tl_mrk_text_ulb/14/12.txt

1 line
633 B
Plaintext

\v 12 Sa unang araw ng Tinapay na Walang Pampaalsa, nang naghandog sila ng batang tupa alang-alang sa Paskua, sinabi sa kaniya ng kaniyang mga alagad, "Saan mo kami nais pumunta upang maghanda ng hapunan alang-alang sa Paskua?" \v 13 Ipinadala niya ang dalawa sa kaniyang mga alagad at sinabi sa kanila, "Pumunta kayo sa lungsod, at isang lalaki na may dalang tubig na nakalagay sa pitsel ang sasalubong sa inyo. Sundan ninyo siya. \v 14 Sundan ninyo siya kung saang bahay siya papasok at sabihin sa may-ari ng bahay na iyon, 'Ipinapatanong ng Guro, "Nasaan ang aking silid na aking kakainan sa Paskua kasama ang aking mga alagad?" '