tl_mrk_text_ulb/14/03.txt

1 line
526 B
Plaintext

\v 3 Nang si Jesus ay nasa Bethania sa bahay ni Simon na ketongin, habang nakasandal siya sa mesa, isang babae ang pumunta sa kaniya na mayroong dalang alabastrong sisidlan na may lamang napakamahal na likido na purong nardo. Binasag niya ito at ibinuhos ang laman sa kaniyang ulo. \v 4 Ngunit may ilang nagalit. Nag-usap-usap ang bawat isa at sinabi, "Ano ang dahilan sa pag-aaksayang ito? \v 5 Ang pabangong ito ay maaaring ipagbili ng higit pa sa tatlong daang denario at maibigay sa mga mahihirap." At sinasaway nila siya.