tl_mrk_text_ulb/07/17.txt

1 line
507 B
Plaintext

\v 17 Ngayon nang iniwan ni Jesus ang maraming tao at pumasok sa bahay, tinanong siya ng kaniyang mga alagad tungkol sa talinghaga. \v 18 Sinabi ni Jesus, "Hindi pa rin ba ninyo naiintindihan? Hindi ba ninyo alam na kahit anong pumasok sa isang tao mula sa labas, ito ay hindi makapagpapadungis sa kaniya, \v 19 dahil hindi ito maaaring mapunta sa kaniyang puso kung hindi sa kaniyang sikmura at lalabas ito patungo sa palikuran." Dahil sa pahayag na ito, ginawang malinis ni Jesus ang lahat ng mga pagkain.