mesa, ang ilawan, ang mga altar, ang mga sagradong bagay na ginagamit sa kanilang paglilingkod, ang kurtina, at ang lahat ng gawain sa palibot nito. \v 32 Dapat pangunahan ni Eleazar na anak na lalaki ni Aaron na pari ang mga kalalakihang namumuno sa mga Levita. Dapat niyang pangasiwaan ang mga lalaking nag-iingat sa banal na lugar.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 33 Dalawang angkan ang nagmula kay Merari: ang angkan ng mga Mahlita at ang angkan ng mga Musita. Ang mga angkan na ito ay nagmula kay Merari. \v 34 6, 200 na mga lalaki ang nabilang na may edad isang buwang gulang at pataas. \v 35 Dapat pangunahan ni Zuriel na anak na lalaki ni Abihail ang mga angkan ni Merari. Dapat silang magkampo sa dakong hilaga ng tabernakulo.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 36 Dapat ingatan ng mga kaapu-apuhan ni Merari ang mga tabla ng tabernakulo, ang mga pahalang na haligi, mga poste, mga patungan, lahat ng mga kagamitang metal, at lahat ng bagay na kaugnay sa mga ito, kabilang \v 37 ang mga haligi at mga poste ng patyo na nakapalibot sa tabernakulo, kasama ang mga patungan ng poste ng mga ito, mga tulos, at mga lubid.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 38 Dapat magkampo sina Moses at Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki sa dakong silangan ng tabernakulo, sa harapan ng tolda ng pagpupulong, sa dakong sinisikatan ng araw. Sila ang mamahala para sa katuparan ng kanilang mga tungkulin sa santuwaryo at sa mga tungkulin ng mga tao ng Israel. Dapat patayin ang sinumang dayuhan na lalapit sa santuwaryo. \v 39 Binilang nina Moises at Aaron ang lahat ng mga lalaki sa mga angkan ni Levi na may edad isang buwang gulang at pataas, gaya ng iniutos ni Yahweh. Dalawampu't dalawang libong kalalakihan ang nabilang nila.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 40 Sinabi ni Yahweh kay Moises, "Bilangin mo ang lahat ng panganay na mga lalaki sa mga tao ng Israel na may edad isang buwang gulang at pataas. Ilista mo ang kanilang mga pangalan. \v 41 Dapat mong kunin ang mga Levita para sa akin sa halip na ang lahat ng mga panganay ng mga tao ng Israel. Ako si Yahweh. At dapat mong kunin ang alagang hayop ng mga Levita sa halip na ang lahat ng panganay na alagang hayop ng mga kaapu-apuhan ni Israel."
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 42 Binilang ni Moises ang lahat ng panganay na mga tao ng Israel gaya ng iniutos ni Yahweh na gawin niya. \v 43 Binilang niya ang lahat ng mga panganay na mga lalaki ayon sa kanilang pangalan, na may edad isang buwang gulang at pataas. 22, 273 na kalalakihan ang nabilang niya.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 44 Muling nagsalita si Yahweh kay Moises. Sinabi niya, \v 45 "Kunin mo ang mga Levita sa halip na ang lahat ng panganay sa mga tao ng Israel. At kunin mo ang alagang hayop ng mga Levita sa halip na ang alagang hayop ng mga tao. Ang mga Levita ay pag-aari ko. Ako si Yahweh.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 46 Dapat kang mangolekta ng limang siklo para sa pantubos ng bawat isa sa 273 panganay ng mga tao ng Israel na humigit sa bilang ng mga Levita. \v 47 Dapat mong gamitin ang siklo ng santuwaryo bilang iyong pamantayang timbang. Ang siklo ay katumbas ng dalawampung gera. \v 48 Dapat mong ibigay ang halaga ng pantubos na iyong binayaran kay Aaron at sa kanyang mga anak na lalaki." \v 49 Kaya tinipon ni Moises ang pambayad ng pantubos mula sa mga taong humigit sa bilang ng mga natubos ng mga Levita. \v 50 Tinipon ni Moises ang mga pera mula sa panganay na anak ng mga tao ng Israel. Nakaipon siya ng 1, 365 na siklo, na tumitimbang sa siklo ng santuwaryo. \v 51 Ibinigay ni Moises ang pantubos na pera kay Aaron at sa kanyang mga anak na lalaki. Ginawa ni Moises ang lahat ng bagay na sinabi sa kanya upang gawin sa pamamagitan ng mga salita ni Yahweh, gaya ng iniutos sa kanya ni Yahweh.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 1 Nagsalita si Yahweh kina Moises at Aaron. Sinabi niya, \v 2 "Magsagawa kayo ng isang pagtatala sa mga lalaking kaapu-apuhan ni Kohat na nagmula sa mga Levita, sa pamamagitan ng kanilang mga angkan at ng mga pamilya ng kanilang ninuno. \v 3 Bilangin ninyo ang lahat ng kalalakihan na tatlumpu hanggang limampung taong gulang. \v 4 Dapat sumali ang kalalakihang ito sa samahan para maglingkod sa tolda ng pagpupulong. Dapat pangalagaan ng mga kaapu-apuhan ni Kohat ang pinakasagradong mga bagay na inilaan para sa akin sa tolda ng pagpupulong.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 5 Kapag naghahanda ang kampo para umabante, dapat pumunta si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki sa tolda, ibaba ang kurtina na naghihiwalay sa pinakabanal na lugar mula sa banal na lugar, at itakip ito sa kaban ng tipan. \v 6 Dapat nilang takpan ang kaban ng mga balat ng dugong. Dapat silang maglatag ng asul na tela sa taas nito. Dapat nilang ilagay ang mga pasanan sa pagbubuhat nito.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 7 Dapat silang maglatag ng isang asul na tela sa mesa ng tinapay ng presensya. Sa ibabaw nito, dapat nilang ilagay ang mga pinggan, mga kutsara, mga mangkok, at mga banga para sa pagbubuhos. Dapat palaging nasa mesa ang tinapay. \v 8 Dapat nilang takpan ang mga ito ng isang matingkad na pulang tela at muli ng mga balat ng dugong. Dapat nilang ilagay ang mga pasanan sa pagbubuhat sa mesa.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 9 Dapat silang kumuha ng isang asul na tela at takpan ang patungan ng ilawan, kasama ng mga ilawan nito, mga sipit, mga sisidlan ng abo, at lahat ng mga banga ng langis para sa mga ilawan. \v 10 Dapat nilang takpan ang patungan ng ilawan at ang lahat ng mga kasangkapan nito ng mga balat ng dugong, at dapat nilang ilagay ito sa balangkas na binubuhat. \v 11 Dapat nilang ilatag ang isang asul na tela sa gintong altar. Dapat nilang takpan ito ng mga balat ng dugong, at pagkatapos ay ilagay ang mga pasanan sa pagbubuhat.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 12 Dapat nilang dalhin ang lahat ng kasangkasapan para sa gawain sa loob ng banal na lugar at balutin ito ng isang asul na tela. Dapat nilang takpan ito ng mga balat ng dugong at ilagay ang kasangkapan sa balangkas na binubuhat. \v 13 Dapat nilang alisin ang mga abo mula sa altar at maglatag ng isang lilang tela sa altar. \v 14 Dapat nilang ilagay ang lahat ng kasangkapan sa balangkas na binubuhat na ginagamit nila sa paggawa ng altar. Ang mga bagay na ito ay ang mga kawali, mga tinidor, mga pala, mga mangkok, at lahat ng ibang kasangkapan para sa altar. Dapat nilang takpan ang altar ng mga balat ng dugong at pagkatapos ay ilagay ang mga pasanan sa pagbubuhat.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 15 Kapag ganap na natakpan ni Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki ang banal na lugar at lahat ng mga kasangkapan nito, at kapag umabante ang kampo, dapat pumunta ang mga kaapu-apuhan ni Kohat upang dalhin ang banal na lugar. Kapag hinawakan nila ang mga sagradong kasangkapan, dapat silang mamatay. Ito ang gawain ng mga kaapu-apuhan ni Kohat, upang dalhin ang mga gamit sa tolda ng pagpupulong. \v 16 Dapat pangalagaan ni paring Eleazar na anak na lalaki ni Aaron ang langis para sa ilaw. Dapat niyang pangasiwaan ang pangangalaga ng matamis na insenso, ang palagiang handog na butil, ang pampahid na langis, ang buong tabernakulo at lahat ng narito, ang sagradong mga kagamitan at mga artikulo."
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 17 Nagsalita si Yahweh kina Moises at Aaron. Sinabi niya, \v 18 "Huwag hayaan ang mga angkan ng mga tribu ni Kohat na maalis mula sa mga Levita. \v 19 Ipangtanggol ninyo sila sa paggawa nito, upang sila ay mabuhay at hindi mamamatay. Kapag nilapitan nila ang pinakabanal na mga bagay \v 20 hindi sila dapat pumasok upang tingnan ang banal na lugar kahit sandali, kasi kung gagawin nila, dapat silang mamatay. Dapat pumasok sina Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki at pagkatapos, dapat italaga nina Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki ang bawat Kohatita sa kaniyang gawain, sa kaniyang natatanging mga tungkulin."
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 21 Nagsalita muli si Yahweh kay Moises. Sinabi niya, \v 22 "Gumawa ka rin ng isang pagtatala ng mga kaapu-apuhan ni Gerson, ayon sa mga pamilya ng kanilang ninuno, ayon sa kanilang mga angkan. \v 23 Bilangin mo iyong mga tatlumpu hanggang limampung taong gulang. Bilangin mo silang lahat na sasali sa samahan upang maglingkod sa tolda ng pagpupulong.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 24 Ito ay ang gawain ng mga angkan ng Gersonita, kapag sila ay naglilingkod at anuman ang kanilang binubuhat. \v 25 Dapat nilang dalhin ang mga kurtina ng tabernakulo, ang tolda ng pagpupulong, ang mga pantakip nito, ang pantakip na balat ng dugong na nakalagay dito, at ang mga kurtina para sa pasukan ng tolda ng pagpupulong. \v 26 Dapat nilang dalhin ang mga kurtina ng patyo, ang kurtina para sa daanan sa tarangkahan ng patyo, na malapit sa tabernakulo at malapit sa altar, ang mga lubid nito, at lahat ng mga kasangkapan para sa kanilang paglilingkod. Anuman ang kailangang gawin sa mga bagay na ito, dapat nilang gawin ito.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 27 Dapat pamahalaan nila Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki ang lahat ng paglilingkod ng mga kaapu-apuhan ng mga Gersonita, sa bawat bagay na kanilang ililipat, at sa lahat ng kanilang paglilingkod. Dapat mo silang italaga sa lahat ng kanilang mga tungkulin. \v 28 Ito ay ang paglilingkod ng mga angkan ng mga kaapu-apuhan ng mga Gersonita para sa tolda ng pagpupulong. Ang pari na si Itamar na anak na lalaki ni Aaron ang dapat na manguna sa kanilang paglilingkod.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 29 Dapat mong bilangin ang mga kaapu-apuhan ni Merari ayon sa kanilang mga angkan, at iayos mo sila ayon sa mga pamilya ng kanilang ninuno, \v 30 mula tatlumpung taong gulang pataas hanggang limampung taong gulang. Bilangin mo bawat isa na sasali sa samahan at maglilingkod sa tolda ng pagpupulong.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 31 Ito ay ang kanilang tungkulin at kanilang gawain sa lahat ng kanilang paglilingkod para sa tolda ng pagpupulong. Dapat nilang pangalagaan ang pagbabalangkas ng tabernakulo, mga pahalang na haligi nito, mga poste, at mga patungan, \v 32 kasama ng mga poste ng patyo sa palibot ng tabernakulo, ang mga patungan ng mga ito, mga tulos na pako, at ang mga lubid nito, kasama ang mga metal ng mga ito. Itala sa kanilang pangalan ang mga bagay na dapat nilang dalhin.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 33 Ito ay ang paglilingkod ng mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Merari, anuman ang kanilang gagawin para sa tolda ng pagpupulong, sa ilalim ng pamamahala n paring Itamar na anak na lalaki ni Aaron."
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 34 Binilang nina Moises, Aaron at ng mga pinuno ng mga sambayanan ang mga kaapu-apuhan ng mga Kohatita ayon sa mga angkan ng mga pamilya ng kanilang ninuno. \v 35 Binilang sila mula tatlumpung taong gulang pataas hanggang limampung taong gulang. Binilang nila ang bawat isa na sasali sa samahan para maglingkod sa tolda ng pagpupulong. \v 36 Binilang nila ang 2, 750 na kalalakihan ayon sa kanilang mga angkan.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 37 Binilang nina Moises at Aaron ang lahat ng kalalakihan sa mga angkan at mga pamilya ng mga Kohatita na siyang naglilingkod sa tolda ng pagpupulong. Sa pag-gawa nito, sinunod nila ang iniutos ni Yahweh na kanilang gawin sa pamamagitan ni Moises.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 38 Binilang ang mga kaapu-apuhan ni Gerson sa kanilang mga angkan, ayon sa mga pamilya ng kanilang ninuno, \v 39 mula tatlumpu hanggang limampung taong gulang, bawat isa na sasali sa samahan para maglingkod sa tolda ng pagpupulong. \v 40 Lahat ng kalalakihan, binilang ayon sa kanilang mga angkan at mga pamilya ng kanilang ninuno, sa bilang na 2, 630.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 41 Binilang nina Moises at Aaron ang mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Gerson na maglilingkod sa tolda ng pagpupulong. Sa paggawa nito, sinunod nila ang iniutos ni Yahweh sa kanila na gawin sa pamamagitan ni Moises.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 42 Binilang ang mga kaapu-apuhan ni Merari sa kanilang angkan ayon sa mga pamilya ng kanilang ninuno, \v 43 mula tatlumpu hanggang limampung taong gulang, bawat isa na sasali sa samahan para maglingkod sa tolda ng pagpupulong. \v 44 Lahat ng kalalakihan, nabilang ayon sa kanilang mga angkan at mga pamilya ng kanilang mga ninuno, sa bilang na 3, 200.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 45 Binilang nina Moises at Aaron ang lahat ng kalalakihang ito, ang mga kaapu-apuhan ni Merari. Sa paggawa nito, sinunod nila ang iniutos ni Yahweh sa kanila na gawin sa pamamagitan ni Moises.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 46 Kaya binilang nina Moises, Aaron, at ng mga pinuno ng Israel ang lahat ng Levita ayon sa kanilang angkan sa mga pamilya ng kanilang ninuno \v 47 mula tatlumpu hanggang limampung taong gulang. Binilang nila ang bawat isa na gagawa ng mga gawain sa tabernakulo, at sinumang magdadala at mamamahala ng mga kagamitan sa tolda ng pagpupulong. \v 48 Nabilang nila ang 8, 580 na kalalakihan.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 49 Sa utos ni Yahweh, binilang ni Moises ang bawat lalaki, patuloy na bilang ang bawat-isa ayon sa uri ng gawaing naitilaga sa kaniya upang gawin niya. Binilang niya ang bawat-isa sa uri ng tungkulin na kanyang pasanin. Sa paggawa nito, sinunod nila ang utos ni Yahweh na kanilang gawin sa pamamagitan ni Moises.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 1 Nagsalita si Yahweh kay Moises. Sinabi niya, \v 2 "Utusan mo ang mga tao ng Israel na paalisin mula sa kampo ang lahat ng may nakakahawang sakit sa balat, at lahat ng may tumutulong sugat, at ang sinumang marumi sa pamamagitan ng paghawak ng isang patay na katawan. \v 3 Maging lalaki o babae, dapat paalisin ninyo sila sa kampo. Hindi nila dapat dungisan ang kampo, dahil naninirahan ako dito." \v 4 Kaya ginawa ito ng mga tao ng Israel. Pinaalis nila sila sa kampo, gaya ng inutos ni Yahweh kay Moises. Sinunod ng mga tao ng Israel si Yahweh.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 5 Muling nagsalita si Yahweh kay Moises. Sinabi niya, \v 6 "Magsalita ka sa mga tao ng Israel. Kapag nakagawa ang isang lalaki o babae ng anumang kasalanang tulad ng ginagawa ng mga tao sa isa't isa, at hindi tapat sa akin, ang taong iyon ay nagkasala. \v 7 Kung gayon, dapat niyang aminin ang kasalanang kaniyang nagawa. Dapat niyang ganap na bayaran ang halaga ng kaniyang pagkakasala at dagdagan ang halaga ng higit sa ikalimang bahagi. Dapat niyang ibigay ito sa isang taong nakagawan niya ng kamalian.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 8 Ngunit kung ang taong nagawan niya ng kamalian ay walang malapit na kamag-anak upang tumanggap ng bayad, dapat niyang bayaran ang halaga para sa kaniyang pagkakasala sa akin sa pamamagitan ng isang pari, kasama ang isang lalaking tupa upang pambayad sala para sa kaniyang sarili. \v 9 Bawat handog na idinulog sa isang pari mula sa lahat ng sagradong bagay, ang mga bagay na inilaan ng mga tao ng Israel para sa akin ay mapapabilang sa paring iyon. \v 10 Mapapabilang sa pari ang bawat sagradong bagay na pag-aari ng mga tao. Mapapabilang sa paring iyon ang anumang ibibigay ng isang tao sa pari."
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 11 Muling nagsalita si Yahweh kay Moises. Sinabi niya, \v 12 "Magsalita ka sa mga tao ng Israel. Sabihin mo sa kanila, 'Ipagpalagay na tumalikod ang isang asawang babae at nagkasala laban sa kaniyang asawang lalaki.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 13 Pagkatapos, ipagpalagay na ang isang lalaki ay nakipagtalik sa kaniya. Sa ganitong kalagayan, nadungisan siya. Kahit na hindi ito nakita ng kaniyang asawang lalaki o nalaman ang tungkol dito, at kahit wala ni isa ang nakahuli sa kaniya sa kaganapan at wala ni isa ang makapagpatotoo laban sa kaniya, \v 14 gayon pa man, maaaring ipaalam ng isang espiritu ng pagseselos sa asawang lalaki na ang kaniyang asawang ay nadungisan. Gayunman, ang espiritu ng pagseselos ay maaaring iparating sa isang lalaki na ang kaniyang asawa ay hindi nadungisan.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 15 Sa ganitong mga kalagayan, dapat dalhin ng lalaki ang kaniyang asawa sa pari. Dapat magdala ng isang inuming handog ang asawang lalaki para sa kaniyang asawa. Dapat magdala siya ng isang ikasampu ng isang epa ng sebadang harina. Dapat hindi niya ito buhusan ng langis o kamanyang dahil ito ay isang handog na butil ng pagseselos, isang handog na butil na maaaring tagaturo ng kasalanan.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 16 Ang pari ay dapat ilapit ang babae at iharap siya kay Yahweh. \v 17 Dapat kumuha ang pari ng isang tapayan ng banal na tubig at kumuha ng alikabok mula sa sahig ng tabernakulo. Dapat niyang ilagay ang alikabok sa tubig.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 18 Dapat iharap ng pari ang babae kay Yahweh. Dapat alisin ng babae ang takip ng kaniyang ulo at alisin ang tali ng kaniyang buhok. Dapat ilagay ng pari sa kaniyang mga kamay ang handog na butil bilang isang pahiwatig. Ito ang handog na butil ng pagseselos. Dapat hawakan ng pari sa kaniyang kamay ang mapait na tubig na may alikabok na magdadala ng isang sumpa sa kaniya. \v 19 Dapat panumpain siya ng pari ng isang panunumpa. Dapat niyang sabihin sa babae, "Kung walang lalaking nakipagtalik sa iyo, at kung hindi ka naligaw at nakagawa ng kalaswaan, tiyak na ikaw ay magiging malaya mula sa mapait na tubig na ito na magdadala ng isang sumpa.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 20 Ngunit kung ikaw ay isang babae na nasa ilalim ng kaniyang asawa, naligaw, kung nadungisan ka, at kung nakipagtalik sa iyo ang ilang lalaki..." \v 21 Dapat panumpain ng pari ang babae ng isang panunumpa na magdadala ng isang sumpa sa kaniya, at pagkatapos, dapat siyang patuloy na kausapin ang babae,"... at gagawin kang isang isinumpa ni Yahweh na ipapakita sa iyong mga tao na maging ganoon. Mangyayari ito kung pahihintulutan ni Yahweh ang iyong hita na mabulok at mamaga ang iyong tiyan. \v 22 Ang tubig na ito na nagdadala ng sumpa ay pupunta sa iyong tiyan, mamaga ang iyong tiyan, at mabubulok ang iyong mga hita." Isasagot dapat ng babae, "Oo, mangyari nawa ito kung ako ay nagkasala."
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 23 Dapat Isulat ng pari ang mga sumpang ito sa isang kasulatang binalumbon, at pagkatapos, dapat niyang hugasan ang mga sumpang isinulat sa mapait na tubig.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 24 Ipapainom ng pari ang mapait na tubig sa babaeng magdadala ng sumpa. Papasok sa kaniya at magiging mapait ang tubig na magdadala ng sumpa. \v 25 Dapat kumuha ang pari ng handog na butil ng pagseselos mula sa kamay ng babae. Dapat niyang itaas ang handog na butil sa harap ni Yahweh at dalhin ito sa altar. \v 26 Dapat kumuha ng isang dakot ng handog na butil, isang bahagi nito, at sunugin ito sa altar. Pagkatapos, dapat niyang ibigay sa babae ang mapait na tubig upang inumin.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 27 Kapag bibigyan niya ang babae ng tubig upang inumin, kung nadungisan siya dahil nakagawa siya ng isang kasalanan laban sa kaniyang asawang lalaki, ang tubig na magdadala ng sumpa ay papasok sa kaniya at magiging mapait. Mamamaga ang kaniyang tiyan at mabubulok ang kaniyang hita. Isusumpa ang babae sa gitna kaniyang mga tao. \v 28 Ngunit kung hindi nadungisan ang babae at kung malinis siya, dapat siyang maging malaya. Maaari siyang magkaroon ng mga anak.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 29 Ito ay ang batas ng pagseselos. Ito ay ang batas para sa isang babaeng lumayo mula sa kaniyang asawa at nadungisan. \v 30 Ito ang batas para sa isang lalaki na may espiritu ng pagseselos kapag nagseselos siya sa kaniyang asawa. Dapat niyang dalhin ang babae sa harap ni Yahweh, at dapat gawin ng pari sa kaniya ang lahat ng bagay na inilalarawan ng batas na ito ng pagseselos.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 31 Magiging malaya ang lalaki mula sa pagkakasala sapgkat dinala niyaang kaniyang asawa sa pari. Ang babae ay dapat niyang dalhin ang anumang kasalanang maaaring nasa kaniya.'"
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 1 Nagsalita si Yahweh kay Moises. Sinabi niya, \v 2 "Magsalita ka sa mga tao ng Israel. Sabihin mo sa kanila, "Kapag ang isang lalaki o isang babae ay ibinukod niya ang kaniyang sarili kay Yahweh kasama ang isang natatanging panata ng isang Nazareo, \v 3 dapat niyang ilayo ang kaniyang sarili mula sa alak at matapang na inumin. Dapat hindi siya iinom ng suka na gawa mula sa alak o mula sa matapang na inumin. Dapat hindi siya iinom ng anumang katas ng ubas o kakain ng sariwang mga ubas o mga pasas. \v 4 Sa lahat ng araw na siya ay ibinukod sa akin, dapat wala siyang kakaining anumang bagay na gawa mula sa mga ubas, kabilang ang lahat ng bagay na gawa mula sa mga buto hanggang sa kanilang mga balat.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 5 Sa buong panahon ng kaniyang panata ng pagbubukod, walang labaha ang gagamitin sa kaniyang ulo hanggang sa mga araw ng kaniyang pagbubukod kay Yahweh ay matupad. Dapat siyang ihandog kay Yahweh. Dapat niyang hayaang humaba ang buhok sa kaniyang ulo.
|
Some files were not shown because too many files have changed in this diff Show More
Loading…
Reference in New Issue