fil_jhn_text_ulb/06/10.txt

1 line
455 B
Plaintext

\v 10 Sinabi ni Jesus, "Paupuin ninyo ang mga tao." (Madamo sa lugar na iyon.) Kaya naupo ang mga tao, mga limang libo ang bilang nila. \v 11 Kinuha ni Jesus ang mga tinapay at matapos makapagpasalamat ay ipinamahagi niya sa mga taong nakaupo. Sa ganoon ding paraan, ipinamahagi niya ang mga isda, hangga't gusto nila. \v 12 Nang nabusog na ang mga tao, sinabi niya sa kaniyang mga alagad, "Ipunin niyo ang natirang mga pira-piraso, para walang masayang."