fil_jhn_text_ulb/08/42.txt

1 line
674 B
Plaintext

\v 42 Sinabi ni Jesus sa kanila, "Kung ang Diyos nga ang inyong Ama, minahal niyo sana ako dahil ako ay nanggaling sa Diyos at narito ngayon. Hindi ako naparito para lang sa aking kagustuhan kundi para sa kaniyang nagsugo sa akin. \v 43 Bakit hindi niyo maintindihan ang aking sinasabi? Ito ay dahil sa araw niyong makinig sa aking mga salita. \v 44 Kayo ay mula sa inyong ama, ang diyablo at ginagawa ninyo ang kagustuhan ng inyong ama. Mamamatay-tao siya sa simula pa lang at hindi niya tinatayuan ang katotohanan dahil walang katotohanan sa kaniya. Sa tuwing nagsasalita siya, nagsisinungaling siya dahil iyon ang kaniyang kalikasan dahil siya ang ama ng mga sinungaling.