tl_mrk_text_ulb/07/14.txt

1 line
338 B
Plaintext

\v 14 Tinawag niyang muli ang maraming tao at sinabi sa kanila, "Makinig kayong lahat sa akin, at unawain ninyo ito. \v 15 Walang kahit anumang pumapasok sa tao ang makakapagpadungis sa kaniya. Ang mga bagay na lumalabas sa tao ang nakapagpadungis sa kaniya." \v 16 (Kung sinuman ang taong may taingang nakakarinig, hayaang marinig niya.)