fil_jhn_text_ulb/01/14.txt

1 line
409 B
Plaintext

\v 14 Nagkatawang-tao ang Salita at namuhay na kasama namin. Nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, ang kaluwalhatiang tulad ng nasa nag-iisang persona na naparito mula sa Ama, punong-puno ng biyaya at katotohanan. \v 15 Pinatotohanan ni Juan ang tungkol sa kaniya. Nagpahayag siya at nagsabi, "Siya ang tinutukoy ko sa inyo, 'Ang darating kasunod ko ay mas higit sa akin, sapagkat siya ay nauna sa akin.'"