fil_jhn_text_ulb/05/01.txt

1 line
383 B
Plaintext

\c 5 \v 1 Pagkatapos nito, nagkaroon ng kapistahan ang mga Judio at umakyat si Jesus patungong Jerusalem. \v 2 Sa Jerusalem, may isang palaiguan na tinatawag sa Hebreo na Bethzata, sa may tarangkahan ng tupa. May limang portico ito na may bubungan. \v 3 Maraming tao na may sakit, bulag, pilay, o lumpo na nakahiga sa mga portico na ito. \v 4 (Hinihintay nila ang paggalaw ng tubig).