fil_jhn_text_ulb/01/40.txt

1 line
409 B
Plaintext

\v 40 Isa sa dalawang nakinig kay Juan at sumunod kay Jesus si Andres na kapatid ni Simon Pedro. \v 41 Una niyang nakita ang kaniyang kapatid na si Simon at sinabi niya sa kaniya, "Nakita na namin ang Mesias," (na sinalin na, 'ang Cristo'). \v 42 Dinala niya si Simon kay Jesus. Si Jesus ay tumingin sa kaniya at sinabi, "Ikaw si Simon anak ni Juan. Ikaw ay tatawaging Cepas" (na ang ibig sabihin ay 'Pedro').