fil_jhn_text_ulb/04/09.txt

1 line
405 B
Plaintext

\v 9 Pagkatapos ay sinabi ng Samaritana sa kaniya, "Paanong ikaw, na isang Judio, ay humihingi sa akin, na isang Samaritana, ng maiinom?" Ang mga Judio ay hindi nakikisalamuha sa mga Samaritano. \v 10 Sinagot siya ni Jesus, "Kung nalalaman mo ang kaloob ng Diyos at kung sino itong nagsasabi sa iyong, 'Bigyan mo ako ng inumin,' ikaw sana ang hihingi sa kaniya at ibibigay niya sa iyo ang tubig na buhay."