tl_mrk_text_ulb/09/33.txt

1 line
455 B
Plaintext

\v 33 At dumating sila sa Capernaum. At nang siya ay nasa loob ng bahay, tinanong niya sila, "Ano ang pinagtatalunan ninyo sa daan?" \v 34 Ngunit sila ay tahimik. Sapagkat habang sila ay nasa daan nakikipagtalo sila sa isa't isa kung sino ang pinakadakila sa kanila. \v 35 Umupo siya at tinawag ang Labindalawa nang magkakasama, at sinabi niya sa kanila, "Kung sino man ang nais mauna, dapat siyang maging huli sa lahat at maging tagapaglingkod ng lahat."