fil_jhn_text_ulb/08/14.txt

1 line
419 B
Plaintext

\v 14 Sinagot sila ni Jesus, "Kahit na nagpapatotoo ako tungkol sa aking sarili, nagsasabi ako ng totoo. Alam ko kung saan ako nanggaling at kung saan ako patungo, pero hindi ninyo alam kung saan ako nanggaling at saan ako patungo. \v 15 Humuhusga kayo ayon sa laman. Wala akong hinuhusgahan. \v 16 Pero pag humusga ako, totoo ang aking paghusga dahil hindi ako nag-iisa dahil kasama ko ang aking Amang nagsugo sa akin.