fil_jhn_text_ulb/06/35.txt

1 line
379 B
Plaintext

\v 35 Sinabi sa kanila ni Jesus, "Ako ang tinapay ng buhay. Ang taong lalapit sa akin ay hindi na muli pang magugutom, at ang taong maniniwala sa akin ay hindi na muli pang mauuhaw. \v 36 Sinabihan ko na kayo at nakita ninyo ako pero hindi pa rin kayo naniwala. \v 37 Ang lahat ng taong ibinigay sa akin ng Ama ay lalapit sa akin at sinumang lumapit sa akin ay hindi ko itataboy.