fil_jhn_text_ulb/18/01.txt

1 line
514 B
Plaintext
Raw Normal View History

\c 18 \v 1 Pagkatapos sabihin ni Jesus ang mga salitang ito, lumabas siya kasama ang kaniyang mga alagad sa kabilang bahagi ng Ilog Kidron kung saan may isang hardin na kanilang pinuntahan. \v 2 Alam din ni Judas, ang magkakanulo sa kaniya, ang lugar na iyon dahil laging nagpupunta si Jesus doon kasama ang kaniyang mga alagad. \v 3 Si Judas ang nangunguna kasama ang isang pangkat ng mga kawal at ilang mga pinuno mula sa punong pari at mga Phariseo. Nagtungo sila doon dala ang mga ilawan, sulo, at mga sandata.