tl_mrk_text_ulb/14/40.txt

1 line
462 B
Plaintext

\v 40 Muli siyang bumalik at nadatnan silang natutulog, sapagkat antok na antok sila at hindi nila alam kung ano ang kanilang sasabihin sa kaniya. \v 41 Bumalik siya sa pangatlong pagkakataon at sinabi sa kanila, "Natutulog pa rin ba kayo at nagpapahinga? Tama na! Dumating na ang oras. Tingnan ninyo! Ang Anak ng Tao ay ipinagkakanulo sa mga kamay ng mga makasalanan. \v 42 Bumangon kayo, umalis na tayo. Tingnan ninyo, malapit na ang taong magkakanulo sa akin.