fil_jhn_text_ulb/17/09.txt

1 line
491 B
Plaintext
Raw Permalink Normal View History

\v 9 Pinapanalangin ko sila. Hindi ko ipinapanalangin ang buong mundo kundi sila na ibinigay mo sa akin, dahil sila'y sa iyo. \v 10 Ang lahat ng pag-aari ko ay sa iyo at ang pag-aari mo ay sa akin at naluluwalhati ako sa pamamagitan nila. \v 11 Hindi ako kabilang sa mundong ito pero ang mga taong ito ay naririto pa rin sa mundo. Ako ay babalik na sa iyo. Banal naming Ama, panatiliin mo sila na ibinigay mo sa akin ayon sa iyong pangalan para sila ay magiging isa tulad din na tayo'y iisa.