tl_mrk_text_ulb/11/07.txt

1 line
484 B
Plaintext

\v 7 Dinala ng dalawang alagad ang bisiro kay Jesus at nilatagan nila ito ng kanilang kasuotan upang masakyan niya. \v 8 Maraming mga tao ang naglatag ng kanilang mga kasuotan sa daan at mayroon din namang naglatag ng mga sanga na pinutol nila mula sa bukirin. \v 9 Ang mga nauuna at sumusunod sa kaniya ay sumisigaw ng, "Hosanna! Pinagpala ang sinumang pumaparito sa pangalan ng Panginoon. \v 10 Pagpalain ang pagdating ng kaharian ng ating amang si David! Hosanna sa kataas-taasan!"