tl_mrk_text_ulb/10/29.txt

1 line
477 B
Plaintext

\v 29 Sinabi ni Jesus, "Totoo ang sinasabi ko sa inyo, walang sinuman ang nang-iwan ng bahay, mga kapatid, ina, ama, mga anak, o mga lupain alang-alang sa akin at alang-alang sa mabuting balita, \v 30 ang hindi makatatanggap ng isandaang ulit pa ng mga ito sa mundo ngayon: mga bahay, mga kapatid, mga ina, mga anak at mga lupain na may mga pag-uusig, at sa mundong paparating, ang buhay na walang hanggan. \v 31 Ngunit marami ang nauuna na mahuhuli at ang nahuhuli ay mauuna."