Sat Jun 22 2024 16:22:23 GMT+0800 (Philippine Standard Time)
This commit is contained in:
commit
4668784cb3
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 1 Sa simula pa lamang ay ang Salita, at ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. \v 2 Itong Salitang ito ay nasa simula pa kasama ng Diyos. \v 3 Ang lahat nang mga bagay ay nalikha sa pamamagitan niya, at kung wala siya, ay wala kahit isang bagay ang nilikha na nalikha.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 4 Sa kaniya ay buhay, at ang buhay na iyon ay liwanag sa lahat ng sangkatauhan. \v 5 Ang liwanag ay sumisinag sa kadiliman, at ito ay hindi napawi nang kadiliman.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 6 May isang lalaki na isinugo mula sa Diyos, na ang pangalan ay Juan. \v 7 Dumating siya bilang isang saksi upang magpatotoo tungkol sa liwanag, upang ang lahat ay maaaring maniwala sa pamamagitan niya. \v 8 Hindi si Juan ang liwanag, ngunit naparito upang makapagpatotoo siya tungkol sa liwanag.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 9 Iyon ang tunay na liwanag na dumarating sa mundo at iyon ang nagpapaliwanang sa lahat.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 10 Siya ay nasa mundo, at ang mundo ay nalikha sa pamamagitan niya, at ang mundo ay hindi nakakakilala sa kaniya. \v 11 Dumating siya sa kaniyang sariling kababayan, at hindi siya tinanggap ng kaniyang sariling mga kababayan.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 12 Ngunit sa kasing-dami nang tumanggap sa kaniya, na naniwala sa kaniyang pangalan, sa kanila niya ipinagkaloob ang karapatang maging mga anak ng Diyos, \v 13 ipinanganak sila hindi sa pamamagitan nang dugo, ni hindi sa pamamagitan nang kagustuhan ng laman, ni hindi sa pamamagitan nang kagustuhan ng tao, kundi sa pamamagitan ng Diyos.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 14 Ngayon ang Salita ay naging laman at namuhay na kasama namin. Nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatiang katulad ng nasa nag-iisang natatanging katauhan na naparito mula sa Ama, punong-puno ng biyaya at katotohanan. \v 15 Pinatotohanan ni Juan ang tungkol sa kaniya at sumigaw na nagsasabi, "Siyang sinabi ko sa inyo, 'Ang darating kasunod ko ay mas higit sa akin, sapagkat siya ay nauna sa akin.'"
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 16 Sapagkat mula sa kaniyang kapuspusan tayong lahat ay nakatanggap ng sunod-sunod na libreng kaloob. \v 17 Sapagkat ang kautusan ay ibinigay sa pamamagitan ni Moises. Biyaya at katotohanan ay dumating sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. \v 18 Kailanman, walang tao ang nakakita sa Diyos. Ang isa at nag-iisang katauhan, na mismo ay Diyos, na siyang nasa dibdib ng Ama, nagawa niya siyang maipakilala.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 19 Ngayon ito ang patotoo ni Juan nang ang mga Judio ay nagpadala sa kaniya ng mga pari at mga Levita mula sa Jerusalem para tanungin siyang, "Sino ka?" \v 20 Malaya niyang inilahad, at hindi ikinaila, ngunit tumugon, "Hindi ako ang Cristo." \v 21 Kaya siya ay tinanong nila, "Ano ka kung gayon? Ikaw ba si Elias?" Sabi niya, "Hindi ako." Sabi nila, "Ikaw ba ang propeta?" Sumagot siya, "Hindi."
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 22 Pagkatapos ay sinabi nila sa kaniya, "Sino ka, upang may maibigay kaming sagot sa mga nagsugo sa amin? Ano ang masasabi mo tungkol sa iyong sarili?" \v 23 Sinabi niya, "Ako ang boses ng isang sumisigaw sa ilang: 'Gawin ninyong tuwid ang daraanan ng Panginoon,' gaya nang sinabi ni Isaias na propeta."
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 24 Ngayong mayroong mga isinugo duon mula sa mga Pariseo. Tinanong nila siya at sinabi sa kaniya, \v 25 "Kung ganoon bakit ka nagbabautismo kung hindi ikaw ang Cristo, ni hindi si Elias, ni hindi ang propeta?"
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 26 Tumugon si Juan sa kanila sinasabi, "Nagbabautismo ako ng tubig. Subalit, sa kalagitnaan ninyo ay nakatayo ang isang hindi ninyo nakikilala. \v 27 Siya ang darating kasunod ko. Hindi ako karapat-dapat na magtanggal ng tali ng kaniyang sandalyas." \v 28 Ang mga bagay na ito ay nangyari sa Bethania sa kabilang ibayo nang Jordan, kung saan si Juan ay nagbabautismo.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 29 Sa sumunod na araw nakita ni Juan na paparating si Jesus sa kaniya at sinabi, "Tingnan ninyo, ayun ang kordero ng Diyos na siyang nag-aalis nang mga kasalanan ng mundo! \v 30 Siya ang sinabi ko sa inyo na, 'Ang darating kasunod ko ay mas higit sa akin, sapagkat siya ay nauna sa akin.' \v 31 Hindi ko siya nakilala, ngunit ito ay nangyari upang maihayag siya sa Israel na siyang dahilan na ako ay nagbabautismo ng tubig."
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 32 Nagpatotoo si Juan, "Nakita ko ang Espiritu na bumababa mula sa langit tulad ng isang kalapati, at ito ay nanatili sa kaniya. \v 33 Hindi ko siya nakilala, ngunit ang sabi sa akin ng nagsugo sa akin na magbautismo sa tubig, 'Kung kanino mo makikita ang Espiritu na bumababa at nananatili, siya ang magbabautismo ng Banal na Espiritu.' \v 34 Pareho kong nakita at napatotohanan na ito ang Anak ng Diyos.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 35 Muli, sa sumunod na araw, habang si Juan ay nakatayong kasama ang dalawang alagad \v 36 nakita nila si Jesus na naglalakad sa malapit, at sinabi ni Juan, "Tingnan ninyo, ayun ang Kordero ng Diyos!"
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 37 Narinig ng dalawang alagad na sinabi ni Juan ito, at sila ay sumunod kay Jesus. \v 38 At si Jesus ay lumingon at nakita silang sumusunod at sinabi sa kanila, "Anung nais ninyo?" Sumagot sila, "Rabi (na ang ibig sabihin ay 'Guro'), saan ka nakatira?" \v 39 Sinabi niya sa kanila, "Halikayo at tingnan." At sila ay pumaroon at nakita kung saan siya nakatira; sila ay tumira kasama niya sa araw na iyon sapagkat noon ay halos mag-aalas kuwatro na.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 40 Isa sa dalawang nakarinig na nagsalita si Juan at pagkatapos sumunod kay Jesus ay si Andres na kapatid ni Simon Pedro. \v 41 Una niyang nakita ang kaniyang sariling kapatid na si Simon at sinabi sa kaniya, "Nakita na namin ang Mesias," (na sinalin na, 'ang Cristo'). \v 42 Dinala niya siya kay Jesus. Si Jesus ay tumingin sa kaniya at sinabi, "Ikaw si Simon anak ni Juan. Ikaw ay tatawaging Cepas" (na ang ibig sabihin ay 'Pedro').
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 43 Kinabukasan, nang si Jesus ay nais na umalis para pumunta sa Galilea, nakita niya si Felipe at sinabi sa kaniya, "Sumunod ka sa akin." \v 44 Ngayon si Felipe ay galing sa Bethsaida, ang lungsod nila Andres at Pedro. \v 45 Natagpuan ni Felipe si Nathanael at sinabi sa kaniya, "Ang siyang naisulat sa kaustusan ni Moises at ng mga propeta - ay nakita namin, si Jesus na taga-Nazaret na anak ni Jose."
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 46 Sinabi ni Nathanael, "Maaari bang may magandang bagay na magmula sa Nazaret?" Sinabi ni Felipe sa kaniya, "Halika at tingnan mo." \v 47 Nakita ni Jesus na palapit si Nataniel sa kaniya at sinabi ang tungkol sa kaniya, "Tingnan ninyo, isa ngang tunay na Israelita, na walang panlilinlang." \v 48 Sinabi sa kaniya ni Nataniel, "Papaano mo ako nakikilala?" Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, "Bago ka tawagin ni Felipe, nang nasa ilalim ka ng puno ng igos, nakita na kita."
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 49 Sumagot si Nathanael, "Rabi, ikaw ang Anak ng Diyos! Ikaw ang Hari ng Israel!" \v 50 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, "Dahil ba sa sinabi ko sa iyo, 'Nakita kita sa ilalim ng puno ng igos', naniniwala ka na? Makakakita ka ng mga bagay na mas higit pa kaysa dito." \v 51 Sinabi ni Jesus, "Totoo, totoo itong sinasabi ko sa iyo, makikita mong magbukas ang mga kalangitan, at ang mga anghel ng Diyos ay umaakyat at bumababa sa kinaroroonan ng Anak ng Tao."
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 1 Matapos ang tatlong araw, may kasalan sa Cana ng Galilea, at ang ina ni Jesus ay naroon. \v 2 Si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay naanyayahan sa kasalan.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 3 Nang maubos ang alak, sinabi ng ina ni Jesus sa kaniya, "Wala silang alak." \v 4 Sumagot si Jesus, "Babae, ano ang kinalaman niyan sa akin? Ang oras ko ay hindi pa dumarating." \v 5 Sinabi nang kaniyang ina sa mga lingkod, "Anumang sabihin niya sa inyo, gawin ninyo."
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 6 Ngayon mayroon doong anim na mga banga ng tubig na ginagamit sa seremonya ng paghuhugas ng mga Judio, na ang bawa't isa ay naglalaman ng may dalawa hanggang tatlong metretes. \v 7 Sinabi ni Jesus sa kanila, "Punuin ninyo ang banga ng tubig." Kaya pinuno nila ang mga ito hanggang labi. \v 8 Pagkatapos ay sinabi niya sa mga lingkod, "Kumuha kayo ng kaunti at ibigay sa punong tagapag-silbi." Kaya ginawa nga nila.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 9 Tinikman ng punong tagapag-silbi ang tubig na naging alak, ngunit hindi niya alam kung saan ito nanggaling (ngunit alam ito ng mga lingkod na kumuha ng tubig). Pagkatapos ay tinawag niya ang lalaking bagong kasal \v 10 at sinabi sa kaniya, "Ang unang hinahain ng bawa't isa ay ang mainam na alak at pagkatapos ay ang murang alak kapag ang mga tao ay lasing na. Ngunit itinira mo ang napakainam na alak hanggang ngayon."
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 11 Ang himalang ito sa Cana ng Galilea ay ang simula ng mga mahimalang tanda na ginawa ni Jesus, ipinapahayag ang kaniyang kaluwalhatian, kaya ang mga alagad ay nananampalataya sa kaniya.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 12 Pagkatapos nito, si Jesus, ang kaniyang ina, ang kaniyang mga kapatid, at ang kaniyang mga alagad ay pumunta pababa ng Capernaum, at duon nanatili sila ng mga ilang araw.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 13 Ngayon malapit na ang Paskwa ng mga Judio, kaya si Jesus ay umakyat sa Jerusalem. \v 14 Natagpuan niya sa templo ang mga nagbebenta ng mga baka, tupa at mga kalapati. Ang mga tagapagpalit ng pera ay naroroon din at nakaupo.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 15 Kaya gumawa siya nang isang panghagupit na lubid at pinaalis silang lahat palabas ng templo, pati na ang mga tupa at baka. Itinapon niya ang pera ng tagapagpalit ng salapi at itinaob ang kanilang mga mesa. \v 16 Sinabi niya sa mga taga-benta nang kalapati, "Alisin ninyo rito ang mga bagay na ito. Tigilan ninyong gawing palengke ang tahanan ng aking Ama."
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 17 Naalala ng kaniyang mga alagad na nasusulat, "Ang sigasig para sa iyong tahanan ay tutupok sa akin." \v 18 Pagkatapos ay tumugon ang mga may katungkulang Judio, sinasabi sa kaniya, "Anong tanda ang ipapakita mo sa amin dahil ginagawa mo ang mga bagay na ito?" \v 19 Sumagot si Jesus, "Wasakin ang templong ito, at sa tatlong araw aking itatayo ito."
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 20 At sinabi ng mga may katungkulang Judio, "Umabot nang apatnapu't anim na taon para magawa ang templong ito, at itatayo mo ito sa tatlong araw?" \v 21 Subalit, siya ay nagsasalita tungkol sa templo ng kaniyang katawan. \v 22 Kaya't pagkatapos noon nang siya ay ibangon mula sa kamatayan, naalala ng kaniyang mga alagad na sinabi niya ito, at sila ay nanalig sa kasulatan at sa pahayag na sinabi ni Jesus.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 23 Ngayon nang siya ay nasa Jerusalem, habang pista ng Paskwa, marami ang naniwala sa kaniyang pangalan, nang nakita nila ang ginawa niyang mapaghimalang tanda. \v 24 Ngunit walang tiwala si Jesus sa kanila dahil kilala niya lahat ng sangkatauhan. \v 25 Hindi niya kailangan ang sinuman para magpatotoo sa kaniya tungkol sa kung ano ang klase ng mga tao, sapagkat alam niya kung anong nasa sa kanila.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 1 Ngayon mayroon isang Pariseo na nagngangalang Nicodemo, kasapi ng Konseho ng Judio. \v 2 Pumunta ang taong ito kay Jesus nang bandang gabi, at sinabi niya "Rabi, alam namin ikaw ay isang guro galing sa Diyos dahil walang sinumang makagagawa ng mga tandang ito na ginawa mo maliban na nasa kaniya ang Diyos."
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 3 Sumagot si Jesus sa kanya, "Tunay nga, maliban kung isilang muli ang isang tao hindi niya makikita ang kaharian ng Diyos." \v 4 Sinabi ni Nicodemo sa kaniya, "Paano ipapanganak ang isang tao kung siya ay matanda na? Hindi na siya pwedeng pumasok sa pangalawang pagkakataon sa sinapupunan ng kaniyang ina at ipanganak, kaya ba niya?"
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 5 Sumagot si Jesus, "Tunay nga, maliban kung ipinanganak ang isang tao sa tubig at sa Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng Diyos. \v 6 Iyong ipanganak sa laman ay laman, at iyong ipanganak sa Espiritu ay espritu.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 7 Huwag kayong mamangha na sinabi ko sa inyo, 'Dapat kayong ipanganak muli.' \v 8 Umiihip ang hangin kung saan niya gusto. Naririnig ninyo ang huni nito, ngunit hindi ninyo alam kung saan ito nagmula o kung saan ito pupunta. Gayon din naman ang sinumang isilang sa Espiritu."
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 9 Sumagot si Nicodemo, sinasabi, "Paano mangyayari ang mga bagay na ito?" \v 10 Sinagot siya ni Jesus, "Ikaw ba ay guro ng Israel, at hindi mo naiintindihan ang mga bagay na ito? \v 11 Tunay nga, sinasabi namin iyong alam namin, at pinatotohanan iyong nakita namin. Subalit kayong mga tao, hindi ninyo tinatanggap ang aming patotoo.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 12 Kung sinabi ko sa iyo ang tungkol sa mga bagay na makalupa at hindi ka naniwala, paano ka maniniwala kung sasabihin ko sa iyo ang mga bagay na makalangit? \v 13 Walang sinumang umakyat sa langit maliban ang bumaba mula sa langit, ang Anak ng Tao.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 14 Tulad ng pagtaas ni Moises ng ahas sa ilang, gayon din naman ang Anak ng Tao ay kailangang maitaas, \v 15 upang ang lahat ng mananampalataya sa kaniya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 16 Dahil labis na inibig ng Diyos ang sangkatauhan, ibinigay niya ang kaniyang natatangi at nag-iisang Anak upang ang sinumang manalig sa kaniya ay hindi mamatay ngunit magkakaroon ng buhay na walang hanggan. \v 17 Dahil hindi isinugo ng Diyos ang kaniyang Anak sa mundo para parusahan ang sangkatauhan, ngunit para ang mundo ay marapat na maligtas sa pamamagitan niya. \v 18 Ang nananampalataya sa kaniya ay hindi mahatulan. Ang hindi nananampalataya ay nahatulan na dahil hindi siya nananampalataya sa pangalan ng natatanging Anak ng Diyos.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 19 Ito ang dahilan sa paghahatol, na ang ilaw ay dumating sa mundo, at minahal ng mga tao ang dilim kaysa ang liwanag dahil masama ang kanilang mga naging gawa. \v 20 Dahil ang sinuman na gumagawa ng masama ay galit sa liwanag at hindi lumalapit sa ilaw upang ang kaniyang mga gawa ay hindi malantad. \v 21 Subalit ang gumagawa ng katotohanan ay lumalapit sa liwanag upang ang kaniyang mga gawa ay malinaw na makita at ang mga iyon ay naganap dahil sa pagsunod sa Diyos."
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 22 Pagkatapos nito, si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay pumunta sa lupain ng Judea. Doon siya ay naglalaan ng panahon kasama nila at nagbabautismo. \v 23 Ngayon si Juan din ay nagbabautismo sa Enon malapit sa Salim dahil higit na marami ang tubig doon. Lumalapit sa kaniya amg mga tao at sila ay nababautismuhan, \v 24 dahil hindi pa naipatapon sa bilangguan si Juan.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 25 Pagkatapos ay may lumitaw na alitan sa pagitan ng ilang alagad ni Juan at sa isang Judio tungkol sa seremonya ng paghuhugas. \v 26 Pumunta sila kay Juan, at sinabi nila sa kanya "Rabi, yung kasama mo sa ibayo ng ilog Jordan, na iyong pinatotohanan, tingnan mo, nagbabautismo siya at pumupunta ang lahat sa kaniya."
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 27 Sumagot si Juan, "Walang anumang bagay ang tatanggapin ng isang tao maliban na lamang kung ito ay ibinigay sa kaniya mula sa langit. \v 28 Kayo mismo ang makapagpapatunay na sinabi ko, 'Hindi ako ang Cristo' sa halip sinabi ko, 'Isinugo ako bago pa siya."
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 29 Ang kasama ng ikakasal na babae ay ang ikakasal na lalaki. Ngayon ang kaibigan ng ikakasal na lalaki, na siyang nakatayo at nakikinig, ay labis ang tuwa dahil sa tinig ng ikakasal na lalaki. Ito ngang aking kagalakan ay naging ganap. \v 30 Siya ay dapat maitaas, subalit ako ay dapat maibaba.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 31 Ang mula sa kaitaasan ay nakatataas sa lahat. Ang taga lupa ay nagmula sa lupa at nagsasalita ng mga bagay na makalupa. Ang mula sa langit ay nakatataas sa lahat. \v 32 Nagpapatotoo siya kung ano ang kaniyang nakita at narinig, ngunit walang taong tumatanggap sa kaniyang patotoo. \v 33 Ang tumanggap sa kaniyang patotoo ay pinatunayan na totoo ang Diyos.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 34 Dahil ang sinumang ipinadala ng Diyos ay ipinapahayag ang mga salita ng Diyos. Dahil hindi niya ibinigay ang Espiritu sa pamamagitan ng sukat. \v 35 Mahal ng Ama ang Anak at ibinigay niya ang lahat sa kaniyang mga kamay. \v 36 Ang nananampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan, ngunit ang sinumang hindi sumusunod sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi mananatili ang poot ng Diyos sa kaniya."
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 1 Ngayon, nang malaman ni Jesus na narinig na ng mga Pariseo na siya ay humihirang at nagbabautismo ng mas maraming alagad kaysa kay Juan \v 2 (bagama't hindi si Jesus mismo ang nagbabautismo kundi ang kaniyang mga alagad), \v 3 iniwan niya ang Judea at lumisan papuntang Galilea.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 4 Ngayo'y kinakailangan niyang dumaan ng Samaria. \v 5 Kaya dumating siya sa isang bayan ng Samarya na tinawag na Sicar, malapit sa isang lagay ng lupa na ibinigay ni Jacob sa kaniyang anak na si Jose.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 6 Naroon ang balon ni Jacob. Napagod si Jesus sa kaniyang paglalakbay, at siya ay umupo sa may balon. Ito ay magtatanghaling tapat. \v 7 Isang Samaritana ang dumating upang mag-igib ng tubig, at sinabi ni Jesus sa kaniya, "Bigyan mo ako ng konting tubig na maiinom." \v 8 Dahil ang kaniyang mga alagad ay umalis papuntang bayan upang bumili ng pagkain.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 9 Pagkatapos ay sinabi ng Samaritana sa kaniya, "Paanong ikaw, na isang Judio, ay humihingi sa akin, na isang Samaritana, ng maiinom?" Dahil ang mga Judio ay hindi nakikitungo sa mga Samaritano. \v 10 Sinagot siya ni Jesus, "Kung batid mo ang kaloob ng Diyos, at kung sino itong nagsasabi sa iyong, 'Bigyan mo ako ng inumin,' ikaw sana ang hihingi sa kaniya, at ibibigay niya sa iyo ang tubig na buhay."
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 11 Sumagot ang babae, "Ginoo, wala kang panalok, at malalim ang balon. Saan kayo kukuha ng tubig na buhay? \v 12 Hindi ka higit na dakila kaysa aming amang si Jacob, di ba, na nagbigay sa amin ng balon, at uminom siya mula dito, gayun din ang kaniyang mga anak at kaniyang mga baka?"
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 13 Sumagot si Jesus, "Ang bawat iinom ng kaunting tubig na ito ay muling mauuhaw, \v 14 ngunit ang sinumang uminom ng kaunting tubig na ibibigay ko sa kaniya ay hindi kailan man muling mauuhaw. Sa halip, ang tubig na ibibigay ko sa kaniya ay magiging bukal ng tubig na magdudulot sa kaniya ng buhay na walang hanggan."
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 15 Ang sabi ng babae sa kaniya, "Ginoo, bigyan mo ako ng tubig na ito para hindi na ako mauuhaw at hindi na pumunta dito para umigib ng tubig." \v 16 Ang sabi ni Jesus sa kaniya, "Umuwi ka, tawagin mo ang iyong asawa, at bumalik ka dito."
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 17 Sumagot ang babae, sinasabi sa kanya, "Wala akong asawa." Sumagot si Jesus, "Mabuti ang pagkasabi mo, 'wala akong asawa,' \v 18 dahil nagkaroon ka na ng limang asawa at ang kinakasama mo ngayon ay hindi mo asawa. Sa gayon mabuti ang pagkasabi mo."
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 19 Ang sabi ng babae sa kaniya, "Ginoo, nakikita kong ikaw ay isang propeta. \v 20 Dito sa bundok na ito sumamba ang aming mga ninuno, ngunit iyong sinasabi na itong Jerusalem ay ang lugar kung saan ang mga tao ay dapat sumamba."
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 21 Sumagot si Jesus sa kaniya, "Babae, maniwala ka sa akin, darating ang oras na sasambahin ninyo ang Ama ni sa bundok na ito o sa Jerusalem. \v 22 Sinasamba ninyo ang hindi ninyo nalalaman. Alam namin ang aming sinasamba, sapagkat ang kaligtasan ay nagmula sa mga Judio.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 23 Subalit darating ang oras, at narito na nga, na ang mga tunay na sumasamba ay sasambahin ang Ama sa espiritu at katotohanan, dahil ang Ama ay naghahanap ng mga ganoong tao na sasamba sa kaniya. \v 24 Ang Diyos ay isang Espiritu, at ang mga taong sasamba sa kaniya ay dapat sumamba sa espiritu at katotohanan."
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 25 At sinabi ng babae sa kaniya, "Alam ko na ang Mesias ay darating (ang tinatawag na Cristo). Kapag dumating siya, ihahayag niya ang lahat ng bagay sa amin." \v 26 Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Ako, na nagsasalita sa iyo, ay siya nga."
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 27 At sa sandaling iyon bumalik ang kaniyang mga alagad. Ngayon sila ay nagtataka bakit siya nakikipag-usap sa isang babae. Ngunit walang isa man ang nagsabi, "Ano ang iyong gusto?" o "Bakit ka nakikipag-usap sa kanya?"
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 28 Kaya iniwan ng babae ang kaniyang sisidlan ng tubig. Bumalik sa bayan, at sinabi sa mga tao, \v 29 "Halikayo tingnan niyo ang lalaking nagsabi sa akin ng lahat ng aking ginawa. Hindi maaaring maging siya ang Cristo, maaari kaya? " \v 30 Nagsilabasan sila sa bayan, at nagpunta sa kaniya.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 31 Samantala hinihimuk siya ng mga alagad, sinasabi, "Rabi, kumain ka." \v 32 Ngunit sinabi niya sa kanila, "Mayroon akong pagkaing kakanin na hindi niyo nalalaman." \v 33 Kaya sinabi ng mga alagad sa isa't-isa, "Wala namang nagdala sa kaniya ng anumang kakainin, mayroon ba?"
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 34 Sinabi ni Jesus sa kanila, "Ang aking pagkain ay ang gawin ang kalooban ng siyang nagpadala sa akin, at para tapusin ang kaniyang gawa. \v 35 Hindi ba sinasabi ninyo, 'Mayroon pang apat na buwan at pagkatapos darating ang anihan'? Sinasabi ko sa inyo, tingnan ninyo at pagmasdan ang mga kabukiran, dahil ang mga iyon ay hinog na upang anihin! \v 36 Ang nag-aani ay tatanggap ng bayad at nagtitipon ng bunga para sa buhay na walang hanggan, upang ang nagtatanim at ang umaanii ay maaaring magkasamang magdiwang.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 37 Dahil dito totoo ang kasabihan 'Isa ang nagtatanim, at iba ang nag-aani.' \v 38 isinugo ko kayo upang anihin iyong hindi kayo ang nagpagal. Iba ang nagpagal at kayo mismo ay napabilang sa kanilang pagpapagal."
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 39 Marami sa mga Samaritano sa lunsod na yun ang nananampalataya sa kaniya dahil sa ulat ng babae na nagpapatotoo, "Sinabi niya sa akin ang lahat ng aking nagawa." \v 40 Nang dumating ang mga Samaritano sa kaniya, nagsumamo sa kaniya na manatili sa kanila, at siya ay nanatili doon ng dalawang araw.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 41 At marami pa ang nananampalataya dahil sa kaniyang salita. \v 42 Sinasabi nila sa babae, "Kami ay naniwala, hindi lamang dahil sa iyong mga salita, sapagkat napakinggan namin siya sa aming sarili, at alam namin na tunay ngang siya ang tagapagligtas ng mundo."
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 43 Pagkalipas ng dalawang araw na iyon, lumisan siya mula roon patungong Galilea. \v 44 Dahil si Jesus mismo ang nagpahayag na ang isang propeta ay walang karangalan sa kaniyang sariling bansa. \v 45 Nang dumating siya sa Galilea, malugod na tinanggap siya ng mga taga Galilea. Nakita nila ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginawa sa Jerusalem at sa kapistahan, dahil sila din ay nagpunta sa kapistahan.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 46 Ngayon dumating muli siya sa Cana na nasa Galilea, sa lugar na ginawa niyang alak ang tubig. Mayroong isang maharlikang pinuno na ang anak na lalaking nasa Capernaum ay may sakit. \v 47 Nang marinig niya na si Jesus ay dumating sa Galilea mula Judea, pumunta siya kay Jesus at nagsumamo siya upang lumusong at pagalingin ang kaniyang anak, na nasa bingit ng kamatayan.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 48 At sinabi ni Jesus sa kaniya, "Maliban na inyong makita ang mga tanda at mga kahanga-hangang mga gawa, hindi kayo maniniwala." \v 49 Sinabi ng pinuno sa kaniya, "Ginoo, halina't sumama ka na bago mamatay ang aking anak." \v 50 Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Humayo ka, mabubuhay ang iyong anak." Ang lalaki ay naniwala sa salita na sinabi ni Jesus sa kaniya, at tumuloy sa kaniyang landas.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 51 Habang siya ay bumababa, sinalubong siya ng kaniyang mga lingkod, nagsasabing buhay ang kaniyang anak. \v 52 Kaya nagtanong siya sa kanila kung anong oras siya nagsimulang gumaling. Sumagot sila sa kaniya, "Kahapon ng ala una ay nawala ang kaniyang lagnat."
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 53 At napagtanto ng ama na iyon din ang oras nang binanggit ni Jesus sa kaniya, "Mabubuhay ang iyong anak." Kaya siya mismo at ang kaniyang buong sambahayan ay nanampalataya. \v 54 Ito ang pangalawang tanda na ginawa ni Jesus mula nang umalis siya sa Judea patungong Galilea.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 1 Pagkatapos nito mayroong isang kapistahan ang mga Judio, at si Jesus ay umakyat pa Jerusalem. \v 2 Ngayon, mayroon sa Jerusalem, sa may tarangkahan ng tupa, isang palanguyan na tinatawag sa Hebreo na Bethzata. Ito ay mayroong limang mga portico na may bubungan. \v 3 Maraming bilang ng mga tao na may sakit, bulag, pilay, o lumpo ang mga nakahiga sa mga portico na ito. \v 4 ( naghihintay sa paggalaw ng tubig)
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 5 Nandoon ang isang lalaki na tatlumpu't walong taon ng lumpo. \v 6 Nang makita siya ni Jesus na nakahiga doon, at napag-alaman niyang matagal na siya nandoon, sinabi niya sa kaniya, "Ibig mo bang gumaling?"
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 7 Sumagot ang lalaking may sakit, "Ginoo, wala akong sinumang magdadala sa akin sa palanguyan kapag napukaw ang tubig. Kapag aking sinusubukan, mayroong nauuna sa akin." \v 8 Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Bumangon ka, kunin mo ang iyong banig, at lumakad ka."
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 9 Agad-agad gumaling ang lalaki, binuhat ang kaniyang higaan at lumakad. Ngayon ang araw na iyon ay Araw ng Pamamahinga.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 10 Kaya sinabihan ng mga Judio sa kaniyang pinagaling, "Ito ang Araw ng Pamamahinga, at hindi ka pinapayagang magbuhat ng iyong banig." \v 11 Sumagot siya, "Ang nagpagaling sa akin ang nagsabi sa akin, 'Damputin mo ang iyong banig at lumakad ka.'"
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 12 Tinanong nila siya, "Sino ang taong nagsabi sa iyong, 'Damputin mo ang iyong banig at lumakad ka?'" \v 13 Subalit, hindi kilala ng pinagaling kung sino siya sapagkat si Jesus ay palihim na umalis papalayo, dahil maraming ng tao sa lugar.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 14 Pagkatapos, natagpuan siya ni Jesus sa templo at sinabi sa kaniya, "Tingnan mo, ikaw ay gumaling na! Huwag ka nang magkasala pa, baka may malala pang mangyari sa iyo." \v 15 Ang lalaki ay umalis papalayo at pinagbigay-alam sa mga Judio na si Jesus ang nagpagaling sa kanya.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 16 Ngayon dahil sa mga bagay na ito, inusig ng mga Judio si Jesus sapagkat ginawa niya ang mga ito sa Araw ng Pamamahinga. \v 17 Sinabi ni Jesus sa kanila, "Ang aking Ama ay gumagawa kahit ngayon, at ako rin ay gumagawa. \v 18 Dahil dito, hinangad lalo ng mga Judio na patayin siya sapagkat hindi lamang niya nilabag ang Araw ng Pamamahinga, ngunit tinawag din niya ang Diyos na kaniyang Ama, at ginagawang kapantay ang kaniyang sarili sa Diyos.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 19 Sinagot sila ni Jesus, "Tunay nga, walang magagawa ang Anak sa kaniyang sarili lamang, maliban lamang sa anong nakikita niya na ginagawa ng Ama, sapagkat anuman ang ginagawa ng Ama, ang mga bagay na ito ay ginagawa din ng Anak. \v 20 Sapagkat iniibig ng Ama ang Anak, at ipinapakita niya sa kaniya ang lahat ng kaniyang ginagawa, at ipapakita niya ang mga mas dakilang bagay kaysa sa mga ito para kayo ay mamangha.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 21 Sapagkat tulad ng Ama na binabangon ang mga patay at binibigyan sila ng buhay, gayun din naman ang Anak ay nagbibigay ng buhay kung kanino niya naisin. \v 22 Sapagkat walang hinuhusgahan ang Ama, kundi ibinigay na niya ang lahat ng paghuhusga sa Anak \v 23 upang ang lahat ay parangalan ang Anak katulad ng pagparangal nila sa Ama. Ang hindi nagpaparangal sa Anak ay hindi nagpaparangal sa Ama na nagsugo sa kaniya.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 24 Tunay nga, ang nakarinig ng aking salita at naniwala sa kaniya na nagsugo sa akin ay mayroong buhay na walang hanggan at hindi mahahatulan. Sa halip, nailipat na siya mula sa kamatayan patungo sa buhay.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 25 Tunay nga, sinasabi ko sa inyo na darating ang panahon at narito na, na maririnig ng patay ang tinig ng Anak ng Diyos, at ang mga nakarinig ay mabubuhay.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 26 Sapagkat tulad ng Ama na may buhay sa kaniyang sarili, kaya binigyan din niya ang Anak ng buhay sa kaniyang sarili, \v 27 at binigyan ng Ama ang Anak ng kapangyarihan na gampanan ang paghahatol sapagkat siya ang Anak ng Tao.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 28 Huwag mamangha dito, sapagkat darating ang panahon kung saan lahat ng nasa libingan ay maririnig ang kaniyang tinig \v 29 at sila ay magsilabasan: iyong mga nakagawa ng mabuti sa pagkabuhay muli sa buhay, at iyong mga nakagawa ng masama sa pagkabuhay na muli sa paghahatol.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 30 Wala akong magagawa mula sa aking sarili. Kung anon narinig ko, humahatol ako, at ang aking hatol ay matuwid dahil hindi ko hinahangad ang sarili kong kalooban ngunit ang kalooban ng nagpadala sa akin. \v 31 Kung ako ay magpapatotoo tungkol sa aking sarili lamang, ang aking patotoo ay hindi magiging tunay. \v 32 Mayroong isa pa na siyang nagpapatotoo patungkol sa akin, at alam ko na ang patotoo na ibibigay niya tungkol sa akin ay tunay.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 33 Nagpasugo kayo kay Juan, at nagpatotoo siya sa katotohanan. \v 34 Subalit, ang patotoo na aking natanggap ay hindi galing sa tao. Sinasabi ko ang mga bagay na ito upang kayo ay maligtas. \v 35 Si Juan ay isang lamparang nagniningas at nagliliwanag, at kayo ay kusang nagalak ng isang kapanahunan sa kaniyang liwanag.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 36 Ngunit ang patotoo na mayroon ako ay higit na dakila kaysa kay Juan, sapagkat ang mga gawaing ibinigay sa akin ng Ama na dapat kong ganapin, ang mismong mga gawain na ginagawa ko, ay nagpapatotoo tungkol sa akin na ako ay isinugo ng Ama. \v 37 Ang Ama na siyang nagpadala sa akin ang siya ring nagpatotoo tungkol sa akin. Hindi ninyo kailanman narinig ang kaniyang tinig o nakita ang kaniyang anyo. \v 38 Hindi nananatili ang kaniyang salita sa inyo, sapagkat hindi kayo naniniwala sa kaniyang isinugo.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 39 Sinaliksik ninyo ang mga kasulatan sapagkat akala ninyo na sa mga ito ay mayroon na kayong buhay na walang hanggan, at ang mga kasulatan ding ito ay nagpatotoo tungkol sa akin, \v 40 at hindi ninyo gustong lumapit sa akin upang kayo ay magkaroon ng buhay.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 41 Hindi ako tumatanggap ng papuri mula sa mga tao, \v 42 ngunit alam ko na wala ang pag-ibig ng Diyos sa inyong mga sarili.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 43 Ako ay dumating sa ngalan ng aking Ama at hindi ninyo ako tinatanggap. Kung may iba na dumating sa kaniyang sariling pangalan, tatanggapin ninyo siya. \v 44 Papaano kayo maniniwala, kayo na tumatanggap ng papuri mula sa isa't isa ngunit hindi naghahangad ng papuri na nagmumula sa kaisa-isang Diyos?
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 45 Huwag ninyong isipin na ako mismo ang magpaparatang sa inyo sa harap ng Ama. Ang nagpaparatang sa inyo ay si Moises, na pinaglalagyan ninyo ng inyong mga pag-asa. \v 46 Kung naniniwala kayo kay Moises, maniniwala kayo sa akin sapagkat sumulat siya tungkol sa akin. \v 47 Kung hindi kayo nanininwala sa kaniyang mga isinulat, paano kayo maniniwala sa aking mga salita?"
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 1 Pagkatapos ng mga bagay na ito, si Jesus ay umalis papunta sa kabilang ibayo ng Dagat ng Galilea, na tinatawag din na Dagat ng Tiberias. \v 2 Napakaraming tao ang sumusunod sa kaniya dahil nakikita nila ang mga tanda na ginagawa niya sa may mga sakit. \v 3 Umakyat si Jesus sa gilid ng bundok at naupo doon kasama ang kaniyang mga alagad.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 4 (Ngayon ang Paskwa na kapistahan ng mga Judio ay malapit na). \v 5 Nang tumanaw si Jesus at nakita ang napakaraming taong lumalapit sa kaniya, sinabi niya kay Felipe, "Saan tayo makabili ng tinapay upang ang mga taong ito ay makakain?" \v 6 (Ngunit sinabi ito ni Jesus upang subukin si Felipe, sapagkat alam niya sa kaniyang sarili kung ano ang kaniyang gagawin.)
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 7 Sumagot si Felipe sa kaniya, "Ang tinapay na nagkakahalaga ng dalawang daang denario ay hindi magkakasya para sa bawa't isa kahit na bigyan ng tig-kakaunti." \v 8 Isa sa mga alagad, si Andres, kapatid ni Simon Pedro, ay nagsabi kay Jesus, \v 9 "Mayroong isang batang narito na mayroong limang sebadang tinapay at dalawang isda, ngunit ano ang mga ito sa ganito karaming tao?"
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 10 Sinabi ni Jesus, "Paupuin ninyo ang mga tao." (Ngayon madamo sa lugar na iyon.) Kaya naupo ang mga tao, mga limang libo ang bilang. \v 11 At kinuha ni Jesus ang mga tinapay at matapos makapagpasalamat ay ipinamahagi niya sa mga taong nakaupo. Sa ganoon ding paraan, ipinamahagi din niya ang mga isda, hangga't sa gusto nila. \v 12 Nang nabusog na ang mga tao, sinabi niya sa kaniyang mga alagad, "Ipunin ang natirang mga pira-piraso, para walang masayang."
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 13 Kaya inipon nila ang mga ito at puno ang labindalawang kaing ng mga pira-pirasong mula sa limang sebadang tinapay - ang mga pirasong natira mula sa mga nakakain. \v 14 At nang makita ng mga tao ang tandang ito na kaniyang ginawa, sinabi nila, "Ito ang tunay na propeta na siyang darating sa mundo." \v 15 Nang napagtanto ni Jesus na sila ay papunta at sapilitan siyang gagawing hari, muli siyang lumayo at mag-isang umakyat sa bundok.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 16 Nang dumating ang gabi, ang mga alagad ay bumaba papunta sa lawa. \v 17 Sumakay sila sa bangka, patawid ng dagat papuntang Capernaum. (Madilim na nang oras na iyon at hindi pa pumunta si Jesus sa kanila). \v 18 Ngayon, isang malakas na hangin ang umiihip at ang dagat ay nagiging maalon.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 19 At nang nakapagsagwan na ang mga alagad ng mga dalawampu't lima o tatlumpung istadya, nakita nila si Jesus na lumalakad sa ibabaw ng dagat at papalapit sa bangka, at sila ay natakot. \v 20 Subalit sinabi niya sa kanila, "Ako ito, huwag kayong matakot." \v 21 Pagkatapos kusa nilang tinanggap siya sa bangka, at kaagad nakarating ang bangka sa lugar kung saan sila papunta.
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 22 Kinabukasn, nakita ng karamihang nakatayo sa kabilang ibayo ng dagat na walang ibang bangka doon maliban sa isa at si Jesus ay hindi sumakay doon na kasama ang kaniyang mga alagad, kundi ang kaniyang mga alagad lamang. \v 23 (Subalit, may ilang mga bangka na nanggaling mula sa Tiberias malapit sa lugar kung saan nila kinain ang tinapay pagkatapos makapagpasalamat ang Panginoon.)
|
|
@ -0,0 +1 @@
|
|||
\v 24 Nang matuklasan ng karamihan na si Jesus o ang kaniyang mga alagad ay wala doon, sila sila rin ay sumakay sa mga bangka at nagpunta sa Capernaum at hinahanap si Jesus. \v 25 Pagkatapos nila siyang matagpuan sa kabila ng lawa, sinabi nila sa kaniya, "Rabi, kailan ka nagpunta dito?
|
Some files were not shown because too many files have changed in this diff Show More
Loading…
Reference in New Issue