tl_mrk_text_ulb/08/01.txt

1 line
543 B
Plaintext

\v 1 Sa mga araw na iyon, naroon muli ang maraming tao at wala silang makain. Tinawag ni Jesus ang kaniyang mga alagad at sinabi sa kanila, \v 2 "Naaawa ako sa mga tao dahil patuloy nila akong sinamahan ng tatlong araw at wala silang makain. \v 3 Kung pauuwiin ko sila sa kanilang mga tahanan na hindi pa nakakakain, maaari silang himatayin sa daan. At nagmula pa sa malayo ang ilan sa kanila." \v 4 Sinagot siya ng kaniyang mga alagad, "Saan tayo maaaring makakuha ng sapat na tinapay sa isang ilang na lugar upang busugin ang mga taong ito?"