tl_mrk_text_ulb/07/33.txt

1 line
404 B
Plaintext

\v 33 Inihiwalay niya siya mula sa maraming tao nang sarilinan at hinawakan niya ang kaniyang mga tainga at pagkatapos dumura, hinawakan niya ang kaniyang dila. \v 34 Tumingala siya sa langit, at nagbuntong-hininga at sinabi sa kaniya, "Effata", na ang ibig sabihin ay, "Bumukas ka!" \v 35 Agad bumukas ang kaniyang pandinig at napuksa ang pumipigil sa kaniyang dila at malinaw na siyang nakapagsasalita.