tl_mrk_text_ulb/15/22.txt

1 line
365 B
Plaintext

\v 22 Dinala si Jesus ng mga kawal sa lugar na kung tawagin ay Golgotha (na ang ibig sabihin ay, Lugar ng Bungo). \v 23 Inalok nila siya ng alak na may halong mira, ngunit hindi niya ito ininom. \v 24 Ipinako nila siya at pinaghati-hatian ang kaniyang kasuotan sa pamamagitan ng pagsasapalaran upang malaman kung anong parte ng kasuotan ang makukuha ng bawat kawal.