tl_mrk_text_ulb/08/07.txt

1 line
460 B
Plaintext

\v 7 Mayroon din silang ilang maliliit na isda, at matapos siyang makapagpasalamat para sa mga ito, inutusan niya ang kaniyang mga alagad na ipamahagi din ito. \v 8 Kumain sila at nabusog. At kinuha nila ang mga natirang pinaghati-hati, umabot ang mga ito sa pitong malalaking basket. \v 9 May apat na libo ang mga taong naroroon. At pinauwi niya sila. \v 10 Agad siyang sumakay sa bangka kasama ang kaniyang mga alagad at pumunta sila sa rehiyon ng Dalmanuta.