tl_mrk_text_ulb/10/46.txt

1 line
476 B
Plaintext

\v 46 Nakarating sila sa Jerico. Nang paalis na si Jesus sa Jerico kasama ang kaniyang mga alagad at ang napakaraming tao, ang anak ni Timeo, na si Bartimeo, isang bulag na pulubi ay nakaupo sa tabi ng daan. \v 47 Nang marinig niyang si Jesus na taga-Nazaret iyon, nagsimula siyang sumigaw at nagsabi, "Jesus, Anak ni David, maawa ka sa akin!" \v 48 Maraming sumusuway sa bulag, na nagsasabi na manahimik siya. Ngunit lalo pa siyang sumigaw, "Anak ni David, maawa ka sa akin!"