tl_mrk_text_ulb/14/22.txt

1 line
525 B
Plaintext

\v 22 Habang kumakain sila, kinuha ni Jesus ang tinapay, pinagpala at hinati-hati niya ito at ibinigay sa kanila at sinabi, "Kunin ninyo ito. Ito ang aking katawan." \v 23 Kumuha siya ng tasa, nagpasalamat, ibinigay ito sa kanila at uminom silang lahat mula rito. \v 24 Sinabi niya sa kanila, "Ito ang aking dugo ng kasunduan, ang dugo na maibubuhos para sa marami. \v 25 Totoo, sinasabi ko sa inyo, hindi ako muling iinom nitong bunga ng ubas hanggang sa araw na iyon kung kailan ako iinom ng panibago sa kaharian ng Diyos."