tl_mrk_text_ulb/09/20.txt

1 line
426 B
Plaintext

\v 20 Dinala nila ang batang lalaki sa kaniya. Nang makita ng espiritu si Jesus, kaagad siya nitong pinangisay. Natumba ang bata sa lupa at bumula ang bibig. \v 21 Tinanong ni Jesus ang ama ng bata, "Gaano na siya katagal na ganito?" Sinabi ng ama, "Mula pagkabata. \v 22 Madalas siyang tinatapon nito sa apoy o sa tubig at sinubukan siya nitong patayin. Kung may magagawa kang kahit ano, kaawaan mo kami at tulungan mo kami."