tl_mrk_text_ulb/16/14.txt

1 line
479 B
Plaintext

\v 14 Sa ibang pagkakataon, nagpakita si Jesus sa labing-isa habang nakasandal sila sa hapag, at sinaway sila dahil sa kanilang kawalan ng pananampalataya at katigasan ng puso, dahil hindi sila naniniwala sa mga nakakita sa kaniya matapos siyang bumangon mula sa mga patay. \v 15 Sinabi niya sa kanila, "Humayo kayo sa buong mundo at ipangaral ang mabuting balita sa lahat ng nilikha. \v 16 Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas at ang hindi naniniwala ay hahatulan.